Chapter 17 - Drunk Words are Honest Words

25 1 0
                                    



Penny's POV

"So liligawan ka na ni Dave?!" tanong ko sa kanya mga 100% volume.

"Shhhh! Penny naman e, di pa nga tapos yung kwento ko." sabay hampas ni Noreen sa braso ko.

"Aray."

"Sorry."

"E diba nga nagtanong siya? So anong sunod na nangyari?"

"Dumating si Jordan at dinala siya sa kwarto niya. Lasing na kasi yung tao."

"Tapos?"

"Tapos pagkabukas nag explain siya na ganun daw talaga siya pag lasing, kung anu-ano nalang daw sinasabi."

Kinuha na niya phone niya, thus marks the end of her story. Pero ako intrigued na intrigued pa rin ako sa kwento niya. Nasa dressing room kami, at pinalabas ko lahat ng tao dahil nirequest niya para walang ibang makarinig. Pero tama naman talaga na pinaalis niya yung mga tao.

If anybody else hears this they'll freak and sell the story straight to the nearest newscaster.

"Beb, alam mo naman siguro yung kasabihang, "Drunk words are honest words" diba?"

Lumingon siya sa akin nang sobrang bilis as in ganun siya ka in denial. "Anong honest. Mas naniniwala ako sa explanation niya. Shhh."

"Haynako. Bahala ka na nga diyan."

Tatayo na sana ako para tumulong sa set up sa labas dahil patapos na yung break nang biglang napaubo si Noreen.

"Hui, okay ka lang?" Dun ko lang nanotice na mukha siyang pagod na pagod.

"Okay lang ako, matutulog lang ako saglit, hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi." She curled up in her chair and grabbed a pillow.

"Sure ka? Baka gusto mong ipauwi na kita? Sabihan ko lang si Direk."

"Okay lang ako. Tulog lang katapat nito, mamaya ready na ako mag shoot."

"Sabi mo yan ah. O sya."

I got my things and went out tapos when I was nakalimutan ko pala phone ko. Pagbalik ko, guess what, humihilik na si Noreen! Grabe parang switch lang kung matulog.

Mukhang pagod talaga e. Lumabas ako at nakabanggaan ko si Jordan.

"O, Jordan. Bakita ka nandito?"

Nagtaka lang ako bakit nandito siya. E diba nga iba yung set niya today?

"Direk called me to be here."

He looked like he was lying. WEH. PWET MO JORDAN. SI NOREEN TALAGA PINUNTAHAN MO DITO E.

Ngumiti nalang ako sa kanya. "Si Noreen ba hinahanap mo?"

"Huh?"

"Nasa loob lang, natutulog. Mukhang pagod. Try mo gisingin."

He just nodded and went in the dressing room. Pagclose niya sa door ay tumakbo ako sa may window at naghanap ng butas sa kurtina para makita ko ang mga nangyayari.

Naglakad si Jordan papunta kay Noreen. Di ko masyado makita mukha niya sa angle na 'to. Buti nalang kumuha siya ng upuan at umupo sa may tapat ni Noreen kaya kitang kita ko na siya.

He looked...worried. Di ko maexplain nang maayos. He's been staring at her so intently feeling ko matutunaw si Noreen sa tulog niya. Utang na loob sobrang gwapo talaga ni Jordan I swear and if looks could kill matagal nang namayapa lahat ng babae ngayon.

Nagsalita siya. Kinakausap niya ang sobrang tulog na si Noreen. Naiinis ako kasi di ko maintindihan. Ngumingiti na din siya minsan. Nilapit niya upuan niya kay Noreen.

Alam kong actors sila. Pero I swear sa tingin ko talaga may gusto na tong si Jordan kay Noreen e. Sa tingin niya palang basang basa ko na siya. Explains why he's bringing her to dinner and stuff. Just friends my ass.

***************

Hi guys. :)) this is actually just kind of a filler chapter. Kasi POV ni Penny. It was fun writing from her POV!! Hahaha. Please comment and vote love love.

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.
Just Friends: The on-cam-off-cam RomanceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz