Chapter 2 - Look Test

73 3 0
                                    

"Looking forward"

Looking forward daw siya na makilala ako. Gabi nang makuha ko ang leading lady role sa You're Stuck With Me at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakuha ko ang role ni Hannah Gomez at makakatambalan ko pa ang nag-iisang Jordan Rivers. Sabihin niyo nga sa akin paano ako naging maswerte ngayong araw na ito? Lumipas ang mahigit dalawang oras na paligid ligid ako sa kama ko kakaisip ng mga maaaring mangyari at paghahampas sa sarili ko para maalala ko na kailangan professional ako.

Talagang nakabahan nga lang talaga ako dahil first time kong sumabak sa ganitong parte sa kahit anong project na nakuha ko simula noon.

GAME FACE ON, NOREEN. YUKENDUET.

Bigla nalang nagtext si Penny, ang handler ko sa VAVU Artists at sabi niya 8 AM ang look test bukas.

Napakalaking tulong ni Penny sa buhay ko at di ko alam paano ako makakakuha ng role na ito kung hindi dahil sa kanya. Siya na nagsilbing Ate at masasabi ko ring matalik ko na siyang kaibigan.

The next morning naghanda na ako para sa look test. Sinadya ko na magsuot ng kumportableng damit dahil alam kong marami akong pagpapalit ng damit na gagawin. Sinuot ko pa nga ang step in slippers na bigay pa ng tita ko.

Nang dumating kami ni Penny sa studio, direcho na ako sa hair and make up. Binihis na din ako ng crew doon tapos pinasuot nila ako ng cute na high school uniform. Plaid ang skirt niya tapos naka knee socks pa ako and all that anime-feels na uniform. After that punta na kami sa mismo saan kami ishshoot tapos nandun sa gilid ng kwarto si Jordan na inaayos na din ng mga artists.

Pinapunta ako ni Penny doon tabi sa inuupuan ni Jordan.

"Good Morning." He looked up to me and smiled.

"Good Morning."

My nerves? All there. It's safe to say na medyo awkward yung encounter kasi hindi ko alam anong sasabihin ko sa kanya.

"So are you ready for the look test?" sabi niya.

"Oo naman. Pero hindi ko pa fully na understand ang personality ni Hannah. Ibbrief naman nila tayo diba?"

"Probably. I don't really know much about these kinds of things. This is the first time I'll try acting kasi."

I nodded. "Well first time ko din bumida sa ganito kalaki na movie, so I guess we're both new to this."

"Well, I must say that actually sounds very comforting to me." Tumawa kaming dalawa. It's really comforting na pareho kaming kabado.

"Oo nga."

"You know what, this is both freaking us out. I myself don't want to screw this up. I want this to be successful and all. I know I'm a singer but I've always wanted to star in a movie. I know this is probably really important to you, too."

"Sobra."

"Well, I know you're not very comfortable with me yet and vice versa. So I was thinking if you aren't busy later we, you know, get to know each other a little better? So we can be even a little bit comfortable?"

I smiled. "Sure. Magandang idea yan."

"Great."

We both smiled.

Tumawag na si Miss Priscilla sa amin at inintroduce kami sa Director ng film.

"Noreen, Jordan, this is Direk Andy."

"Hello. Pleasure to meet you." Kinamayan naming dalawa si Direk.

"Pleasure to meet you two." She smiled.

Inintroduce din kami sa producers, designers at iba pa bago kami nabigyan ng initial script para sa You're Stuck With Me. Binasa ko lang muna yung synopsis niya.

Ang You're Stuck With Me ay isang pelikulang hango sa isang sikat na manga sa Japan na Playful Kiss pero ginawang mas Pilipino ang kwento.

Tungkol siya sa isang babaeng si Hannah. Makulit, masayahin at babaeng in love na in love sa school heartthrob na si Luke. Isang varsity player sa basketball at top student pa. Nakay Luke na ang lahat, matalino, gwapo, mayaman kaya naman gustong gusto at tangang tanga si Hannah sa kanya. Yun nga lang, suplado at walang pakialam si Luke sa mga babae. Isang araw mawawasak daw ang bahay ni Hannah kaya napilitan sila ng kanyang ama na makitira sa isang matalik na kaibigan ng ama niya nung high school. Tapos nagkataon na anak pala ng kaibigan ng ama niya si Luke. Doon daw nagsimula ang napakahaba at napakakomplikadong love story nila.

Napalingon ako kay Jordan pagkatapos kong basahin yung synopsis. Napaisip ako na sana hindi magiging komplikado ang pagtatambalan namin. Na sana pumatok siya at mapapansin ng karamihan.

Tinawag ako at sabi ako daw muna mag llook test. Ngumiti ako sa camera at ginawa ko lahat ng gusto nilang pose at iba pa. Siguro mga limang beses akong nagbihis at nagpapicture uli. Nakakapagod siya swear.

Sunod si Jordan naman ang naglook test at pinanood ko naman. Ang galing niya pala. Papasa na siya maging model kung hindi man siya, I mean kami, magssucceed sa movie na ito.

Sunod kami naman daw dalawa magppose ng sabay. Pinatabi kami na si Jordan ang sungit sungit habang ako in love na in love sa kanya. Mga 9 na frames ginawa at hindi naman ako masyadong nahirapan kasi wala namang intimate shots.

Tapos na ang look test at nag pack up kami ni Penny.

Palabas na kami at tinawag ako bigla ni Jordan.

"Noreen. So I'll see you later? Maybe Starbucks at 3PM?"

Medyo kinabahan ako. "Sure."

And we parted ways.

Hindi ko alam pero naisip ko ang salitang "date" pero agad kong binura sa isip ko.

This is purely business, Noreen. Snap out of it.

**************************************************************************

Just Friends: The on-cam-off-cam RomanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora