Kevin's POV
Ginising kami ng maaga ng staff dahil marami daw kaming gagawin ngayong araw.
"Good Morning!" bati ko kila Lider Joon at Jinson.
"Good Morning din! Mag toothbrush na kayo at lumabas sa kusina para mag breakfast." sabi ni lider, si jinson naman hindi namansin at dumeretso agad sa banyo baka inaantok pa sya.
Bago ako dumeretso sa banyo, humarap muna ako ulit sa camera sa gilid ng kwarto wala akong pakielam kung may muta pa ako haha.
"Good morning every one! Happy third day! Fighting!" sabi ko sabay baba sa pinagtungtungan ko at diretso sa banyo
Pag dating ko sa loob nanduon si Jinson at nag sisipilyo na. Tumabi ako sakanya sa sink at nag hilamos, nag lagay ng facial wash sa muka. Tinignan ko si Jinson, busy sya mag sipilyo.
Pagtapos ko mag facial wash ay kinuha ko ang toothbrush ko,toothpaste at ang mouthwash. Habang nag totoothbrush, tumingin ulit ako kay Jinson na matatapos na at nagpapatuyo na ng muka.
Weird, hindi sya pala salita ngayon at parang wala manlang ako sa tabi nya. Baka inaantok pa sya, wala pa sa mood.
Matapos nun eh lumabas sya ng banyo ng hindi talaga ako pinansin kaya patuloy lang ako sa morning routine ko atsaka lumabas na din. Wala nang tao sa kwarto kaya nagbihis ako at lumabas ng kwarto, paglabas ko lahat sila nasa sala at mine make up-an. Bago kami padiretsohin sa kusina
Ganun din ang ginawa saakin, wala naman akong magagawa eh syempre light make up na pang lalaki lang para din naman sa image namin to. Pero napaisip ako, pinakita ko na nga yung bare face ko sa camera ng naka close up sa kwarto at bagong gising pa tas ngayon mag memake up pa ako? Haha
Pagtapos namin lahat deretso kami sa kusina para kumain.
"Kamusta tulog nyo?" tanong ni gane saakin.
"Ahh okay lang! Ang sarap ngang katabi nito ni Jinson ehh!" sabi ko sabay akbay kay Jinson.
"Buti hindi ka nilikot nyan sa pag tulog? Nakatabi ko na yan ehh, minsan nag over time kami sa practice room, grabe naninipa yan ng tulog eh" sabi ni Jin na kinatawa naman namin.
"Hoy! Syempre sobrang pagod ako nun! Buong araw ang practice Alas kwatro tayo natulog tas ang 3 hours lang ang tulog? Sino ba naman hindi lilikot sa tulog dun?" kunyaring paliwanag ni Jinson.
Katulad ng first dinner namin na magkakasama kagabi, maingay din kami ngayong first breakfast namin.
After ng breakfast may binigay na naman na Red Card ang staff, ibig sabihin may laro na naman o kaya mission. Habang nasa hapag pa kami, binasa na ni lider Joon ang nasa mission card.
"FaMeter(Fame Meter): Dito masusukat kung sino ang pinaka malakas ang dating ng inyong talento at kagwapuhan para sa mga manonood, magpupunta kayo ngayung araw sa isang school at ipapakalat ang inyo pinaka unang solo performance on stage sa harap ng daang daang studyante"
"Wooottt!!! Excited na ako! Sa all Girls school tayo para maraming girls!" sabi ni Vrylle
"Oo nga!! Sige na leader!" sabi ni Jeyrelle kay lider.
"Sa tingin nyo ba si Leader ang mag didisisyon? Tss" pataray na sabi ni Jin
"Sa isang performing arts school kayo pupunta, ang Seoul Arts Academy" sabi ng PD na ikinagulat ko.
"What?? Sa school ko pa?" medyo kinakabahan kong tanong.
"Yes Kevin, kaya dagdag points mo na na meron kang mga kakilala doon sayo to cheer as well as Gane, dahil doon din sya nag aaral" sabi ng PD
"Hindi ba unfair yun para saamin? Since medyo kilala na sila sa school at for sure may mag susuport sakanila?" tanong ni Vrylle
"Its up to you, kung feeling mo hindi ka magaling sa i peperform mo, syempre magiging unfair sayo yun, pero kung confident ka na kaya mong makahakot ng mga fans ay hindi na threat sayo ang pagiging student doon nila Gane at Kevin" pangiti na sabi ng PD kaya naman natawa sila Lider joon at Jayrelle.
"Okay na? No other conerns!?" tanong ng PD wala naman nang sumagot.
Kaya pinapasok ulit kami ng staff sa kwarto para maligo at didiretso na kami sa school namin.
As ussual sabay sabay kaming tatlo naligo. Nakakapanibago lang at parang ang tahimik ni Jinson pero binaliwala ko nalang, after namin maligo nakita namin ang mga isosoot naming damit.
"Wow! Parang artista na talaga tayo! May sponsor pa ng damit!" biro ko, di naman yun pinansin ni Jinson at kinuha lang nya yung damit nya. Problema nito?
"Oo nga! Ang astig nang saken!" sabi ni lider habang tinitignan yung damit nya
Black ang white ang mga damit naming lahat, yung akin isang fitted ripped jeans na black, highcut black shoes, white na long sleeve na hanggang binti ang laylayan at isang black coat na tinernohan ko pa ng black button earing sa kaliwang tenga.
And wow! Ang gwapo ko na! Lakas maka Kpop ng suot namin! Tinignan ko naman sila jinson at lider joon all black ang kay lider samantalang kay Jinson ay black na rubber shoes na may white lace , black na short, isang black na fitted sando at isang white na loose sando at black na cap.
Sobrang hot ni Jinson dahil sa performance outfit nya na sando.kahit parang pambahay lang eh ang lakas ng dating at parang pang performance outfit talaga. Sh*t why so damn hot?
Dahil medyo mahaba ang sando na abot sa bewang nya ay di ko nasisilayan ang kanyang Abs. Sh*t na malagkit! Bat ko ba to iniisip!?
(A/N:See media for Jinson and Kevin's outfit.JINSON sa left KEVIN sa Right)
Nakita ko nalang si Jinson na naka ngisi habang nakatigin saakin, sa tingin ko nakita nya akong nakatingin sakanya!
"Hoy! Di kita pinagnanasaang g*go ka!" sabi ko, okay lang magmura ako, wala namang mic. Haha ang plastic ko ba off cam? Haha sorry na.
"Sinabi ko bang pinagnanasaan mo ako?" sabi nya with a smirk in his face. Putek napagttripan na naman ako nito! Ngayon na nga lang nya ako pinansin simula kaninang pagkagising tas ganto sya? Tsk tsk
Di ko nalang sya pinansin at lumabas na papunta sa parking lot, at dahil may sumunod saaking camera ay lilibangin ko nalang ang sarili ko dito.
"Hi! Suportahan nyo kami mga school mate ko! Papunta kami ngayon sa school ko para mag perform at humakot ng mga fans" sabi ko habang naglalakad
"Sana hindi ako masyadong kabahan on stage!" nakapasok na ako ng van.
"Fighting!" sabi ko sabay sarado ng Van.
Apat palang kami ng makapasok ako, hinintay pa namin sila Jinson, Joon at Gane.
"Ano bayan? Leader pa naman ya pang late?" biro ni Vrylle
Tinignan nalang sya nang masama ni Joon sabay aktong kukutusan sya.
Tumabi saakin si Jinson dahil wala nang uupuan? O dahil gusto nya akong katabi? Haha pero bat kaya sya parang badtrip sakin kanina paggising?
Ako Vrylle Jayrelle Driver
Jinson
Gane Jin Joon PD nim
Yan ang seating arangement namin sa loob,nang umandar na ang van trinary kong kausapin si Jinson
"Huy? Bat di ka namamansin kanina?" sabi ko
Pagkasabi ko nun, napatingin sya saakin, na nagtataka, tas maya maya bigla syang namula. Putek problema nito?
"Ahh wala, masakit lang ulo ko nun" sabi nya sabay iwas ng tingin
"Halata nga, namumula na muka mo, baka mamaya nyan sumabog na ulo mo ahh?" biro ko sakanya.
Di na sya nagsalita at dumeretso nalang ng tingin sa daan. Ilang oras lang ay nasa school na kami at sinalubong kami ng sobrang ingay na tiliian.
**************
Votes and comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
I NEED YOU (BXB BTS FANFIC)
FanfictionSa musika umiikot ang aking mundo, Pero dahil din dito'y umusbong ang relasyon namin, Hindi lang basta relasyon,relasyong hindi maganda sa mata ng iba, Relasyong syang nagpabago sa ikot ng mundo, Kaya ko bang ipagpalit ang kasikatan para sa bagong r...