elevator

4.3K 111 1
                                    

Kahit nagsimula sa malas ang araw ko ay nakaabot pa rin naman  ako sa oras ng  interview.

Nakaabot nga ako pero halos maghabol din ako ng hininga dahil sa labis na pagmamadali makarating lang dito.

Hindi ko alam kung ilang sako ng alikabok ang hinigop ko kanina nang nakisakay ako sa isang bumabyahe na truck upang makapunta sa sakayan.

Wala pala talagang napapdaan na pampasagero sa lugar na iyon at wala ring taxi na pumapasok doon kung walang hinahatid or kinukuha na pasahero.

Hindi ko naman alam iyon dahil unang beses ko ring napadaan at nasiraan sa lugar na iyon dahil mas malapit kasi ang JIGZ TOWER kung doon dadaan.

Habang papunta dito kanina ay ilang ulit kong minura sa isip ko ang buwesit na lalaking iyon.

Sigurado akong nagkandasamid-samid ang masungit na iyon.

Hindi mawala-wala ang inis kong nararamdaman para sa buwesit na iyon!

Paakyat na ako ngayon sa opisina ng anak ng CEO kasi ito daw ang kakausap sa akin  para sa final interview.

Sa ilang araw kong pabalik-balik dito ay sa wakas final interview na ako. Ang saya-saya ko!

Ayon kanina sa nagbigay ng instructions sa akin ay nandoon daw sa top floor iyong opisinang pupuntahan ko, kailangan kong gawin ngayon ay  sumakay ng elevator... tama... oy, ayon may nakabukas.

Patakbo akong  pumasok agad dahil papasara na iyong pinto.

Bago tuluyang nagsara ang pinto ay nasilip ko pa ang mga natatarantang empleyado at gwardiya na balak pa yatang humabol dahil talagang nagtatakbuhan sila papunta dito kinalululanan kong elevator.

Ay, sayang...hindi nila naabutan. Hindi ko rin kasi agad napindot iyong hold.

Malay ko bang makikisakay din sila gayung kanina pa sila doon sa mga puwesto nila at hindi ko napansing may balak pala silang sumakay.

Nang umandar na ang elevator ay napatingin ako sa salaming pinto nito at  nanlaki ang tsinita kong  mga mata nang makasalubong ng mga mata ko ang lalaking kasabayan ko na nakahalukipkip na nakatayo sa likuran ko

Mabilis ko siyang hinarap, siya iyong  masungit na lalaki sa taxi kanina at kasalukuyan siyang  nakasimangot na  nakatingin sa akin.

Ano bang problema ng isang ito at laging gusot ang  pagmumukha?

"Teka lang hah... huwag mong sabihing papalabasin mo na naman ako?" nakapamaywang kong  tanong sa kanya.

"Are you an employee in here?" seryoso niyang balik tanong.

"Bakit? Pangarap mo rin bang makapagtrabaho dito? Sorry ka na lang ... balita ko hindi sila tumatanggap ng mga katulad mong super sungit at ...  ubod ng suplado!" nakairap kong  kausap sa kanya.

"So, they prefer people like you?" maanghang niyang  tanong.

"Oo naman... nothing wrong about people like me. Kung makapagsalita ito parang di ka kasama sa people ah!"

Naku nakakagigil na ang mamang ito... kung puwede lang pumara sa elevator para hindi ko makasabay ang lalaking ito ay kanina ko pa ginawa.

Bakit ba ang tagal naming makarating sa top floor? Wala na bang mas bibilis ang pagtaas namin? Naalibadbaran ako dito sa kasabayan ko.

"I wonder if they will still accept you if they will know about your attitude towards me," salubong ang kilay nitong sabi bago ako iniwan sa loob ng elevator.

Nakahinto na pala sa top floor ang elevator , di ko man lang  napansin agad dahil sa lalaking iyon.

Pero bakit parang kinabahan ako bigla sa sinabi niya? Nanindig bigla ang  balahibo ko sa braso... Wala naman sigurong multo dito , di ba?

Malalaki ang hakbang na agad akong lumabas dahil baka bigla may multo pala talaga dito.

Saan na nagpunta iyong lalaking iyon?

Teka, bakit ko ba hinahanap iyon? Ang dapat kong mahanap  ngayon ay iyong  office ni Mr. Jiron Megz dela Merced at hindi ang masungit na nilalang na iyon .












Ms. SUNGIT meets Mr. MAS MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon