SPECIAL ANNOUNCEMENT
Sa lahat po ng mga lumalahok,
Inaanyayahan po lahat ng mga miyembro ng book club na ito na makisali rin sa lahat ng patimpalak na inilulunsad namin dito, lalo na ang mga datihang sumasali mula pa noong una.
Kaming Sponsors ay maghahanap na ng The Best Ten Writers.
Ang The Best Ten Writers ay sampung manunulat na pipiliin ng Sponsor hanggang sa buwan ng Oktubre, 2016.
Ang The Best Ten Writers ay sampung manunulat na pinakamahuhusay ayon sa mga huwes na hahatol sa kanilang mga One Shot Mystery/Thriller na patimpalak dito at ayon din sa pili ng Sponsors.
Ang The Best Ten Writers ay sampung manunulat na bibigyan pa ng ilang sorpresang gantimpala na makakamit bago matapos ang taong 2016.
LAYUNIN :
Upang mapahusay pa ang mga aspirante sa pagiging manunulat.
Makilala sila kahit sa maliit na paraan na magagawa naming Sponsor.
Makalikha ng isang maliit na komunidad na ang genre ay eksklusibong Mystery/Thriller lamang.
Ang mga kuwalipikado para sa The Best Ten Writers
Lahat ng aktibong miyembro na nagpatala sa book club na ito mula Noyembre, 2015.
Lahat ng interesadong magsulat ng Mystrey/Thriller Genre hanggang Oktubre, 2016.
Muling magpapatala sa kabilang pahina kung saan ay mababasa ang iba pang instruksiyon at kondisyon ng patimpalak na ito.
Paraan upang makapasok sa The Best Ten Writers
Sa bawat buwan ay magpapatimpalak ng One Shot Mystery/Thriller Genre na may iba at bagong tema na tutugunan ng lahat ng kalahok.
Sa bawat pagkatapos ng patimpalak ng buwan ay maglalabas kami ng listahan ng mga username na nangangahulugang qualified o pumasa ang mga ito para masabing The Best sa nasabing buwan.
Ang listahang ito ay maaaring humigit o kumulang sa sampu. Ibig sabihin ay posibleng hindi nakaakyat ang iba kaya kulang sa sampu o di kaya'y tumabla ang ilan kaya sumobra sa sampu ang bilang nila.
Kapag palaging nasa listahan sa bawat buwan ang username mo, sa malamang malaki ang posibilidad na mapasama ka pa sa susunod. Ngunit kung lulubog-lilitaw ang iyong username ay delikadong mawala o posibleng mapasama rin kung magpapatuloy sa paglahok.
Ang listahan na ilalabas ay walang kinalaman sa pagkakasunod-sunod. Mapapansing walang nakaumang na numero sa bawat pangalan. Wala ring kinalaman kung nanalo sila sa buwan na yaon.
Panahon ng pagpapakilala ng The Best Ten Writers
Bago matapos ang Nobyembre, 2016 ay iaanunsiyo at ipapaskil sa book club na ito kasama ang iba pang impormasyon at sorpresang nakalaan.
Ang mga magiging premyo ng mapipili sa The Best Ten Writers
Sila ay bibigyan ng mga libreng kopya ng isang aklat. Sa aklat ay naroon ang lahat na kanilang inilahok na One Shot sa lahat ng patimpalak sa book club na ito mula Disyembre 2015 hanggang Oktubre, 2016.
Maaaring kaalinsabay na rito ang iba pang sorpresang nakalaan sa lahat.
QUESTIONS & ANSWERS
Q: May consolation din ba ang mga hindi mapipili sa The Best Ten Writers?
A: Mayroon din silang premyo subalit sorpresa pa ito.
Q: Kapag dalawa o tatlong buwan hindi napasama ang username ko sa listahan, ibig sabihin hindi na ako kuwalipikado?
A: Kung hindi napasama sa buwanang listahan ang username mo, maging ilang beses man ito, maaaring isa o kalahating puntos lang ang nahigitan sa entry mo. Hindi rin nangangahulugang diskuwalipikado ka na dahil hindi pa tapos ang laban, Pando.
Q: Paano kung bigla akong umayaw kahit marami ng naisaling One Shot, mabibigyan pa ba ako ng consolation prize?
A: Pasensiya na po. Awtomatikong talo na at walang makukuhang anumang consolation prize.
Q: Ano ang batayan ng mga puntos na binabanggit sa itaas?
A: Kaming Sponsors lamang po ang maaaring makaalam nito upang ang lahat ng mga kasali ay nakatutok lamang sa mga rules and mechanics ng patimpalak.
Q: Paano kung sumali ako ngayon, tapos next month hindi ako sumali. Then, the third month sumali ako. Pwede ba ito?
A: Pwede. Kung makababawi ka ng mas matataas na puntos upang makasama sa buwanang listahan.
Q: Magkakaroon pa rin ba ng monthly winners at saka prizes?
A: Tuloy-yuloy pa rin ang monthly winners and prizes.
Kung mayroon pang tanong patungkol dito, mangyaring mag-comment sa ibaba.
Maraming Salamat po.
BINABASA MO ANG
The Critique Society Book II ( BC Open)
AcakWELCOME TO "THE CRITIQUE'S SOCIETY BOOK II" Interested in being a member? all you have to do is to fill up the form and help the writers to discover their story.