Nirentahan ang buong bar para sa party kaya halos mga bisita lang ng mga ikakasal ang naroon.
Dito nila ginanap ang party dahil memorable daw itong bar sa dalawa. Dito kasi sila unang nagkakilala.
Nagsimula na ang sayawan pagdating namin doon. Hinati sa dalawang bahagi ang bar.
Iyong isang bahagi ay flowery ang design at masyadong feminine kaya doon pinaupo ang mga babaeng bisita ng ikakasal.
Sa kabilang side naman ay ang mga kalalakihan na kakilala ng ikakasal. Parang ang ingay-ingay ng mga nandoon.
Napaawang ang labi ko nang mapansing may mga waitress doon na nakasuot ng two piece.
Grabe, mga lalaki nga naman!"Eljane! Jinni!" bati sa'min ni Eljane ng kapatid niyang ikakasal na si Lucy.
Dahil close friend ko si Eljane ay naging malapit na rin ako kay Lucy at sa fiancee nitong si Daniel.
" Thank God at nandito na kayo!
Masisimulan na natin ang totoong party!" tumatawang sabi ng bestfriend ni Lucy na bakla."Akala ko ba puro babae tayo dito? Bakit mukhang may nahalo yata?" kunwari ay gulat kong tanong habang nakatitig kay Peter aka Pearl.
" Ang bastos ng bunganga mo! Matris lang ang lamang mo sa'kin!" patili nitong sabi sabay irap sakin.
"Ayaw kong nandoon iyan sa mga boys baka magahasa iyan doon o vice versa." Hagikhik ni Lucy.
" Ay! Day, type kong magahasa at manggahasa ng isa sa mga kaibigan ni papa Daniel."
"Ilipat mo na sa kabila iyang si Pedro at nang mabugbog ng mga maton na barkada ni Daniel," nakangising sabi ni Eljane.
" Bastos!! Pearl! Pearl ang name ko! Minu-murder niyo ang puri ko!"
Natawa ako sa kaartihan nito.
Mukhang nakainom na silang lahat. Marami na ring mga pagkain ang nakahain.
Agad akong hinila paupo ni Eljane sa isang couch at binigyan ng basong may lamang alak.
Maarte ring tumabi sakin si Pearl na may dala ring alak iyon nga lang sa champagne glass nakalagay! Ang arte talaga ng baklitang ito.
Mayamaya lang ay medyo dumilim iyong paligid at nagsindihan ang mga makukulay na ilaw ng disco lights kasabay ng isang maharot na tugtug at hiyawan ng mga kasama ko pero mas nanaig ang boses ni Pearl sa tabi ko.
Maging si Eljane ay humihiyaw rin talo pa ang lasing.
Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang sanhi ng hiyawan, mga lalaking nakaboxers habang gumigiling palapit sa aming kinauupuhan.
"Woooh!! May abs!!" tili ng katabi kong bakla na mas malakas pa yata sa tugtog.
" Pwede iyang itake out?" sigaw ng isang pinsan ng ikakasal.
Natatawa na lang ako nang nilapitan ng mga lalaki ang ilang mga bisita at giniling-gilingan.
Halos maglupasay naman ang katabi kong bakla nang halos ingudngod na ng lalaking lumapit sa kanya ang nagmumura nitong abs.
"Oy! Pedro, bawal hawakan ang umbok! Dagdag bayad iyan!" Pabirong sita dito ni Eljane nang parang asong naglalaway na ang kasama namin.
Mas lalo akong natawa dahil biglang nag-trespassed sa'min ang mga kalalakihan sa kabilang bahagi sa pangunguna ni Daniel at agad hinarang ang macho dancer na lalapit sana kay Lucy.
Killjoy talaga ng lalaking ito, napakaseloso.
Lalo tuloy nag-ingay ang mga kababaihan dahil mga gwapo din ang mga bisita ni Daniel sa kanyang bachelor's party.
BINABASA MO ANG
Ms. SUNGIT meets Mr. MAS MASUNGIT
Romance...... World war 3, iyan ang sinimulan ni Mr. Jiron Migz dela Merced nang sungitan niya si Jinni Dimasaling. Paano nalang kung kay Jiron pala nakasalalay ang matagal nya nang pangarap na trabaho? Handa ba syang magdeklara ng ceased fire or gagamit...