MM: JINSON LEFT,KEVIN RIGHT
Kevin's POV
dumeretso ako sa kwarto namin para mag linis naman ng katawan.
Nakapag palit narin ako ng damit at dahil bitin din ang tulog ko at ramdam ko parin ang pagod,humiga ako ulit sa kama para matulog. SANA......Nakatihaya ako sa kama namin nang bigla kong naramdaman ang paggalaw ni Jinson sa tabi ko, kaya napa tingin ako sakanya, gising pala ang mokong, nakatitig din sa mata ko.
Ilang minuto din kaming nagtitigan, ayokong mag salita, siguro kumukuha sya ng tsempo para magsalita.
Nagulat ako ng bigla syang lumapit saakin,nakipagtitigan, kaya nanigas naman ako, bigla syang lumapit sa tenga ko at bumulong.
"I Love You Kevin" puno ng sinseridad nyang sabi.
Pero napaisip ako, nanti trip na naman to.Tsk. sinamaan ko sya ng tingin at kinotongan ng malutong. Haha
"Araykupp--" sigaw nya, buti nalang at hindi nagising si Lider na nasa kabilang kama lang.
"Hindi mo ko madadaan sa ganyan ganyan ahh" sabi ko
"Talo ka! May consenquence ka saken!!!" sabi nya.
"At sinong may sabing makikipaglandian ako sayo?" sabi ko.
"At isa pa, may kasalanan ka pa sakin!,galit ako sayo." dagdag ko pa, pero syempre joke lang yung galit ako sakany,pampa drama lang ng onti.hehe"Sorry na nga po ehh" pa kyut nyang sabi.
"Puta Jinson, hindi bagay sayo,tigilan mo ko dyan sa pa kyut mo!" painis kong sabi pero, mas lalo syang nag pa kyut sa harap ko.
"Arggghh! Isa pa! Hindi kita talaga papansinin!" banta ko sakanya.
"Ah, sorry na hindi na." aabi nya at umayos ng higa.
"Ano ba kaseng problema mo at nagdrama ka pa saaken?" tanong ko.
"Whisper game?" Tinamaan ata ng kalibugan tong taong to.
"Gago! Sagutin mo nalang yung tanong ko kase!" sabi ko.
"Sige sasagutin ko sa pamamamagitan ng Whisper Game." sabi nya.
"Alam mo ang arte mo! Sabihin mo nalang kase!" sabi ko.
"Okay ayaw mo edi wag!" sabi nya, at tumalikod saakin.
Kita mo to, nabaliktad pa ang sitwasyon, ako naman ang pinapahabol nya, parang kanina sorry pa sya ng sorry XD
"Osige na!" sabi ko nalang kahit di ko talaga trip mag laro ngayon dahil nga pagod na pagod ako.
Hindi naman na sya sumagot pa at lumapit sa tenga ko,pero hindi sa tenga kong malapit sa kanya, kung di sa kabilang tenga ko, kaya dumagan pa sya saakin para maabot yung kabilang tenga ko.
Bago magsalita, nag exhale muna sya kaya nakaramdam ako ng kiliti sa tenga at leeg ko. Habang sya, nakatingin ng diretso sa mata ko.
"MAHAL KASI KITA" bulong nya.
"Ano?? Akala ko ba sasabihin mo yung dahilan ng pag ddrama mo? Ang landi mo naman Jinson eh!" sabi ko
"Okay, talo ka baby, handa ka na ba sa iuutos ko?" sabi nya
"Anong utos? Wala tayong pinag usapan na consenquence ang kapalit ah! Kotong lang muna!saka ang walang kwenta naman kase ng sinabi mo!" sabi ko haha, akala nya makalulusot sya sakin ah?
"Okay baby! Kukutusan kita! Saang ulo ba?" tanong nya.
"Huh??" pagkasabi ko nun, bigla naman nag init ang ulo ko (sa taas,syempre --.-- ) nang naramdaman ko ang sakit ng pagkaka kutos nya saakin.
BINABASA MO ANG
I NEED YOU (BXB BTS FANFIC)
FanficSa musika umiikot ang aking mundo, Pero dahil din dito'y umusbong ang relasyon namin, Hindi lang basta relasyon,relasyong hindi maganda sa mata ng iba, Relasyong syang nagpabago sa ikot ng mundo, Kaya ko bang ipagpalit ang kasikatan para sa bagong r...