Chapter 14
"Alys," Dane called out my name. Hindi ko siya pinansin and I slammed myself on the sofa. God, Drake! You're exhausting me too much!
Resting my head while closing my eyes, I asked Dane. "Why?"
I suddenly felt someone kiss my cheek. Binuksan ko yung mata ko. "Hi, Panget," he uttered with that familiar boyish grin that I missed.
"Tripp!" I said in glee and hugged him. "Bakit nandito ka na!" and I continued to wrestle him and pin him down.
Tumatawa siya habang pinupukpok ko siya sa dibdib niya. "Chill, Perez. Wala bang kiss muna?"
"Bwisit. Kainis!" sabi ko tapos hinalikan ko siya sa cheek niya.
I heard someone cough then I looked at Dane who looked utterly disgusted with me and Tripp. Oh, my baby brother. "You're both disgusting." And then he stormed off.
Umiling iling na lang si Tripp habang inaayos yung buhok niya na nagulo ko kanina nung niyakap at pinukpok ko siya. "Ayan, natakot tuloy si Dane sa'yo. Grabe naman kasi, Zy. Mahal na mahal mo lang ako. Tsk. Nakaka pressure, ha."
Kinagat ko yung labi ko para pigilan kong matawa pero hindi ko talaga kayang pigilan! Sobrang nakakatawa yung sinabi ni Tripp. Para bang nappressure siya sa 'sobrang pagmamahal ko sa kanya.'
"So, tinatawanan mo na ako ngayon?" sabi niya sa akin nung hindi ko na mapigilan yung tawa ko.
"Hahaha! Kasi naman, Panget, arte much? Akala mo naman hindi mo ako mahal! Sobra pa nga, di ba?" I said and then winked at him.
Kinuha niya yung kamay ko then hinalikan niya. "Oo naman, Zyril. Sobra pa sa sobra."
And then, I just can't help but smile. Ito na yun, e. This is the kind of love I wanna have, and this is not the kind of love that you can have overnight. This love... takes time. But it's constant. And I love consistency.
I pulled him back into a hug and kissed his cheek. "Gutom ka na ba?" I asked him, mukhang kakadating niya lang kasi. Amoy airport pa 'tong lalaking 'to! Kulang na lang airport tag, papasa ng bagahe!
"Luto ka naman, Panget. Miss ko na, e."
Nagsmile ako sa kanya then sabay kaming pumunta sa kusina para magluto. Buti na lang wala si Mommy and Daddy, solo ko 'tong lalaking 'to. One month kaming hindi nagkita, e! Miss na miss na miss ko na si Marco.
Tinignan ko yung laman ng cupboard at ref, well stocked naman. "Anong gusto mong kainin?" I asked him kahit na hindi naman siya particular sa kinakain niya.
He shrugged habang nakaupo sa stool dun sa island. "Pinoy food, Panget. Sawang sawa na ako sa pagkain dun," reklamo niya.
Natawa naman ako sa itsura niya. Siguro puro pizza at Chinese takeout ang kinakain nito dun! Kakawa naman. Tsk. Busy kasi masyado sa trabaho, e. Pati mag isa lang siya sa apartment kasi pinasama niya si Tofer sa akin sa Paris.
Kumuha ako ng ingredients for adobo and soup. "Hindi ka kumakain dun, no? Tsk."
"Kumakain ako," sabi niya.
"Liar. You look thin," I stated. Pumayat siya, e. Ang payat ng face niya. Hindi talaga dapat to pinapabayaan mag isa, e. Tinatamad kumain. Bad, bad Marco.
Busy ako sa paghiwa ng potato ng yakapin niya ako from behind. "Ano na naman?" I asked him kasi nakasandal yung ulo niya sa balikat ko. Ang bigat pa naman ng ulo niya!
"Inaantok ako. Patulog muna," sabi niya.
"Ano! Nagluluto ako! Tsk."
"Sssh. Halos one day akong bumyahe. Tutulog muna ako, Panget," he said as he nuzzle the crook of my neck.
BINABASA MO ANG
Dating Alys Perez (PUBLISHED)
Teen Fiction(Seducing Drake Palma Book 2) "Hindi na ako magpapadala sa 'yo, Drake. You're just going to make me fall then smash me into pieces once again." It's been four years since Alys graduated from St. Claire's High. And by now, naka-move-on na siya mula...