Chapter 1 - Audition

254 3 0
                                    

Noreen's POV

Nakaupo ako sa labas ng kwarto ng audition kasama ang mga kalaban ko sa audition na ito. Kalaban as in halos mga kaibigan at mga nakatrabaho ko na halos lahat ng nag aaudition ngayon, kalaban dahil napakamalaki at napaka importante ng pelikulang ito at siguradong malaking bagay kung makukuha ako bilang bida ng pelikulang ito.

Hindi ko masasabing magaling o amazing yung audition ko kanina, kasi super kinabahan ako as in to the next level. Andami ko naman nang nasalihan na auditions noon, marami na akong nasabak na commercials at mga supporting roles sa mga short movies, pero this? This is the big one. I get this job at malaki ang chances na ito na ang magiging big break ko sa industriya. Pag ako naging bida nito, siguradong makikilala na ang pangalang Noreen Lacson.

"Sana makuha ako kahit bilang isa sa mga kaibigan ng bida man lang." Sabi ni Yang, ang pinaka malapit kong kaibigan sa industriyang ito. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Tiwala lang. Kung hindi man tayo matanggap, marami paring mga roles sa iba pang pelikula. Lalo na ikaw, ka ganda-ganda mong tao. Siguradong marami pang kukuha sa'yo."

"Wag ka nga magsalita ng ganyan na parang wala talaga akong makukuhang role dito. Meron yan."

Minsan di ko talaga maintindihan tong si Yang. She's scared one minute and all out confident on the next. Pero yung totoo, I really do believe that she'll get a role in this movie. Kasi first of all, ang galing niya. LEGIT. Wala na siyang mahabang ritual para lang makaproduce ng luha, mga 30 seconds lang, at may luha na. E ako, kailangan ko pang hindi pumikit ng isang minuto o higit pa para lang may mapiga sa mga mata ko. And in my defense di pa ako nakakatry ng role na kailangan kong umiyak o kung ano mang kadramahan yan.

"Kaya natin 'to." Ngumiti ako at bumalik na kami sa tahimik na paghihintay.

Medyo umaasa naman talaga ako na makukuha ko yung role ng bida. Kasi yung bida isang napakamasayahing tao at ang general feel naman daw nung movie ay isang romantic comedy. So hindi ko na kailangang umiyak if ever makuha ko nga yung parte. Pero parang masyado na ata akong confident na ako makukuha. Kaya bumalik ako sa pagiinternet sa phone ko gaya ng lahat na naghihintay dito sa labas.

30 minutes later bigla nalang lumabas ang assistant ng casting director at pinaskil ang papel, na may lamang resulta, sa may wall sa gilid ng door. Nabigla ako pero mas mukhang nabigla yung ibang nag audition. Parang nahihimatay sila sa gulat at kaba na makita yung resulta. Yung iba nagtatakbuhan na sa may papel para makita yung papel. Bigla nalang may naghiyawan sa saya at biglang nalungkot yung puso ko kasi parang hindi ko nakuha yung bidang role. Yung iba nag walk out na naiiyak pa.

"Wow Noreen, congrats." Sabi nung isa.

Biglang natulala ako sa narinig ko at tinakbuhan ko yung papel at pinagtutulak yung ibang mga babae doon para makita ko yung papel. Sumunod sa likod ko si Yang. True enough, nakasulat doon:


Final list of young FEMALE ROLES for You're Stuck With Me:
Hannah Gomez - Noreen Lacson
Kate Roman - Joyce Gonzales
Tricia Ramirez - Yang De Guzman
Jenny Harris - Brenda Hale

Napasigaw kami ng malakas ni Yang at nagyakapan kami. Medyo naluha-luha na ako dahil OO GAIS. NAKUHA KO ANG LEADING ROLE. Sobrang happy ko talaga. Nawalan na ako ng hininga nang nataposo na kaming magtalon-talon at sigaw-sigaw ni Yang at binasa namina ng nakasulat sa baba ng listahan.

Please proceed to Room 413 for your briefing and schedule release for the shooting. Thank you and congratulations.

Sa sobrang excitement namin ni Yang halos tinakbo namin ang room 413 at sumayaw pa kami sa elevator at para kaming mga kabayo ng tinakbo namin ang kwarto. Pagpasok namin, nandun na yung mga casting director at iba pang naghold ng auditions namin. Nandun na din ang iba pang mga aktor na nakatrabaho ko na noon pero halos lahat hindi ko na kilala, mga bagong talents siguro. Panay ngiti namin ni Yang nang nagsalita na ang casting director ng pelikula.

"I guess lahat o halos lahat nandito na. Sana makinig sa mga important announcements." Sigaw ni Miss Priscilla. "Pinamimigay na ang final list ng cast ng You're Stuck With Me. Familiarize na, dahil ang mga taong yan ang magiging katrabaho niyo for the next three months. Please remember that you all need to do your best guys. We take things very seriously here at you guys need to do your best now kung gusto niyo pang magkaroon ng other projects in the future."

Binigyan ako ng papel nung babaeng nagddistribute ng cast list, tapos binasa ko. Goosebumps all over nung nabasa ko ang pangalan ng leading man ko. Si Jordan Rivers. Jordan-frigging-Rivers. Ang half-American ultimate hunk ng VAVU artists. Hindi ko akalaing magiging leading man ko siya kasi akala ko nagffocus siya sa singing career niya. LEGIT. Pinagkakaguluhan siya ng mga fans niya at sobrang perfect niyang tingnan kahit sa picture lang. Tapos ngayon, leading man ko siya? Swerte ko naman po huhu. Halong excitement at takot ang pumuno sa akin at napahanap ako sa paligid kung andidito nga ang Jordan Rivers na yan.

"May I call on our leading roles, Miss Noreen Lacson and Mr. Jordan Rivers."

Nabigla ako at tinulak ako ni Yang papunta sa harapan katabi ni Miss Priscilla. Nakaharap na ako sa karamihan ngayon at kinakabahan parin ako dahil pinoprocess ko pa yung thought na si Jordan Rivers ang leading man. Bigla nalang lumabas si Jordan Rivers sa grupo ng mga tao at tumabi siya sa other side ni Miss Priscilla. Hindi niya ako pinansin or anything, which I appreciate dahil nafifeel ko yung haggardness ko ngayon from taking everything in.

"Ladies and gentlemen, our leading roles. Meet Hannah Gomez and Luke Corpuz."

Pumalakpak ang mga tao at ngumiti ako. Napalingon ako kaunti kay Jordan at ngumingiti rin siya.

"Napakahusay ng dalawang ito at nasisiguro kong magiging madali lang ang taping dahil sa husay ng dalawang ito."

Umalis na kami sa harapan at may isang segundo na nagtinginan kaming dalawa, at nakangiti siya na parang sinasabi na 'Looking forward to working with you.'

Napangiti rin ako sa kanya. Mukhang mabait naman siya at friendly, sigurado, magiging okay din tong pagtatambal namin.

"Okay so everyone, we're all gonna meet again tomorrow for the look test. For now, why don't you get to know each other first para naman pagdating ng shooting close na kayo kaagad at makakatipid tayo ng precious time na ilalaan niyo sa pagkilala sa mga sarili. Anyway, congratulations sa lahat. See you tomorrow. Have a good night."

Nagsilabasan na kami nang biglang humawak sa braso ko. Napalingon ako at andun si Jordan.

"Noreen, right?"

"Oo."

"I believe we haven't formally met. My name is Jordan Rivers."

"Alam ko." that came out more rude than how I said it inside my head.

He hands out his hand for me and I do the same.

"Noreen." I said and he smiles.

"I really hope to get to know you better, you know, so it'll be easier to work on this movie especially it being a romantic comedy and all."

I smiled. "Sure you will. I hope I'll get to know you better, too."

"Looking forward to it."


******************************************************************

Just Friends: The on-cam-off-cam RomanceWhere stories live. Discover now