Chapter 2

1.1M 20.8K 9.4K
                                    

Chapter 2

(Alys' POV)

"Hi, are you new here?" sabi sa akin nung babae na kasabay ko magjog kanina. Huminto muna ako at uminom ng tubig dun sa may water fountain. Ang noob ko naman kasi, nakalimutan kong magdala ng wallet! Sigurado ako pagtatawanan ako ni Drake, ay joke lang, di naman tumatawa yun e. Titignan na naman ako ng masama nun, sasabihin na 'why are you even my girlfriend?' Sorry naman kasi na hindi ako matalino!!

Tinie ko muna yung shoe lace ko tapos tumingin ako sa kanya. Buti naman hindi siya blonde! Jusko, Lord! Tama na po sa blonde, puro na lang blonde nakakausap ko. Una, si Miss na naglibot sa akin sa dorm, tapos si Kei na ubod ng sungit. Wag na blonde, please. 

Nagsmile ako sa kanya. Naku, baka maging friend ko pa siya! I'm in need of friend! Sino gustong maging friend ko? Mabait po ako tsaka cute. Tsaka po pag madaming sobra sa allowance ko, nanlilibre ako ng strawberry ice cream. Tig isang tub tayo. :)

Inextend niya yung kamay niya sa akin. Ang nice ng watch niya! Nako, nako, kailangan ko na talagang magshopping! "I'm Karen," sabi niya.

Nagsmile ako tapos nakipag handshake ako sa kanya. "I'm Alys Perez." Hooo! Go, Alys! Kaya mo yan, isipin mo lahat ng tinuro ni Drake na English sa'yo! Kembot kembot here and there!

"Nice to meet you, Alys," sabi niya tapos sumandal din siya sa bench kagaya ko. Mukhang mabait si Karen. Sana maging friend ko siya!

"Uhm, Karen?"

Nakapikit pa din siya pero sumagot naman siya sa tanong ko. Ang pretty ni Karen, mukha siyang Latina. Morena tapos sexy tsaka long brown hair. Gusto ko siya maging ate!!

"What's your fb account? I'll add you so we could be friends!"

Bigla siyang natawa. :(((

Dinilat niya yung mata niya tapos pininch niya yung cheeks ko. Ouch.

"You're so cute, Alys. Your like my little sister," sabi niya tapos pinat niya naman yung ulo ko kagaya nung ginagawa ni Tripp sa akin noon. Haaay. Kamusta na kaya si Tripp? Hindi man lang kasi ako nakapagpaalam sa kanya... Kasi naman, hindi ko siya mahagilap. Gusto ko pa naman magthank you kasi siya yung tinuturing kong third best friend. Syempre una si Aya tapos next si Loves. "Anyways, search me up. The name's Karen Bermejo."

Nagsmile ako tapos tinandaan ko yung name. Karen Bermejo. Jusko sana hindi ko maforget. Medyo short term memory kasi ako. :(

"Bermejo? Are you a Filipino, by any chance?"

Jusko malapit na akong mag nosebleed!

Nagnod siya. "Born in the Philippines, raised all the way here in USA. How about you?"

"I was born in the Philippines, was raised there, and I wanna go back now."

"Awww, you're such a cutie pie. Come here," sabi niya tapos lumapit naman ako tapos niyakap niya ako. Ang sweet sweet ni Ate Karen. Para na akong may big sister!!

Hinagod hagod niya yung likod ko. "You'll be fine here, baby girl. Why are you here? Studies? Family crap? Work?"

Sinabi ko sa kanya yung sa NYU. Ayun pa pala! Mygosh, anong gagawin ko?! Nakita ko yung textbook, oh my holy strawberries, I can't understand a thing! Ano'ng magic kaya ang ginawa ni Mommy para tanggapin ako sa NYU? Inofferan niya kaya na bibigyan ng pera yung Dean? Possible yun.

"Oh, that's nice. I'm studying there, too. Tho I'm aleady on my masterals."

*O*

"Really, Ate? So you could teach me??"

Dating Alys Perez (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon