HI! Dinedicate ko po ito sakanya kasi ang cute nung story niya na JULY 14th. Kinilig Kase ako nang BONGGANG BONGGA! Hahaha! Yun! KAYA PARA SAYO PO ITO! :D
Mahal kita. (One Shot)
Mahal kita, Boyfriend ko.. Syempre Boyfriend nga diba? Alangan naman hate ko Boyfriend ko? Pero seryoso mahal ko Boyfriend ko. Kahit masakit na, patuloy ko parin syang mamahalin.
—
Heto ako ngayon, umiiyak nanaman, kasalanan kase to ng boyfriend ko eh! Kabanas talaga yun lagi nalang ako umiiyak!
Naalala ko tuloy nung una kaming nag away, dahil yun sa laging pagsunod ng babae sa kanya.. Bakit ba kase napaka pogi ng boyfriend ko? Tapos nman nginingitian pa nya yung mga haliparot na babae! Di kilig nman yung mga babaeng linta! Sarap tapunan ng isang sakong asin para mamatay! Psh!
Iniwasan ko sya dahil dun, eh bakit ba! Girlfriend nya ko kaya may karapatan akong magselos no! Bahala sya sa buhay nya, dun na sya sa mga linta nyang babae!
Kaya bawat lapit nya, tatalikod ako, bawat makakasalubong ko sya sa corridor ng university, lilihis ako ng daan, pag tinatanong nya ko, iiwasan ko lang. Yun lang ginawa ko sa buong linggo. Hanggang sa isang araw nilapitan niya ko at sinabing..
"Ano bang problema mo Alice?" sabi nya.
"Wala." maikli kong sagot. Papaalis na sana ako ng bigla nyang hilahin ang braso ko.
"Bakit mo ko iniiwasan kung wala?" tanong pa nya, at nang dahil dun tumulo ang luha ko at sinabi sa kanyang...
"Alam mo ang tanga tanga mo! Alam mo namang may girlfriend kana, lumalandi ka pa! Nagseselos ako! Alam mo ba Harold kung anong naramdaman ko nun? Malamang hindi! Manhid ka naman eh! Kung hindi pa siguro ko umiwas di mo pa malalaman! Ano alam mo na ha?" Sigaw ko. Wala na kong pake kung puno na ng luha yung mukha ko.
"H-hindi ko alam a-alice, I'm so sorry." sabi nya at bigla akong niyakap.
Yun lang naman ang hinihintay ko eh, yung sorry nya. Kahit yun lang, masaya na ko.
"Wala na yun, sorry din kung iniwasan kta, nakakaasar ka kase eh! Kung makangiti ka sa mga babaeng linta jan ang wagas! Mas lalo tuloy lumalapit sayo! Ang sarap niyo lang hagisan ng asin para mangisay kayo jan!" sabi ko at pinalo palo pa sya sa dibdib, napatawa naman sya. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Oh! Wag kana magalit! Tsaka wag ka ng magselos sa mga babaeng yun! Nako! Ikaw naman ang dahilan ng mga ngiti kong yun eh." sabi nya at ngumiti, kaya napangiti rin ako at niyakap sya.
Napangiti nalang ako habang tumutulo pa rin yung mga luha ko sa mga naalala ko.
Inalala ko pa uli yung mga nangyari samin noon. Yug 3rd anniversary nmin na hindi ko malimot limutan..
Anniversary namin nun, kaya ako excited na pumunta nang bahay nila since wala namang pasok sa school. Dala-dala ko yung gift ko sa kanya, pagkarating ko ng bahay nila, nag doorbell ako. Binuksan naman ng yaya nila yung gate.
"Hi ate, si Harold po?" sabi ko sa yaya nila.
"Ah, wala po si sir.. Pero sabi nya po sakin, kung sakaling dumating daw po kayo. Pumunta kayo sa address na to." tapos inabot nya ung papel,kaya tiningnan ko yun, eto yung favorite place naming dalawa. Kaya dali-dali akong tumakbo papunta ng sasakyan ko, pero bago pa ko makapasok sa kotse ko, may naglagay ng panyo sa bibig at ilong ko kaya bigla nalang ako nahimatay..
Aray, sakit ng ulo ko, napabangon ako sa sakit ng ulo ko at napatingin sa paligid.
Ang ganda, ito tung favorite naming lugar, may nakapalibot na mga balloons na kulay red, paborito kong kulay, tapos may aisle pa! Wow, pumunta ko sa dulo nung aisle, at aktong maglalakad na sana ko papunta dun sa may unahan ng may naglakad na lalake dun at nginitian ako.
Si HAROLD, nakasuot sya ng tuxedo.
Bigla namang may pumunta sa gilid ko at nag-cling sa arm ko kaya napatingin ako, si Rachelle, ang bestfriend ko, nginitian nya lang ako tapos nag-umpisa syang maglakad kaya naglakad nalang din ako, kahit naguguluhan na ko sa nangyayari.
Nang makarating ako dun sa dulo, kinuha ni Harold ung kamay ko at hinalikan yun. Aww, ang sweet.
"Alice, Happy 3rd anniversary. Do you like it?" sabi nya.
"Happy anniversary din, oo Harold, salamat! I love it!" Tapos ngumiti ako at niyakap sya.
"Alice, papayag kaba?" sabi nya matapos naming maghiwalay sa pagyakap.
"Ha? Na ano?" tanong ko.
"Papayag ka bang makasama ako habang buhay?" sabi nya at lumuhod, may kinuha sya sa bulsa nya, isang box, binuksan niya yun, may singsing.
"Alice, Will you marry me?" tanong niya, napaiyak nlang ako dahil sa tuwa. Oo Harold papakasalan kita.
"Yes, I will marry you!" sabi ko, napangiti sya ng sobrang saya at nilagay ang singsing sa daliri ko at niyakap ako. Napasigaw naman yung mga tao, teka? May tao pala? Hindi ko napansin wala naman kase yun kanina!
"Thank you very much Alice, you don't know how much you made me happy, I love you." sabi nya sakin.
"I love you too." pagkasabi ko nun, bigla na lang syang nawalan ng malay at natumba.
Humagulgol na ko ng iyak sa naalala ko. Ang araw na yun, ang pinaka masaya at pinakamalungkot na araw ko. 8th anniversary na nmin ngayon, kaya bibisitahin ko sya. Kahit nasasaktan ako.
Bumaba ako ng hagdan at nagpaalam kay mama na pupuntahan ko si harold, nginitian lang ako ng malungkot ni mama.
—
Andito na ko, bumaba na ko ng kotse ko at naglakad.
Nung makarating na ko dun umupo ako at nilapag ang bulaklak na dala ko.
"Hi Harold,kamusta kna? Alam mo ba? Miss na miss na kita. Happy 8th anniversary." nag uumpisa nanamang tumulo yung luha ko.
"Bakit ang daya mo kasi harold, akala ko ba magpapakasal tayo? Yun na yung pinaka masayang araw ko, nung nagpropose ka.. Pero bakit? Bakit nung mismong araw na yun.. K-kinuha k-ka na din s-sakin" dun na ko napahagulhol.
"Mahal na mahal kita Harold, kaso ang sakit, hindi mo sinabi sakin na may sakit ka pala at malala na yun, bakit ka pa nagpropose? Tapos kukunin ka lang din? Bakit hindi mo sinabi? Alam mo bang masakit? Hindi ako handa harold, pero kahit na ganun, kahit na naglihim ka sakin, mahal na mahal pa din kita." bigla nalang humangin ng malakas, dinama ko yung hangin na yun, dahil alam ko, si Harold yun, napangiti ako ng mapait.
"Salamat harold, salamat at andiyan ka pa din kahit na.. hindi na tayo pwedeng magkasama." pinunasan ko na yung mga luha ko at tumayo.
Naglakad na ko, pero bago pa ko makalayo, lumingon uli ako sa puntod ni Harold. Nakita ko syang nakatayo, at nakangiti sakin. Gulat ang expression ko, nagpakita sya sakin.. Pero imbis na matakot ako, nakaramdam ako ng tuwa, dahil sa loob ng 5 taon nakita ko ulit sya..
Mas naramdaman ko naman ang tuwa kahit na puno na ang mga mata ko ng luha when he mouthed the word...
"MAHAL KITA."

BINABASA MO ANG
Mahal Kita (One Shot)
Kısa HikayeMabuti nalang, nakita uli kita kahit sa huling pagkakataon.. MAHAL KITA.