JINNI DIMASALING'S POV:
Halos isumpa ko na ang buong mundo dahil sa pagkasira ng lintek na sasakyan ko. Kung kailan pa naman ako may job interview ay tsaka pa tumirik ang malaantigo kong kotse.
Gigil kong tinadyakan ang unahang gulong ng sasakyan ko pero ako lang iyong nasaktan.
Lalo tuloy nadagdagan ang inis ko. Kulang na lang ay mag-amok ako dito pero ayun nga ang isa pa sa problema ko dahil mukhang napagkasunduan ng lahat na walang ibang magagawi dito sa mga oras na ito.
Ako lang yataiyong hindi nakatanggap ng abiso kaya heto at solo ko ang kamalasan.
Male-late na ako at kailangan na ko ng masakyan ASAP. Saang parte ba ako ng Pilipinas at walang kataxi- taxi dito sa kinaroroonan ko? Tao nga wala eh taxi pa kaya?
Residential area naman itong kinatatyuan ko pero bakit hindi uso dito ang mga tambay?
Malapit na akong mawalan ng pag-asa na makakita ng masasakyan nang out of nowhere ay may namataan akong taxi na huminto sa kabilang kalsada!
Halos magtatalon ako sa sobrang saya. Ako lang iyong nag-iisang tao sa lugar na ito kaya siguradong sagot sa dasal ko ang taxing ito. Hibdi pa ako nagdadasal sa lagay na iyan pero may sagot na agad.
Advance si God!
Walang ligoy-ligoy takbo agad ako palapit sa taxi at humahangos na sumakay dito.
"Yohooo!!! Sa wakas nakasakay na ako!" Napasigaw kong bulalas at may papikt-pikit pang nalalaman with matching taas ng kamao.
"Excuse me."
Huh? Napakurap-kurap ako dahil may biglang nagsalita sa tabi ko. May nuno ba dito?
Palingon ko ay isang nakasimangot na mama ang nakatingin sa akin na para bang isa akong insektong handa niyang tirisin.
Paano nakasakay sa taxi ko ang mamang ito?
Oo, akin ang taxing ito kasi bigay mga ito ni God di ba? Ako lang kaya itong tao kanina sa lugar na ito, so paanong may kasabayan ako ngayon?
Magtatanong sana ako nang magsalita ulit siya, " Get out! You are in my taxi."
Aba ang taray ng lolo nyo... nauna kaya ako sa taxi na ito at isa pa, kanina pa ako nag-aabang sa gilid ng kalsada at wala akong napansing ibang tao na tulad ko ay nag-aabang din.
"Excuse you... Hindi mo ito taxi kasi taxi ito ni Manong driver at nauna ako dito. Itanong mo pa kay Manong driver," pairap kong sabi sa masungit na mama.
"I said GET OUT." Pinagdiinan niya pa talaga ang 'get out'.
Grabe ,hindi naman siya nakasigaw pero pakiramdam ko ay kinikilabutan ako sa boses niya. Galit na galit parang handang manakit.
Pero kahit magbuga pa siya ng apoy ay hindi ko isusuko ang taxi ko este taxi ni Manong driver noh!
"Manong sa JIGGZ TOWER tayo. Wag niyo na pong pakinggan ang kasama ko kasi ako po ay nagmamadali kaya wala akong time makipag-away sa kanya." Baling ko sa driver ng taxi na napakamot ng ulong habang nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ng masungit na lalaki.
"Ah... Sir, pareho naman po kayo ng pupuntahan ni Ma'am kaya pwede naman po sigurong isabay na lang natin sya." Baling ng driver sa katabi ko.
Ay ... si sungit pala ang nauna sa akin kaya pala kung makaangkin ng taxi wagas!
" No, magbabayad ako kahit doble or triple basta pababain niyo lang ang babaeng ito!"
Grabe... sino ba ang lalaking ito at kung makaasta ay parang hari!
Mukha naman siyang mayaman pero looks can be deceiving din naman, at kung marami siyang pera dapat ay bumili aiya ng sarili niyang sasakyan hindi iyong makipag-agawan pa siya sa'kin!
"Ma'am... sorry po talaga pero ayaw po ni Sir nang kasabay kaya po kailangan niyo pong bumaba."
Napapalatak ako sa sobrang inis. Sinamaan ko ng tingin ang buwesit kong katabi.
Parang gusto kong lumpuhin ang bwisit na lalaking ito. Gigil na gigil ako sa gwapo este nakakabuwesit niyang pagmumukha!
"Hoy , menauposal na mama... tandaan mo ang pagmumukhang ito dahil ito ang magiging bangungot mo!"
pasinghal kong pagbabanta sa kanya habang tinuturo sa sarili kong mukha.Ang lintik, pahinamad lang akong sinulyapan bago paismid na muling nag-iwas ng tingin.
Parang masira ang pinto ng taxi nang pabalibag ko itong isinara! Inambaan ko pa ng kamao ang sakay nito na hindi man lang muling sumulyap sa'kin.
"Mabangga ka sanang buwesit kah!!!" sigaw ko nang humarurot na paalis ang taxi lulan ang hinayupak na lalaking pinaglihi sa sama ng loob.
Malas talaga! Malas ang araw na ito at mas lalong malas nang makilala ko ang masungit na nilalang na iyon!
Makilala? Excuse me...hindi kami nagkakakilala! Aksidenting nagkatabi lang kami sa taxi... Aksidenti rin ang sasapitin ng pisteng iyong kung muli kaming magkasalubong sa madilim na eskinita!
May ikamamalas pa ba ang araw na ito? Kung meron pa, hala sige...ibuhos ni'yo na lahat at nang isang bagsakan na lang!!
BINABASA MO ANG
Ms. SUNGIT meets Mr. MAS MASUNGIT
Romance...... World war 3, iyan ang sinimulan ni Mr. Jiron Migz dela Merced nang sungitan niya si Jinni Dimasaling. Paano nalang kung kay Jiron pala nakasalalay ang matagal nya nang pangarap na trabaho? Handa ba syang magdeklara ng ceased fire or gagamit...