Tigil

15 2 0
                                    

Titigilan na kita,
Hindi dahil 'di na ikaw ang aking nakikita.

Titigilan na kita,
Hindi dahil may gusto akong iba.

Titigilan na kita,
Hindi dahil ayoko na sa'yo.

Titigilan na kita,
Hindi dahil sawa na ako sa pagmumukha mo.

Titigilan na kita,
Hindi dahil lagi mo nalang akong sinasaktan.

Titigilan na kita,
Hindi dahil 'di mo 'ko pinapansin.

Titigilan na kita,
Hindi dahil may kulang na sa'yo.

Titigilan na kita.

Titigilan.

Titigilan.

Titigilan na kita,
Dahil alam kong may gusto ka sa kan'ya.

Titigilan na kita,
Dahil alam kong mas sasaya ka sa piling niya.

Titigilan na kita,
Dahil ayaw kong makasagabal sa inyong dalawa.

Titigilan na kita,
Kasi. . . wala na.

Wala ng pag-asa.

Kaya. . .

Titigilan na kita.

Titigil na.

Dahil alam kong 'yun ang nararapat para sa ating dalawa.

Para sa ating dalawa? Hindi, para sa akin nga lang pala.

Just ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon