Kevin's POV
Pagbaba namin ng Van, may sigawan agad kaming narinig, aba aba? Famous na pala tong mga to, marami din kasing mga fans na mula trainee life palang ng isang idol ay inaabangan na nila ito, for sure sakanilang fans yan dahil di naman ako masyadong kilala dito, except sa bespren ko dito at classmate ko.
Dumeretso kami sa paging booth ng school at innounce naming lahat ang gagawing performance sa gymnasium nila.
Pagtapos nun ay pumunta naman kami sa backstage ng gym para doon mag handa ng ipperform namin after 2 hours at since nakapag decide na ako kagabi kung ano ang kakantahin ko, nagpaalam muna ako sa PD nim na pupunta muna sa kaibigan ko okay naman sakanya kaya pinayagan ako pero saglit lang daw.
Habang naglakakad ako papunta sa classroom namin, marami akong nakakasalubong na tumitingin sakin siguro dahil sa soot ko, hindi pa naman ako sikat kaya alam kong hindi nila ako kilala, at isa pa , hindi pa umeere ang Reality show namin.
May mga nakakasalubong pa akong mga lalake na minsan ko nang nakaaway dito ngayon ay nginingitian ako. Ang pa plastik nyo p*ta haha.
Pagdating ko sa room, nakita kong nag ppractice parin ng sayaw sila Taeyong at mga classmate ko. Nagulat sya nung nakita nya ako.
"Pare?? Wuui! Pare! Ayos muka natin ah?? Nice! Teka kayo ba yung mag peperform mamaya?" tanong nya sakin at lumapit sya syempre lapitan narin mga classmate ko saakin, di ko nga lang alam kung namamlastik lang haha.
"Oo ehh, sana suportahan nyo ako ahh? Individual kasi ito. Sana mangaling naman sa class na to ang majority ng votes ko." sabi ko.
"Oo naman! Makakaasa ka saamin! Diba?" sabi ni Taeyong na agad namang sinangayunan ng klase
Umupo na ako at bumalik sila sa pagppractice nila, pero itong si Taeyong kinakausap pa ako.
"Kevin wow! Grabe muka ka na talagang artista!! Tignan mo oh? Dati dugyutin kang nagpapawis dito tas ngayon naka makeup at astig na outfit ka pa!" sabi nya at dinutdot dutdot yung muka ko na parang naaamaze sa make up ko.
"Haha ulul! Anong dugyutin? Kahit magpawis ako, yummy padin ako no!" sabi ko
"Haha oo na! Pero nakakaproud ka talagang loko ka! Sana wag mo kong kalimutan at wag lumaki ang ulo hah?" sabi nya
"Excuse me? Sino ka nga po ba? Ahh gusto mo ng autograph?" sabi ko sabay kuha ng papel at ballpen sa bag nya. Kaya nakatanggap naman ako ng isang malupit na batok
"To naman! Joke lang ehh! Haha syempre naman! Padadalhan nalang kita ng pirma ko haha" biro ko pa.
"Sige na! Mag practice ka na ng gagawin mo mamaya ma mental block ka pa sa stage kukutusan kita!" sabi ni Taeyong
"Haha oo na! Basta pag nag debut ka na ako naman ang susuporta sayo kahit sikat na ako at puno ng schedule" medyo pa hambog na sabi ko, pero alam naman nyang biro lang yon kaya tinawanan nya lang at nagmanly hug sabay umalis na ako.
Pagdating ko sa backstage, 1 hour nalang bago ang performance, nakita ko si Jinson parang may problema.
"Uy, pre, anong muka yan?" taning ko sakanya.
"Di ko kase alam ang ipeperform ko, kung sasayaw o kakanta ba? O sabay? Pano pag natalo ako?" sabi nya na parang na paparanoid
"Pre alam mo, dont take it seriously, yung individual na assesment? Ginagawa nila ito para makahakot ng fans natin as a group at hindi individually,kaylangan mo lang ipakita kung ano ang specialty mo sa stage, dont think about the rankings natin! Wag mong isipin na mas sikat sya kesa sayo, grupo nga tayo dito diba?" sabi ko sakanya
BINABASA MO ANG
I NEED YOU (BXB BTS FANFIC)
FanfictionSa musika umiikot ang aking mundo, Pero dahil din dito'y umusbong ang relasyon namin, Hindi lang basta relasyon,relasyong hindi maganda sa mata ng iba, Relasyong syang nagpabago sa ikot ng mundo, Kaya ko bang ipagpalit ang kasikatan para sa bagong r...