Jenny

30 0 0
                                    

Tinatakpan ko ang aking mga tenga gamit ang dalawa kong kamay para hindi ko marinig ang pagaaway ng aking mga magulang. Pero kahit anong gawin ko ay naririnig ko pa rin sila.

"Letche ka! Saan ka na naman galing ha?! Sa beer house ba?!" Bungad ni Inay kay Itay.

"Ano ba, Tessa! Tigilan mo nga muna ako! Pagod ako!"

"Pagod?! Bakit?! Napagod ka ba sa pambababae mo ha?!"

"Tessa, pwede ba?! Hayaan mo muna akong magpahinga! Kakarating ko lang galing sa trabaho, dinadakdakan mo na ako kaagad!" Umupo si Itay at hinihilot ang kan'yang sentido.

"Galing sa trabaho?! Nagtratrabaho ka ba talaga?! Bakit laging kulang ang sweldo mo?! Siguro dahil sa babae mo, ano!"

Lalong napakunot si Itay at tumayo sa ikinauupuan niya.

"Alam mo, Tessa! Pagod na pagod na ako sa pagsusumbat mo! Siguro, mas mabuti pa ngang mambabae na lang ako kesa sa marinig 'yang mala-armalite mong bunganga! Maka alis na nga! Letche!"

"Sige! Kapag lumabas ka sa pintuang 'yan, h'wag na h'wag ka ng babalik! At wala ka na ring pamilyang babalikan!" Hindi siya pinansin ni Itay at tuluyan na itong lumabas ng pinto.

"Arnelio! Bumalik ka dito! Arnelio, bumalik ka nga dito!" Ilang beses niya itong tinawag ngunit hindi bumalik si Itay.

Pagkatapos ng araw na 'yon ay akala ko tapos na, akala ko hindi ko na kailangang takpan ang tenga ko dahil sa nakakabinging pagaaway nila. Pero akala ko lang pala 'yon. Masaya dahil hindi ko na tinatakpan ang aking tenga tulad ng ginagawa ko dati dahil sa pagaaway nila, pero nakakalungkot dahil nabibingi ako ngayon hindi dahil sa boses ng mga magulang, kundi dahil sa sobrang tahimik ng bahay dahil hindi na nga muling bumalik pa si Itay.

Naging matamlay si Inay. Lagi niyang yakap-yakap ang naiwang litrato ni Itay at laging nakatingin sa bintana na para bang hinihintay ang pagbalik ni Itay. Alam kong mahal na mahal ni Inay si Itay at hindi niya rin gustong umalis si Itay. Pero umabot ang ilang buwan, walang Itay ang nagpakita, napabayaan ni Inay ang kanyang sarili sa paghihintay sa pagbabalik ni Itay at nawalan ng hininga yakap-yakap ang litrato ng aking ama.

Noong araw na libing ang aking ina, hindi ko alam kung ilang galon ang aking niluha. Napakasakit mawalan ng ama. Lalong masakit mawalan ng mapagmahal na ina. Nagiisa na lang ako. Wala ng nagmamahal sa akin kaya wala na ring saysay ay buhay ko.

Pumunta ako sa isang waiting shed sa gilid ng high-way, kung saan mabilis ang pag-arangkada ng mga sasakyan na tamang-tama upang kumitil sa aking buhay.

Wala na akong maisip. Kailangan ko ng mawala sa mundong 'to. Wala na rin naman akong kwenta, hindi ba? Kaya, siguro----

"Hoy! Kung gusto mong magpakamatay, h'wag dito!"

Napurnada ang plano ko dahil merong nangialam. Tiningan ko s'ya at napatigil ako. Nakasalubong ang dalawa niyang kilay pero maganda pa rin siya. Nakasuot siya ng puting damit at puting palda pero walang sapin sa paa. Meron din s'yang kalongkalong na pusa na kulay puti.

"Gusto mo, sumabay ka nalang sa akin. Tutal naka puti ka na."

Wala siyang imik. Yumuko siya at umiyak. Hindi ko alam kung ano ang tumulak sa akin para bumalik sa waiting shed---para pumunta sa tabi niya.

"H'wag ka ngang umiyak. Ang tapang-tapang mo kanina, pagkatapos umiiyak ka ngayon?"

Itinaas niya ang pusang hawak-hawak niya na para bang lumilipad habang tumutulo pa rin ang mga luha niya.

"Palibhasa kasi hindi mo alam kung gaano kasarap mabuhay." .

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Buong buhay ko, puro sakit lang ang naranasan."

Just ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon