THE BEST TEN POETS - Registration Form

298 23 29
                                    




Sa lahat po ng nais sumali sa THE BEST TEN POETS,

Narito ang ilang mahahalagang alituntunin na dapat sundin ng lahat ng aspirante na magpapatala.

1) Magkaroon ng PUSO at ISIPANG MAPAGKUMBABA. Kaming Sponsors ay naniniwala na ang taong may mapagpakumbabang puso at isip ay magkakamit ng karunungan at unawa. Mas mabuting isipin na ang kapuwa ay higit na mahusay kaysa sarili. Sa ganito'y magtatamasa ka ng mas malawak na kaalaman sa mas maraming bagay.

2) Dapat marunong tumanggap ng suhestiyon mula sa mga Huwes. Tandaang sila ay hindi lamang mga kritiko, makatutulong rin sila sa paglago ng bawat isang nais umunlad sa pagsusulat.

3) Mahigpit na ipinagbabawal ang manlait ng kapuwa kalahok.

4) Pumapayag na makipagtulungan sa ikasusulong ng proyektong ito. Katulad ng pagtulong sa kapuwa kalahok na maiayos at maihusay ang pagsusulat nito.

5) Dapat makita ang unti-unting pag-unlad sa bawat kuwentong inilalahok sa Buwanang Patimpalak.

6) Isang USERNAME Account lang ang pinahihintulutang gamitin. Ito lamang ang kikilalanin ng Sponsor at mga Huwes hanggang sa katapusan ng 2016. Hindi papayagang magpalit ng username habang kasali pa sa patimpalak. Kapag binago ang username ay awtomatikong tanggal na sa patimpalak na ito.

7) Panatilihing aktibo sa pairing ng CBC Book II at hindi maaaring pumalya ng Task habang kasali rin sa Buwanang Patimpalak.

8) Magparehistro ng ganito:

Username: (alalahaning isang Username lang ang dapat gamitin)

Date of CBC membership: (Ito ay huling petsa na sumali sa paring)

Date of Wattpad Account: (Ito ang petsa kung kailan nagsimula dito sa wattpad)

Favorite Theme/Topic: (Tatlong (3) mga paboritong tema o paksa na ginawan ng tula)

Halimbawa:

Username: CBC_2015

Date of CBC membership: June 11, 2015

Date of Wattpad Account: June 4, 2015

Favorite Theme: Pag-ibig, Kalikasan, Sosyedad

DEADLINE OF REGISTRATION: February 23, 2016

EXTENDED PARA SA NAIS PANG SUMALI !

BILIS !   SALI NA !

QUESTIONS & ANSWERS

Q: Paano kung nagparehistro na tapos after a while nagpalit ng usename, pero nagsabi naman?

A: Automatically forfeited po kahit nag-abiso pa sa Admin.

Q: Paano kung nagpa-member ako sa CBC August 2015 tapos tumigil ako hanggang December 2015. Tapos bumalik na ako sa CBC book II, qualified ba ako?

A: Qualified ka pa rin, so long active in pairing.

Q: Hindi ako nakasali ng mga nakaraang Tula activity, pwede ba akong sumali ngayon?

A: Pwede.

PAALALA:

Ang desisyon sa pagpili ng The Best Ten Poets ay mula sa ating SPONSORS at kaming ADMINS ay walang kinalaman sa kanilang mga napili.


Kung mayroong katanungan patungkol sa mga bagay na ito, mangyaring mag-comment sa ibaba at aming sasagutin sa lalong madaling panahon.

GOOD LUCK SA LAHAT !

The Critique Society Book II ( BC Open)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon