Sana

22 1 0
                                    

Nakaupong mag-isa
Sa isang upuang para sa dalawa.
Ayos lang na sa akin ay walang nakatingin,
Pero bigla kang dumating.

Ginulo mo ang buhay ko
Pati na rin ang puso ko.
Nawala sa isipan na mag-ingat
Dahil sa'yo ako ay nalingat.

Masaya tayong dalawa
Na walang kasamang iba.
Ikaw ang naging mundo ko
Pero hindi ko alam kung ako ay sa'yo.

Sinubukan kong lumayo
Para pagisipan kung ang aking nararamdaman ay totoo.
May gusto nga ako sa'yo.
Pero ako lang pala ay ginamit mo.

Dinaan mo lang sa malalambing mong mga salita,
Pati na sa salitang "Mahal kita".
Pero ang totoo pala,
Ako'y ginamit mo lang, para makalimutan mo siya.

Nasaktan akong ng sobra
Pero alam ko na saiyo ay wala akong kwenta.
Ano nga ba ang aking karapatan?
Kung sa una pala ay hindi manlang kita nakamtan.

Kung iiwan mo din pala ako
Sana ay naisip munang lumiko.
Nung mga panahong wala kapang lugar sa puso ko
At hindi alam kung gaano masaktan ng ganito.

Sana 'di ka nalang nakilala
Sana 'di ka naging dahilan kung bakit ako masaya
Kasi akala ko, ikaw na
Pero nabulag lang pala.

Just ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon