INSTANT SIKAT

3.8K 109 2
                                    

Matapos akong  i-briefing ni Mr. Reyes sa trabaho  ay para akomg  nagmarathon sa pagkademanding ng Boss namin.

Ang dami nitong rules na ibinigay sa akin  via Mr. Reyes na nagmana sa boss namin sa pagkaseryoso pero lagi ko itong nahuhuling nagpipigil ng tawa everytime na isumpa ko ang boss namin.

Ang pinakanakakasuka na rule ni Mr. Jiron Migz dela Merced ay BAWAL NA BAWAL DAW AKO MA-INLOVE SA KANYA!!

As if magkakagusto ako  sa kasungitan ako. Kahit bayaran pa ako ay never kong   magugustuhan ang masungit na iyon!

"Your work officially starts now but you can go home early because the real action will be tomorrow." Bilin sa akin ni Mr. Reyes.

"So, puwede na akong umuwi ?"

"Iyan ang sabi ni Mr. dela Merced."

"Ok, bye." Ohlala... sa wakas, makapagrecharge na ako sa papaubos kongb pasensiya dahil sa Jiron na iyon.

Wagas kung maka Jiron ako noh, feeling close lang.

"And, Ms. Dimasaling.... another word of advise,  kung gusto mong magtagal sa trabaho, wag ka na ulit sumakay sa private elevator na sinakyan mo kanina. It's a subject to expulsion from the company lalo na kung makasabay mo si Mr. dela Merced."

"Sinong Mr. dela Merced ang tinutukoy mo?"

Dalawa kasi ang kilala kong dela Merced, iyong mabait na matandang dela Merced at iyong masungit nitong anak na sa kasamaang palad ay   Boss ko.

"Si Mr. Jiron Migz dela Merced lang ang tinatawag dito na MR.  DELA MERCED.  Sir Gabby lang ang tinatawag namin sa Daddy nya."

Ang arte talaga ng Jiron na iyon, may sarili talagang elevator?

Sabagay sa kanya itong buong building kaya puwedeng-puwede siyang mag-demand ng isang elevator na siya lang ang pwedeng gumamit.

Kaya pala gulat na gulat ang mga tao kanina nang makita akong  lumabas mula sa elevator na iyon dahil pala sa pauso na rule na patakaran na amo namin.

Instant sikat tuloy ako sa mga nandito, malay ko bang  hindi lang pala sa taxi madamot ang isang iyon pati pala elevator ay gustong solohin. 

Mabuti siguro kung uuwi na lang ako at baka di ako makapagpigil at matuloy ko ang balak kong  pagsalvage sa Jiron na iyon.

Baka madumihan pa ang mga kamay ko ng  dugo ng kulugong iyon.

Paano kaya nagkaanak ng isang impakto  ang isang mabait na katulad ni Sir Gabby at asawa nitong si Ma'am Natalia?

Nagtataka siguro kayo kung paano ko nakilala ang mag-asawang iyon noh?

Ganito kasi iyon ... mula pa noong bata pa ako ay lumaki na akong  laging bukambibig ng mga tagabarangay namin kung paano kami tinulungan ng mayamang mag-asawang iyon upang hindi kami tuluyang mademolish at mapalayas sa kinalakihan kong lugar.

Kung di dahil sa mag-asawang iyon ay di ko alam kung saan pupulutin ang buong barangay Salvacion.

Sa ugali ni Jiron ay nagdadalawang isip tuloy ako kung tunay ba na anak ng mga dela Merced iyon.

Kung hindi lang talaga kamukha nito ang matandang  dela Merced   ay pupusta akong ampon lang ang isang iyon pero dahil nga  para itong repleka ni Sir Gabby  ay  walang kaduda-dudang  ito ang nag-iisang tagapagmana at anak ng mag-asawa.

Sa dinami-dami ng puwedeng maging anak ng mag-asawang dela Merced ay minalaspa ralaga sila at ang Jiron na iyon ang ibinigay sa kanila.

Ang damot-damot. Ang sama pa  ng ugali. Antipatiko,  suplado ,  ubod ng sungit at ang hangin.

Kailangan kong ihanda angsarili ko sasusunod na mga araw dahil tiyakay pahihirapan akong isang iyon.

Nababasa ko sa masungit na tabas ng mukha niya na ugali niya talaga ang  pahirapan ang mga nagtatrabaho sa kanya.

Palusot niya lang iyong sinabi niyang nagkakagusto sa kanya iyong mga dati niyang secretary.

Sa sobrang kasungitan niya ay tiyak walang maglakas-loob na hangaan ang kagwapuhan niya noh!

Oo, gwapo nga ang Jiron na iyon pero nakakaasiwang titigan iyong mukha kasi nanlilisik iyong masungit niyang  mga mata kaya kadalasan ay  doon ako sa mga mata niya nakatingin.

Maganda rin naman ang mga mata niya, nalalantik ang pilik-mata na talo pa amg sa babae. Mapupungay tumingin kahit na nanlilisik at laging galit.

Maalala kolang kung paano siya tumingin ay tumatayo ang mga balahibo ko sa braso.

Kahit ang tapang-tapang kong sumagot-sagot sa kanya ay lihim pa rin akong kinakabahan noh. Ayaw ko lang talagang kinaya-kaya ako kaya lumalabas din iyong kasungitan ko.

Ipinilig ko ang ulo ko upang mawaglit sa isipan ko ang masungit kong Boss.

Uuwi ako sa amin na hindi siya ang magiging laman nitong isip ko!

Tama nang kanina pa siya tumatakbo sa isipan ko. Good vibes please... masama sa kalusugan ang laging iniisip ang taong nagpapakulo sa dugo natin.









Ms. SUNGIT meets Mr. MAS MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon