Chapter 9

943K 16.4K 3.5K
                                    

Chapter 9

"Okay ba 'to?" sabi ni Tofer tapos pinakita niya sa akin yung plate na kinuha niya mula dun sa kitchen. In all fairness, maganda 'tong restobar ni Tofer! Hindi ko nga lang makuha kung bakit nagpakahirap siya ng four years sa NY sa degree niya na Adverstising din kung sa food industry siya magvventure. Sometimes, ang hirap talaga intindihin ng logic sa utak nitong si Cristofer, e.

Tinikman ko yung crepe and it tastes good. Pwede na din.

I gave him a thumbs up. May mga crew na din dito sa restobar, actually puro sila babae. Weird. Wala man lang lalaki dito.

"Uhh, Tofer, why is that all your employees are girl?"

Nagsigh si Tofer then he pulled the chair in front of me. Nagpout din siya at nagcross arms. See? He's such an annoying cutie pie! "Si Dad kasi, e. Sabi niya pag nakakita daw siya ng lalaki dito, itatakwil daw niya ako."

"Hahahaha! Di nga?!"

He nodded. "Mukha ba talaga akong bading?"

I tried to suppress my smile but I just could not. Super adorbs ni Tofer ngayon! Para siyang problemadong problemado! Minsan lang mangyari 'to. If I were to say, sa four years na kilala ko 'tong si Tofer, one time ko pa lang 'to nakita na genuine na malungkot. He's all flowers and rainbows. Palagi lang good vibes. Medyo nakakapanibago pag ganitong seryoso siya.

I patted his head. "Kulang ka lang sa masculinity but you'll live."

"Alys!!"

I gave him my sweetest smile. "Why, Baby Tofer?"

"Ugh!! Kainis naman, e! Porke ba mahilig akong mag dress up at mag lip balm, bading na agad? Judgmental!!" then umalis na siya pero bumalik siya. "Wala kang crepe!" at kinuha niya yung crepe ko... Binayaran ko yun, e... Bakit niya kinuha? Tsk. Ilalagay ko sa blacklist ko 'tong restobar niya, e!

Hinabol ko siya papunta sa kitchen. 

"Oh, no. You just didn't do that!" I exclaimed. Tinapon niya ang crepe ko sa trash can! This jerk!

Nagmarch siya papunta sa labas at naupo sa stool sa bar.

"Tofer, really, what's the problem?"

He gave me a sigh. "Wala lang 'to. Nakakapressure kasi maging pinsan sila Drake at Tripp. Ang taas ng expectation sa akin." he explained. I placed my arms around his shoulder and gave him a half-hug. "Kasi naman, alam mo..." he said and then the tell tale continued. Here he was, telling me tales I have never heard before. I did not need to ask. With Tofer, the scoop would pour out eventually.

Apparently, bata pa lang pala si Tripp at Drake, may competition na sa kanilang dalawa. It started way back sa time palang ng parents nila. It was between Tito Steve and Tito Tristan pala, and then it continued up to date? No, hindi siguro. As far as I am concerned, walang communication si Drake at Tripp ngayon.

Since si Drake ay gifted, si Tripp ay may above the average na IQ, si Tofer pala ang left behind. Aww. I feel for him. I know how it feels kasi. Si Dane kasi, sobrang talino din but that did not stop me from loving him. We still share the same blood and I love my brother to bits. Anyhow, my point is, hindi naman siguro ako lang talaga ang reason ng pag aaway nila. Maybe.

"...tapos ngayon, si Drake, mas ayaw niya na akong pansinin..."

I raised a brow. "And so? Akala ko ba si Tripp and favorite cousin mo?"

"Oo naman! Kaya lang... ay basta, wag mo ng intindihin yun."

"Ikaw bahala. Sige, alis na ako, okay? Call me."

Dating Alys Perez (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon