Walang anuman

10 0 0
                                    

Gabi na at nakatayo akong mag isa sa tuktok ng isang bangin kung saan ay onti lang ang pumupuntang tao dahil madaming natatakot. Kilala kasi ang lugar na ito na pinupuntahan lang kapag gusto na tapusin ng isang tao ang buhay niya. Sa taas at tarik ba naman nito ay mabubuhay ka pa kaya kapag tumalon ka mula dito? Hindi na. Imposible ka pang makaligtas. Ni isa ay wala akong nakikitang nabubuhay pagkatapos nilang tumalon dahil sakski ako sa lahat ng mga nagpapakamatay. Libangan ko na pagmasdan ang mga taong wala ng pag-asa at tatalon sa kanilang katapusan. Magkwekwento ng mga problema nila sa buhay at iiyak. Pero ako, tinatawanan ko lang sila. Mas hibang ang magpakamatay hindi ba? Kaya ginagawan ko sila ng pabor. Kapag hindi na nila kayang tumalon, ako na mismo ang tutulak sa kanila. Ako na mismo ang tatapos ng paghihirap nila.

Gumalaw ang mga dahon, senyas na may paparating at handa na namang wakasan ang buhay nila. Madalas, puro matatanda na at nasa tamang edad na ang pumupunta dito. Pero ngayon ay isang batang lalaki na sa tingin  ko ay nasa walong taong gulang pa lamang ang bumisita na may hawak-hawak pa na sanggol na nakabalot sa isang mamahaling tela.

Pumunta siya sa tabi ko at tumingin sa ibaba. Puro mga kalansay iyon, o hindi kaya ay mga naagnas palang dahil bago lang. Wala namang kumukuha sa kanila dito. Ang mga kawawa, hindi na nga binigyan ng sapat ng atensyon nung nabubuhay pa sila, pati ba naman kapag patay na sila.

Hindi siya nagsalita. Nagsimulang umiyak ang sanggol. Walang pag aalinlangan  niyang inihagis ang sanggol sa bangin hanggang sa hindi na namin parehas marinig ang iyak nito.

Tumawa ang bata.

"Kapatid mo 'yun hindi ba?"

"Oo."

"Bakit?" Tanong ko. Hindi ako nagtatanong kung bakit, pero may kung ano sa loob ko na intirisado.

Tumingin siya sa akin at ngumiti na parang walang nangyari.

"Para hindi na siya mahirapan."

Hindi ako nagsalita. Ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa bulsa niya at tumingin sa malayo.

"Hindi bat kapag isang sanggol pa lamang ay malinis ang kalooban at ang kaluluwa nito? Mas magandang mamatay siya ng malinis at walang ginagawang kasalanan. Tutal, walang siyang ginawang kasanalan, dadaretso na ka agad siya sa langit at hindi na mararanasan ang impyerno sa lupa."

Bumalik ang tingin niya sa akin.

"Malupit ang mundo at ayokong matulad siya sa akin. Ayokong pag dadaanan niya ang lahat ng pinag daanan ko dahil hindi naman lahat maganda. Lahat ay pawang masamang panaginip. Swerte pa nga siya e."

Napangisi ako. Sa bata niyang ito ay mulat na siya sa katotohanan.

"Sabi nila hindi naman ganun ang buhay ng lahat ng tao. Kapag mayroong masama, may mabuti din. Kung masama ang pinagdaanan mo, posible naman na maganda ang tatahakin ng kapatid mo. Swertihan lang din." Panunukso ko.

"Oo nga, pero hindi ako kakapit sa pananaw na 'yon. Hindi ko isasaalang-alang ang magiging buhay ng kapatid ko kung kalahati lang din ang tsansyang maganda ang magiging buhay niya. Mas mabuting tapusin ko na habang malinis pa siya."

Tumango-tango ako. Ngumiti ako at iniabot ang kamay ko sa kanya. Tuwang-tuwa ang bata sa pag abot ko ng kamay at kinuha naman niya yun. Ngumiti siya sa akin sabay sabing, "salamat."

"Buti naman at naiintindihan mo ako."

Bago pa siya ulit magsalita ay hinila ko ang kamay niya at nagulat ito. Binitawan ko ang aking pag kakahawak at itinulak ang bata sa bangin ng walang sabi-sabi.

Sumigaw siya hanggang sa hindi ko na marinig ang daing nito. Napatawa ako ng malakas at tuwang-tuwa ako sa nagawa ko. Isang pabor, ako na ang tatapos sa paghihirap niya.

Umihip ng malakas ang malamig na hangin.

"Walang anuman."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon