Chapter 7
Kanina ko pa pinupukpok yung ulo ko. Bakit ba kasi hindi ako matalino?!
"Aaah!! Nakakainis!!"
Pilit kong sinasabunutan yung ulo ko ng biglang may humawak sa kamay ko. Hindi ko na kailangan tumingin dahil alam ko na naman kung sino yun. Isa lang naman ang kakilala ko na ganito humawak, si Tripp Marco Palma. Pag hinahawakan niya yung kamay ko, iba yung pakiramdam talaga. Para bang safe ako palagi? Ganun yung feeling pag kasama ko si Tripp pero pag si Drake, may adventure. Alin ba ang mas maganda? Yung safe ka, or may risk kang palaging itatake?
"Tama na nga yan," sabi niya tapos inalis niya yung kamay ko sa ulo ko. Naupo siya sa tabi ko, tinignan ako ng maigi, at saka bumuntong hininga. "Inaabuso mo na yung sarili mo, Alys. Nagbreak lang kayo ni Drake, hindi siya namatay."
Medyo nanginginig pa yung labi ko habang tinitignan ko si Tripp. Alam ko naman na tama siya e. Hindi naman namatay si Drake pero kung makaiyak ako, akala mo forever bye bye na. Pero mas masakit kaya. Yung alam mo na nandyan lang siya somewhere pero hindi ka niya pinupuntahan kahit alam niya na nasasaktan ka na?
"Mahal ko pa din siya, e..." bulong ko.
Nagsquat siya sa harap ko tapos hinawakan niya yung dalawang kamay ko na nasa lap ko. "Alam ko. Pero hindi tumitigil ang ikot ng mundo, Alys. Siguro may rason si Drake para iwan ka, pero sa ngayon, wag mong sirain yung buhay mo dahil sa kanya. Bata ka pa, madami ka pang makikilala."
"Pero ayoko sa iba. Si Drake lang ang gusto ko."
Ngumiti siya sa akin. "Alam ko din. Ano ba ang sabi sa'yo ni Drake bago siya umalis?"
Pilit kong inalala yung sinabi ni Drake. Make me proud? Sana kasi kaya ko! Sana kasi totoo yung sinasabi sa mga movies na once na nasaktan ang babae, automatic na nagiging matalino siya, maganda, palaban. Pero hindi kasi ganon sa totoong buhay. Pag iniwan ka, it's either siguro magiging panget ka kagaya ko, o magiimprove ka. Pero either way, choice mo naman yan. Ikaw pa din naman ang mag eeffort para maganap yan...
"Make him proud daw..."
Tumayo siya at pinat niya ang ulo ko. "Make him proud pala, e. Kamusta naman?"
Yumuko ako sa lamesa. "Hindi naman kasi madali. Ang hirap kayang mag aral!!" reklamo ko. Totoo naman! Hindi naman ako magically tutubuan ng brain cells dahil nakipag break siya sa akin! Medyo weird talaga ng reason ni Drake. :(
Natawa na naman si Tripp. Ayan na naman yung dimples niya, kakainis!!
"Tara, pasyal muna tayo, gusto mo?"
Nagpunta kami ni Tripp sa central park. Wala lang, naglakad lakad lang kami at kumain ng bagel at corndogs sa street vendors. Ang sarap huhuhu. Hindi na kasi ako masyadong kumakain, e. Nawawalan ako ng gana. Pati sa strawberry nawalan ako ng time. :(
"Gusto ko pa. T^T"
"Wala na yung nagtitinda," sabi ni Tripp.
Naupo ako sa sahig. "Gusto ko pa ng bagel."
"Aish. Wala na nga."
"Gusto ko ng bagel."
"Ano gusto mong gawin ko?"
"Iluto mo ako ng bagel."
Kahit labag sa loob ni Tripp, niluto niya ako ng bagel. Ahehehe. Buti na lang wala si Tofer sa apartment. Palagi niya na lang akong binubully. :( Nung isang araw kasi sinabihan ko siya ng bakla, hinalikan ba naman ako sa cheeks!! Nakakainis talaga yung panget na yun!! Grrr!
"First time kong magluto. Wag kang magrereklamo pag hindi 'to masarap."
Gutom ako. Kahit ano kakainin ko.
Kinuha ko muna yung cellphone ni Tripp at pinakailamanan ko. Aha! Isang stalker!! Bakit ako may picture dito!! Habang busy siyang magluto (ang cutie pie niya kasi naka apron siya. Hehehe), pinakailaman ko yung phone niya.
Wala namang kakaiba bukod sa stolen pictures ko at mga texts ko na hindi binubura. Lakas talaga ng crush sa akin ni Marco!
Nakita ko yung number ni Drake. Pilit kong pinigilan yung sarili ko na wag siyang itext. Wag, Alys. nakailangan text ka na sa kanya dati, di ba? Hindi siya nagreply. Tama na, please.
Nagscroll down ako.
Scroll down lang ng scroll down.
Aish! Sino bang niloloko ko?!
To: Drake
Hindi mo ba tatanungin si Alys?
There. Sent.
"Malapit na kong matapos," sabi ni Tripp. Medyo kinabahan pa akong binura yung message baka kasi mabasa niya.
"Ah. Eh. Hehe. Sige, gutom na ako," sabi ko na lang.
Lumipas ang 5 minutes, 10 minutes... Walang Drake na nagrereply. Hindi na talaga niya siguro ako mahal, no?
Naiiyak na naman ako nung sinerve ni Tripp yung bagel.
"Oh, bakit umiiyak ka na naman?"
Pinunasan ko yung luha ko. "Wala. Gutom na kasi talaga ako," sabi ko tapos inabot ko yung pagkain kahit alam kong mainit pa. "Awww." Ang sakit! Napaso pa ako!
Dali daling kumuha si Tripp ng toothpaste.
"Tutoothbrush-an mo ako?!" sabi ko kahit medyo ouch pa yung labi ko. Aray ha!!
Pinitik niya yung noo ko. "Baliw. San ba masakit?" sabi niya habang titig na titig sa labi ko.
NOOOOO!!
"Dito ba?" sabi niya sabay turo sa gilid na part ng lips ko.
"H-hindi," sabi ko. Medyo naiilang na kasi ako. Tinuro ko yung sa medyo gitna. "D-dito."
Dahan dahang kumuha ng toothpaste si Tripp at pinahiran niya yung lips ko. Grabe! Parang may karera ng kabayo sa dibdib ko ngayon!!
"Ayan. Mamaya mawawala na yan," sabi niya ng nakasmile.
Ayoko po 'tong tanungin pero curious talaga ako!
"Ah, ano... Walang malisya 'to, ha?" Tumango siya. "May ano... uhm, first kiss ka na ba?"
Napatulala si Tripp sa akin.
"Ay wag mo na ngang sagutin!" sabi ko tapos tumayo ako at nagstart maglakad palayo sa kanya. Brrr. Malamig na nga, may chills pa akong nararamdaman mula sa pagtitig effect niya kanina!
Nagstart na akong maglakad ng bigla niyang hatakin yung braso ko tapos niyakap niya ako mula sa likod.
Nakapatong yung ulo niya sa balikat ko. Shet. No.
"First kiss? Wala pa, e. Hinihintay ko kasi yung babae na magpapatibok ng puso ko. Ang corny pero ganun talaga. Yung babaeng hinihintay ko kasi, may mahal pang iba. Kaya sana pag nakalimutan niya na yung g-ago kong pinsan, mapansin niya naman ako. Na meron palang isang Tripp Marco Palma na nagmamahal sa kanya."
Gusto ko sanang humarap para magpasalamat sa kanya pero....
"Bakit kayo magkayakap? PORN!!! SUSUMBONG KO KAYO KILA TITO!!"
Tofer.
BINABASA MO ANG
Dating Alys Perez (PUBLISHED)
Teen Fiction(Seducing Drake Palma Book 2) "Hindi na ako magpapadala sa 'yo, Drake. You're just going to make me fall then smash me into pieces once again." It's been four years since Alys graduated from St. Claire's High. And by now, naka-move-on na siya mula...