***3rd Activity***

518 32 76
                                    

Date Posted: February 12, 2016
Deadline of Submission: February 25, 2016

ONE SHOT MYSTERY/THRILLER

Hello Critiques!

Para sa mga nagtanong kung kailan ang next activity natin, heto na po ^_^. Maraming salamat sa inyong paghihintay.

Buwan ng Pebrero o Buwan ng mga Puso ngayon kaya marahil ay may idea na kayo sa ating tema ngayon. ^_^

Activity Title : Love Crime
Genre: Mystery/Thriller
Topic: Crime of Passion
Word Count: 1,500 - 2,500 words

ANO ANG DAPAT GAWIN?

Sumulat ng isang istorya na tungkol sa love triangle na may krimen.

Aim o Layunin:

Ang pangunahing layunin ng contest na ito ay upang madagdagan ang ating kaalaman sa pagsulat ng ganitong uri ng genre dahil konti nalang ngayon ang writers ng ganitong klaseng istorya.

Ito ay isang paghamon sa atin kung paano magiging malikhain na gagamitan ng kakanyahan sa pagsulat.

Prizes:
1st prize:

150 pesos na load (or cash)
10 comments
Flood Votes

2nd prize

100 pesos na load (or cash)
10 comments
Flood Votes

3rd prize:
50 pesos na load
5 comments
Flood Votes

Consolation Prize:

Two winners (30 pesos load + flood votes)

Special Prizes:
1 or more winners

30 pesos na load + flood votes

CRITERIA:

Body: 35% - Kabuuan ng kuwento na masasabing nasagot ang genre gaya ng Mystery/Thriller. Paano mo nilalahad ang mga pangyayari.

Technicalities: 20% - Grammars, structure of sentence, paggamit ng tamang salita , pag-uulit ng mga salita , typos, etc.

Uniqueness and Originality: 20% - Makikita rito ang kakaibang paglikha ng eksena o pangyayari na wala sa iba. Maaaring mag-iwan ng bakas sa kuwento na maalaala ng mambabasa.

Twist/Ending: 15% - Makikita ang kakayahan ng manunulat sa mga hindi inaasahang pangyayari sa pagtatapos at ang rebelasyon ng isang katotohanan na mapagpapabigla sa mambabasa.

Appeal of the Story: 10% - Dito ay aasahan kung paano ang paraan ng paghatid ng manunulat sa mga mambabasa upang ito ay hindi bitawan mula sa simula hanggang matapos.

MECHANICS:

1) Ang maaaring sumali sa aktibidad na ito ay istriktong miyembro lamang ng Critique Book Club na nag-fill up ng form sa Book II.

2) Ang kuwentong ipapasa ay kailangang bagong likha. Ibig sabihin ay hindi pa naipapaskil sa wattpad o saan mang website na may ganitong uri.

3) Kailangang filipino (o tagalog) lamang. Hanggang maaari ay gawing puro filipino, maliban sa mga puntong hindi maiiwasan. Ipinakikiusap din na hanggang maaari, ang pamagat ng lahok ay nasa filipino rin, kung pupuwede lang naman po.

4) Strictly NO SPG (kalaswaan) o BS o anumang katulad nito. Kasama na rito ang pagmumura o cursing.

5) Ang bilang ng salita ng kuwentong isasali ay dapat nasa 1,500 - 2,500 MSWord count including the title. KUNG HINDI UMABOT SA MINIMUM NUMBERS OF WORDS, AUTOMATICALLY DISQUALIFIED. Kaya siguraduhin na po ninyo bago magpasa.

6) IMPORTANT: Kung paano at ano ang hitsura ng inyong document ay ganoon din ang pag-post namin, kagaya ng highlight, italic, at capitalized.

7) Ang lahat ng entry ay kailangang nakasulat sa MSWord at ipadala sa email: critique.society@yahoo.com.ph  o kaya ay sa Messages ng The Critique Society Facebook Account. HINDI NA PO PAPAYAGAN ANG HINDI NAKA-FILE NG .doc or .docx (MSWord).

8) Anumang ipinasang kuwento ay hindi na maaaring bawiin upang baguhin o palitan. Ngunit hindi aagawin ang copyright ng may akda hanggang sa matapos ang pag-anunsiyo ng mga nagwagi.

9) SUBMISSION DEADLINE: February 25, 2016 , exactly 3 PM.

10) Announcement of winners shall depend on the number of entries.

11) Your entry is not valid kapag hindi kayo nagparehistro sa BEST TEN WRITERS at kung wala kayo sa pairings. Kahit One Shot lang pwede na.

ANG TEMA NG ONE SHOT MYSTERY/THRILLER:

1) Sumulat ng isang istorya na tungkol sa love triangle.

Ito ay tungkol sa tatlong karakter na nagkaroon ng ugnayan sa isa't isa. Maaaring dalawang lalaki at isang babae o dalawang babae at isang lalaki. Maaaring magkasintahan o mag-asawa ang dalawa at ang isa pa ay magkakaroon ng kaugnayan sa isa.

2) Ang motibo ay maaaring selos, obsesyon, o silakbo ng damdamin (passion).

3) Walang pulis o anumang alagad ng batas na mag-iimbistiga ng krimen.

4) Istriktong gagamit ng 3rd Person POV lamang.

** MAHALAGA: Sa mga nagsusumite ng kanilang istorya sa pamamagitan ng Private Message sa CBC, ay mangyaring pag-aralan din na gumamit ng .doc file o ang file na nasa MSWord upang ang lahat ay pare-parehong magpapadala ng kanilang lahok sa sulatroniko (email) ng CBC.

Ito ay upang mabawasan ang pag-antala ng pagpaskil ng lahat ng mga lahok.

** VERY IMPORTANT: Sana, ang lahat po ay mangyaring sumunod sa temang hinihingi sa ilalim ng mechanics ng patimpalak na ito.


** PARA SA LAHAT NG NAGPAREHISTRO, Please add our fb group : The Best Ten (CBC) for updates.

Ang maaaring kwalipikado sa self-publish ay ang mga nagparehistro lamang sa Best Ten Writers. (PLEASE read Best Ten Writers' page and the registration)

Kung may mga tanong kayo, please comment down or you can directly PM me.

Comment Join, kung sasali kayo. ^_^

Maraming salamat po.

Note:
Basahin ang lahat ng mga nakasulat dahil maaaring nasagot na sa itaas ang katanungan mo. Make reading a HABIT. ^_^

The Critique Society Book II ( BC Open)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon