Pagdating ng bahay ay agad sumalubong sa akin ang kapatid kong nag-aaral pa lang sa college at number one fan ng Jiro Migz dela Merced na iyon.
Ayon nga, habang pauwi ay kinondisyon ko iyong isip ko na hindi isipin ang lalaking iyon pero nang bumungad sa'kin ang pagmumukha nitong kapatid ko ay nasayang ang effort ko dahil agad pumasok sa isip ko ang Jiron ba iyon.
Mukhang inabangan talaga ako ng magaling kong kapatid dahil bago pa ako nakakatok ng pinto ay all smile na nitong binuksan iyon.
"Oh, ano ate? Nakita mo ba sa personal ang " Miggy" ng buhay ko?" halos tumitili nitong tanong.
Naaburido tuloy ako lalo.
" Pwede ba Alicia, tigilan mo ako. Inuna mo pa talagang itanong sa'kin iyan? Kumustahin mo naman sana kung natanggap ba ako sa trabaho!" singhal ko dito.
Nabubwesit pa ako sa Jiron na iyon tapos pinapaalala pa nang presensiya ng babaeng ito!
"Ate naman eh! Alam ko namang kayang kaya mong makapasok sa trabahong iyon noh! Ikaw pa!"
"Wag mo akong daanin dyan sa style mo na iyan!" nakaismid kong sabi sabay talikod sa kanya pero sumunod pa rin siya sa akin.
" Ate naman!!! Kahit naswertehan kang nakita sa personal at nalanghap ang hanging hinihinga ng "Miggy ng buhay ko" ay super sungit ka pa rin!"
" Anong swerte sa pagmumukha ng lalaking iyon!" di ko napigilang sigaw dito.
" Lahat!!!" tila wala sa sariling anas nito baliwala ang pagtaas ng boses ko. "Para siyang diyos mula sa Olympus na bumaba dito sa lupa upang bigyang inspirasyon lahat ng mga kababaihan. Mapang-akit na mga mata, matangos ang perpektong mga ilong at mga labing parang kaysarap-"
" Tumigil ka Alicia!! Pinapaaral ka hindi para magpantasya ang lalaking iyon!!" putol ko sa madramang pahayag ng kapatid kong may pagkasinto-sinto.
Sino ba kasing matinong babae ang magkakagusto sa masungit na Jiron na iyon?
Nanggigil ako sa kapatid kong ito, katulad din ito ng halos lahat ng mga kababaihan sa Pilipinas maging sa ibang bansa na halos sambahin ang nilalakaran ng antipatikong lalaking iyon!
Kung iisipin nga bakit ba kasi kahit minsan ay hindi ako nagkainteres na tingnan ang larawan ng lalaking iyon na halos nakadikit sa lahat ng sulok ng silid ng kapatid kong ito? Sana ay may ideya man lang ako sa hitsura ng lalaking iyon.
Iyon iyong unang beses na nakita ko ang Jiron na iyon. Hindi ko siya nakilala noong magpang-abot kadi sa taxi at napagkamalan ko pa siyang nag-aapply ng trabaho noong makasabay ko siya sa elevator.
Ang tanga ko talaga!
" Mag-aral ka at wag kung anu-ano ang inaatupag mo!"
nandidilat kong sabi kay Alicia sabay pasok sa silid ko.
Kailangan kong maghanda para bukas dahil di ako paaapi sa kulogong iyon! Akala mo kung sinong gwapo! Ang arte parang si Alicia lang din sa kaartehan!
Sarap pag- untogin! Nakakagigil..Bigla akong napatigil nang may kumatok sa pinto.
" Ate.."
" Bakit?" pasinghal kong sagot. Ang maarte kong kapatid ang kumakatok pero di ko ito pinagbuksan...
" Mas yummy ba talaga sa personal si Jiron Migz?"
" Aliciaaaa!!! Lumayas ka!"
"Ay...ang sungit para nagconfirm lang!"
" Bwesit kang bata ka!!!"
Lumagapak sa sarado kong pinto ang unan na itinapon ko dito bago ko narinig ang papalayong yabag ng kapatid ko.
Gusto niya bang matuyuan ako ng dugo?
Anong pinagsasabi niyang yummy? Si Coco Martin lang ang alam kong yummy kaya huwag siyang atribida!
Ang kulugong iyon, yummy? Paano ko malalaman eh balot na balot ng three-piece suits ang isang iyon!!
Malapad nga iyong mga balikat niya pero hindi ko pa rin masiguro kung yummy ba talaga iyon dahil di ko pa nasilip kung may abs ba.
Ano bang pinag-iisip ko?
Naiinis kong sinabunutan ang buhok ko dahil sa tinatakbo ng utak ko.
Kasalanan lahat ito ni Alicia! Hindi ko maisip ang bagay na ito kung hindi sinimulan ng babaeng iyon.
Babawasan ko ang allowance ng isang iyon! Akala niya hah!
BINABASA MO ANG
Ms. SUNGIT meets Mr. MAS MASUNGIT
Romance...... World war 3, iyan ang sinimulan ni Mr. Jiron Migz dela Merced nang sungitan niya si Jinni Dimasaling. Paano nalang kung kay Jiron pala nakasalalay ang matagal nya nang pangarap na trabaho? Handa ba syang magdeklara ng ceased fire or gagamit...