***1st ACTIVITY***

593 41 129
                                    

Date Posted: January 11, 2016
Deadline of Submission: January 27, 2016

ONE SHOT MYSTERY/THRILLER

Hello Critiques!
It's time for our First Activity for this year 2016! Inaasahang marami pa rin po ang magpa-participate. Are you excited guys? Again, it's another One Shot Activity Contest but this time related sa NEW YEAR !

Title: MY GOAL Misteryo ng Enero
Genre: Mystery/Thriller
Topic: My Goal
Word Count: 1,500-2,500 words

ANO ANG DAPAT GAWIN?

Simple lang, kailangan lang mag-isip ng gustong-gusto ninyong baguhin sa iyong buhay o kaya mga gusto ninyong mangyari o makuha sa taong ito at gawan ito ng istorya.

Kayo na ang bahala kung paano ninyo ito ikokonekta sa genre natin na M/T. Maaaring natupad/nakuha mo ang iyong gusto sa kwento, maaari ring hindi. Maaaring ito ang dahilan ng misteryo o hindi. Maaring ito ang dahilan kaya nagawa mo ang mga hindi dapat. Basta nasa sa inyo na kung paano ninyo ito gawan ng paraan na maging M/T ang genre.

Halimbawa: Gustong-gusto mo talagang pumayat dahil iniwan ka ng bf mo sa katabaan mo. Sa kagustuhan mong pumayat, na desperada ka na talaga. May nagbenta sa iyo ng mga pekeng medisinang pampapayat na maaaring makamatay kapag marami ka nang nainom at ito pala ay kagagawan ng taong gustong mawala ka na sa mundo. ^_^ Alam kong ang panget ng istorya, pero halimbawa lang po iyan.

O kaya gusto mong maging Star Player ng voleyball team n'yo, e, kaso benchwarmer ka. To achieve that goal, gagawa ka ng paraan para mawala yung kasalukuyang star player n'yo (na pinsan mo o bestfriend mo o kapatid mo). Pwedeng kitlin ang buhay niya. Sa paanong paraan ikaw na bahala. Pwedeng lasunin, o ihulog sa bangin, o itali sa isang puno sa gubat na may piring at busal. Basta nasa ilalim pa rin ng Mystery/Thriller.

Aim o Layunin:

Ang pangunahing layunin ng contest na ito ay upang madagdagan ang ating kaalaman sa pagsulat ng ganitong uri ng genre dahil konti nalang ngayon ang writers ng ganitong klaseng istorya.

Ngunit sa pagkakataong ito ay isisingit natin ang isang goal na gustong-gusto nating gawin. Isang bagay na gustong gawin sa pagpapasimula ng taon ngunit nasa loob ng may misteryo at nakagigimbal na pangyayari.

Ito ay isang paghamon sa atin kung paano magiging malikhain na gagamitan ng kakanyahan sa pagsulat.

Prizes:
1st prize:

150 pesos na load (or cash)
10 comments
Flood Votes

2nd prize

100 pesos na load (or cash)
10 comments
Flood Votes

3rd prize:
50 pesos na load
5 comments
Flood Votes

Consolation Prize:

Two winners (30 pesos load + flood votes)

Special Prizes:

30 pesos na load + flood votes

CRITERIA:

Body: 35% - Kabuuan ng kuwento na masasabing nasagot ang genre gaya ng Mystery/Thriller. Paano mo nilalahad ang mga pangyayari.

Technicalities: 20% - Grammars, structure of sentence, paggamit ng tamang salita , pag-uulit ng mga salita , typos, etc.

Uniqueness and Originality: 20% - Makikita rito ang kakaibang paglikha ng eksena o pangyayari na wala sa iba. Maaaring mag-iwan ng bakas sa kuwento na maalaala ng mambabasa.

Twist/Ending: 15% - Makikita ang kakayahan ng manunulat sa mga hindi inaasahang pangyayari sa pagtatapos at ang rebelasyon ng isang katotohanan na mapagpapabigla sa mambabasa.

Appeal of the Story: 10% - Dito ay aasahan kung paano ang paraan ng paghatid ng manunulat sa mga mambabasa upang ito ay hindi bitawan mula sa simula hanggang matapos.

MECHANICS:

1) Ang maaaring sumali sa aktibidad na ito ay miyembro lamang ng Critique Book Club na nag-fill up ng form sa Book II.

2) Ang kuwentong ipapasa ay kailangang bagong likha. Ibig sabihin ay hindi pa naipapaskil sa wattpad o saan mang website na may ganitong uri.

3) Kailangang filipino (o tagalog) lamang. Hanggang maaari ay gawing puro filipino, maliban sa mga puntong hindi maiiwasan. Ipinakikiusap din na hanggang maaari, ang pamagat ng lahok ay nasa filipino rin, kung pupuwede lang naman po.

4) Strictly NO SPG (kalaswaan) o BS o anumang katulad nito.

5) Ang bilang ng salita ng kuwentong isasali ay dapat nasa 1,500 - 2,500 MSWord count including the title.

6) IMPORTANT: Kung paano at ano ang hitsura ng inyong document ay ganoon din ang pag-post namin, kagaya ng highlight, italic, at capitalized.

7) Ang lahat ng entry ay kailangang nakasulat sa MSWord at ipadala sa email: critique.society@yahoo.com.ph . Pwede rin na i- Private Message dito sa cbc_2015 .

8) Anumang ipinasang kuwento ay hindi na maaaring bawiin upang baguhin o palitan. Ngunit hindi aagawin ang copyright ng may akda hanggang sa matapos ang pag-anunsiyo ng mga nagwagi.

9) SUBMISSION DEADLINE: January 27, 2016 at exactly 3 o'clock in the afternoon.

10) Announcement of winners shall depend on the number of entries.

MAIKLI LANG ANG PANAHON na ibinigay ng Sponsors dahil nabitin po masyado last December at hanggang ngayon ay hinahatulan pa ang nakaraang One Shot. Mayroong pa tayong aabangang sorpresa to be announced next week.

Questions:

1. Q: Pipili pa ba ulit ang sponsors ng stories sa one shot activity para sa self- publish?

A: Yes. Pipili ulit ang sponsors ng stories sa One Shot activities natin para sa self- publish. Hindi lang sa Activity natin ngayon kundi sa mga susunod pa na One Shot Activity natin.

2. Q: Winner lang ba ang may chance na mapasama sa self-publish?

A : A big NO for that. Hindi ibig sabihin na kung winner ka ay automatic ka ng mapapasama sa self- publish, at hindi ibig sabihin na wala ka ng chance mapasama sa self-publish kung hindi ka nanalo sa contest. Depende po yan sa story mo, kung magugustuhan ng sponsors ang story mo ay congrats dahil maisasali ang story mo sa self-publish. Kaya kahit hindi kayo nanalo ay may chance pa rin.

Lahat ng nakasulat dito ay mahalaga. Strictly follow the rules and mechanics.

Kung may mga tanong kayo, please comment down or you can directly PM me.

Comment Join, kung sasali kayo. ^_^

Maraming salamat po.

Note:
Basahin ang lahat ng mga nakasulat dahil maaaring nasagot na sa itaas ang katanungan mo. Make reading a HABIT. ^_^

The Critique Society Book II ( BC Open)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon