Bulong

18 1 0
                                    

Alam kong may gusto ka sa kanya,
Hatalang-hatala sa 'yong mga mata.

Sa tuwing dumadaan siya,
Tumitigil ang mundo mo pati na ang 'yong paghinga.

Hindi niya alam kung gaano ka niya napapasaya,
Sa mga simpleng bagay na kanyang ginagawa.

Hindi niya alam kung paano ka malagutan ng hininga,
Sa tuwing nagtatama ang inyong mga mata.

May pagkakataong nagkakasalubong kayong dalawa,
Ngunit hindi ka man lang makatingin ng daretso sa kaniya.

Gusto mo siya lapitan at kausapin,
Pero natatakot ka na baka ika'y hindi pansinin.

Kaya maghihintay nalang at ibubulong sa hangin,
Na ang tamang araw, sanay dumating.

Na mapapansin ka niya,
Kung saan, sa isa't-isa'y parehas na kayong nahuhumaling.

Just ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon