strike 2

3.7K 107 3
                                    

  
 Napakaeng-eng talaga ng Jiron na yon.

Isipin mo mismong sa loob ng opisina niya pinalagay ang table ko siguro para maalila niya ako every second!

Sa laki ba naman ng JIGZ tower ay wala man lang ako sariling opisina at isiniksik niya pa ako dito mismo sa sulok ng sarili niyang office.

Balak bang bantayan ng lalaking ito ang bawat kilos ko para mapuna nya agad kahit kaunti kong pagkakamali?
   

Tama talaga ang kutob ko sa lalaking iyon. May lihim itong galit sa'kin dahil sa mga nakaraan naming encounter.Akala siguro ng kulogong ito ay matatakot ako sa poker face niyang hitsura at masungit niyang mga tingin! Oy, kahit gwapo ito este kahit siya ang Boss ko ay di ako paapi noh!! Dimasaling kaya ako...galing ako sa lahi ng mga matatapang—
   

"Ms. Dimasaling! Are you listening to me? Kanina pa kita kinakausap but it seems that you're already dreaming early in the morning!"  Umuusok na ang ilong ng boss ko habang nakapamaywang sa harapan ng mesa ko.

Thinking of the devil talaga and here he comes.

" Sorry Boss huh! Ang dami niyo kasing pinapaayos na mga files sa'kin na ayon pa sa inyo ay very important and confidential matters kaya po masyado akong focus at di agad kita narinig!" Singplastic ng orocan ang aking ngiti at nandidilat ang tsinita kong mata dahil kumukulo na naman ang dugo ko sa pagmumukha ng lalaking ito.
  
"Next time Ms. Dimasaling tandaan mo na kahit gaano pa kaimportante ang ginagawa mo ay ako pa rin ang priority mo!"
   
"Yes boss."
    
"Stop it!!"
    
"Ang alin boss?"
    
"Stop smiling and don't use that tone on me!"
   
Parang gusto kong matawa sa napipikong mukha ni Jiron.

Kulang na lang ay dukwangin niya ako at pilipitin sa leeg.

Imbes kasi na sagutin ko siya ng pabara ay sinagot ko siya ng pabebe.
   
"Bakit boss, ganito din naman siguro magsalita ang mga past secretaries mo di ba?" mas pinalambing ko pa ang boses ko at painosenteng kumurapkurap.

Magagamit ko rin pala ang mga kaartihang nakikita ko sa kapatid kong si Alicia.
Parang sasabog na talaga ang mukha ng Boss ko sa galit at gigil akong dinukwang hanggang sa halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya.

Kung aatras ako ay sign of weakness iyon kaya kahit di komportable ay matapang kong sinalubong ang tingin niya.
   

"Alam mo ba kung anong maari kong gawin sa'yo kapag patuloy mong ginagamit iyang tonong iyan?" mariin niyang tanong.
   
"You will fire me?" patanong kong hula. Iyon iyong naisip kong panakot ng lahat ng mga amo sa mga empleyadong lumalaban sa kanila.
  
Halos di ako makahinga nang mas lalo siyang lumapit sa'kin hanggang sa magkadikit na ang pisngi namin at nasa tenga ko na ang mainit niyang hininga.
  
"No, I won't fire you... instead I will lay you on this table... naked," paanas nitong bulong sabay halik sa aking punong tenga.
  
Oh my god!! Please lang pakigising ako dahil mukhang nag-short circuit ang mga ugat ko at di agad na-deliver sa utak ko ang mga narinig ng tenga ko na ramdam kong nag-iinit dahil sa ginawa ng magaling kong Boss.

Kahit na nakalayo na sa'kin si Jiron ay naninigas pa rin ako sa kinauupuan ko.
  
" Tumawag ka sa JIGZ tower restaurant, magpadeliver ka dito ng lunch for two. I don't want you to lose weight," masungit niyang utos sabay balik sa table niya.
  
Ano raw?

Nagkabuhol-buhol na talaga ang utak ko dahil sa lalaking ito!

Bakit ba apektado ako sa lumalabas sa bibig ng Jiron na ito? Pati heartbeat ko unstable na rin. Kailangan kong magpatawas baka nausog ako!
   
"Jinni !! Iyong lunch natin baka makalimutan mo."
   
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng muling magsalita si Jiron mula sa table niya. Nang tingnan ko siya ay mataman siyang nakatitig sa'kin habang nakataas ang isang sulok ng bibig niya...ang gwapo...este ang bwesit niya!!

Pairap akong nag-iwas ng tingin at agad ginawa ang utos niya.

Kahit hindi ako nakatingi sa kanya ay ramdam ko ang mga titig niya sa akin.

Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Mukhang kailangan din niyang magpatawas dahil mukgang sinaniban siya ng ibang katauhan.

Masungit pa rin naman siya pero may kakaiba na sa ikinikilos niya.

Tingin siya nang tingin sa'kin. Akala niya siguro ay hindi ko napapansin ang mga tingin niya , hello ilang beses ko kaya siyang nahuli pero sa halip na mag-iwas ng tingin ay lalo pa niyang idiniin ang paninitig sa'kin.

Anong trip niya sa buhay? Patayin sa tingin si Jinni Dimasaling?

Gusto niya talagang maging uncomfortable ako habang nagtatrabaho, iniisip niya siguro na kusa akong magre-resign kung mangyayari iyon.

Loko pala siya! Bakit niya pa ako tinanggap kung gusto lang din pala niyang mag-resign ako nang maaga?

Matapos kong maibaba ang tawag sa restaurant ay pairap kong sinulyapan ang magaling kong Boss.

Nakapangalumbaba ito sa sariling mesa habang nakatitig pa rin sa akin.

Wala ba diyang ibang trabaho na dapat gawin kundi ang tumitig sa'kin?

Konti na lang talaga at tuluyan na akong matunaw dahil sa mga titig niya.

Parang gusto ko tuloy yumuko at magtago sa ilalim ng mesa ko upang maiwasan ang mga titig niya.

May bahagi rin ng isip ko ang  gustong ayusin ang buhok ko dahil baka nagulo na ito... iyon ang bahagi ng isip ko na naghahangad na magmukha akong maganda sa paningin ni Jiron.

Hindi ko maintindihan kung bakit may ganoon akong pag-iisip.  Ano naman ngayon kung pangit ako sa paningin niya?

Problema na niya iyon dahil siya itong tingin nang tingin.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli kong inirapan ang Boss ko na hindi pa rin nag-iba ng posisyon.

Hindi lang pala masungit ang isang ito, medyo may kaluwagan din iyong turnilyo.


Ms. SUNGIT meets Mr. MAS MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon