Sayang

11 0 1
                                    

Hi bessy!

Naalala mo pa ba 'yung mga panahong tayong dalawa lang ang magkasama?

'Yung panahong masaya tayong pinagtritripan ang isa't-isa.

'Yung lagi tayong makagrupo sa bawat proyekto.

'Yung paanahong nagtatawanan lang tayo sa tuwing bagsak ang ating mga grado.

'Yung panahong sabay tayong umuuwi.

Nandyan ako sa tuwing nahihirapan ka.

Pinapakopya kita ng assignments kapag wala kang gawa.

Pinapahiram kita ng damit na hindi ko pa nagagamit.

Binibigay sa'yo lahat, kahit walang matira sa akin.

At salamat, nandyan karin sa tuwing umiiyak ako dahil sa mga taong hinuhusgahan ako. . .

Ikaw ang sinabihan ko ng aking mga sekreto.

Ikaw ang tao na pinagkaiingat-ingatan ko.

Ikaw ang lagi kong takbuhan kapag ako'y nahihirapan.

Ikaw.

Ikaw.

Ikaw.

Kasi alam ko na ika'y tunay kong kaibigan.

Pero. . .

Akala ko lang pala 'yon. . .

Kasi bes, bakit mo naman ipinagkalat ang aking mga sekreto? :))

Bakit mo ako sinirian sa ibang tao? :))

Bakit ka nagkunwaring sa akin, ika'y totoo? :))

Kaya pala madaming galit sa akin kasi gawa mo? :))

Sayang.

Salamat sa lahat.

Pero hindi ko kayang makipagkaibigan sa mga ahas. :))

Hindi ka sana nagpadala.

Sa agos ng pagiging traydora. :))

Just ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon