may bisita ka

3.8K 96 2
                                    

Pagbalik ko sa loob ng office ay wala na doon si Jiron at ang kasama niyang babae.

Sina Roma at Gemma ang nadatnan ko doon.

Nag-alalang nakatingin sa'kin ang dalaw, siguro dahil sa inakto ko kanina sa restaurant.

Nakangiti ko silang binalingan.

"Pasensiya na kayo kanina hah, bigla ko kasing naalala na di ko pala naibigay kay Mr. Dela Merced iyong mga files para sa two o'clock meeting niya," nagpapaunawa kong paliwanag.

" Hay naku, akala naman namin kung ano na. Grabe kasi ang pamumutla mo kanina. Talo mo pa ang nakakita ng multo," nakatawang biro ni Gemma.

Napahinga naman ako ng maluwang dahil mukhang naniwala naman ang mga ito.

"Buti na lang at naibigay mo agad before time dahil nakooo, mas nakakatakot pa sa multo kong magalit iyon," nanlalaki ang mga matang sabi ni Roma.

Isang ngiti lang ang sinagot ko sa kanila bago nagpaalam na may gagawin pa.

Buong maghapong nasa outdoor meetings si Jiron kaya hanggang nag-uwian ay hindi na muli kami nagkita.

Mapakla akong napangiti, di naman ako gano'n kaimportante para kitain pa niya.

Di na rin ako umasa na tumawag siya para magparamdam, sigurado akong busy siya sa iba.

Pagdating ng bahay ay pakiramdam ko pagod na pagod ako buong araw.

Talo ko pa ang kargador sa pier.

Nakakapagod pala magpakatatag kahit ang gusto ko ay maglupasay at ngumawa.

Napapailing na lang ako sa mga pinag-iisip ko. At para namang may magagawa ang pagngawa ko upang mawala ang bigat ng dinadala ko.

" Tay, Nay...nandito na po ako," tawag ko sa mga magulang ko pagkapasok ko sa bahay namin.

Ayaw kong mahalata nilang may iba akong dinaramdam. Ayokong malaman nilang nasasaktan ako dahil tiyak masasaktan din sila.

"Buti naman at nandito ka na. Halika na , may bisita ka," nakangiting salubong sa'kin ni Nanay at hinila ako papuntang likod bahay.

Nakapagtataka naman, wala akong pwedeng maisip kong sino ang bisita ko.

" Oh, nandito na pala si Jinni. Halika anak, nandito si Dave."

Para akong itinulos sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa lalaking kasama ng tatay ko na nakaupo sa maliit na tambayan sa likod bahay naman.

Napahugot ako ng malalim na hininga, masyado pang maaga para makaharap ko ang sinuman sa mga nanakit sa'kin lalo na at sa ganitong sitwasyon na nilalabanan ko pa ang sariwang sakit na muli ay dulot sa'kin ng isang lalaki.

"Sige po, magpahinga po muna ako. Masama po kasi ang pakiramdam ko," magalang kong paalam sa Tatay ko.

" Pero, paano si Dave? Kararating lang niya mula Japan at ikaw agad ang pinuntahan niya."

Manhid talaga itong Tatay ko kaya sinamaan ko ng tingin iyong lalaking kasama niya.

Magpapahinga lang sandali ang puso ko dahil nabugbog siya nang sobra ngayong araw na ito pero humanda ka sa'kin lalaki ka 'pag magkaroon na ako ng panibagong lakas ay malilintikan ka sa akin!

"Okay lang po iyon Mang Cardo, babalik na lang po ako sa susunod. Sige Jinni, magpahinga ka na."

Piste! Bait-baitan pa ang onggoy parang di man lang nang-iwan at nanloko!!

Lumayas ka na oy at wag ka nang bumalik.

Di ko na pinansin ang sinagot ng Tatay ko kay Dave, umakyat na ako ng bahay.

Ms. SUNGIT meets Mr. MAS MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon