Date Posted: January 14, 2016
Deadline: January 27, 2016LIKHANG TULA
Hello Critiques!! ^_^
YES! Now it's time for our SECOND ACTIVITY for this month. Umaasa ako na marami na ang sasali dito. Dahil Bagong Taon na, kaya ito ang gagawin natin.
Title: Likhang Tula II
Theme: Tula ng Pagbabago
Genre: Poetry (Free Verse)Nilalaman ng Tula:
Kung may gusto kang baguhin sa iyong sarili, ano ito? Babaguhin mo ba ang iyong masamang ugali o gawing masama ang ang iyong mabuting ugali? Anong ugali ito? O kaya gusto mong baguhin ang itstura, postura o kung ano pa yang gusto mong baguhin sa katawan mo. Pwede rin na baguhin mo ang account ng fb, wattpad, twitter, at etc. mo. O gusto mong palitan ang kulay ng bubong ninyo. Bakit ito ang gusto mong baguhin? Sino o ano ang nag-udyok sa'yo na gawin mo ito?
Kayo na po ang bahala kung paano ninyo gawan ng tula ang gusto niyong baguhin ngayong taon.
LAYUNIN:
Upang mailabas ng bawat isa ang kakayahan upang makalikha ng isang tula.
Naniniwala akong lubos na ang lahat ng manunulat, kung paanong marunong gumawa ng kuwento ay may nalalaman ding makalikha ng tula.
Huwag po tayong mangamba. Ang takot ay nagpapatigil ng mabuting adhikain.
Halina, makilahok sa isang natatanging patimpalak ng taon: Likhang Tula II Tula ng Pagbabago.
PANUNTUNAN (Mechanics):
1) Makalikha ng isang tula sa wikang Filipino/Tagalog.
2) Ito ay may kabuuan sa minimum na apat (4) saknong (stanzas) na may apat (4) na linya o taludtod (lines) sa isang saknong. Ito ang sa inaakala kong madali para sa lahat.
3) Magkatulad ang rima (rhyme) sa bawat dulo ng dalawang linya.
4) Ito ay nasa Malayang Taludturan o Free Verse.
5) Kailangan ay mayroong bantas na gagamitin katulad ng kuwit (,), tuldok (.) upang maging maayos ang pagbabasa sa bawat linya hanggang sa kabuuan ng tula.
6) Hanggang maaari ay puntuhan ang paraan upang mangyari ang balaking pagbabago.
7) Ang lahat ng lahok na ipapasa ay kailangang bagong gawa at hindi pa naipapaskil sa wattpad o saan mang website na katulad nito.
8) Ang lahat na lahok ay ipapasa sa private message ng CBC_2015.
9) Anomang tula na ipinasa na ay hindi maaaring bawiin upang palitan o baguhin. Ang copyright ay nananatili pa rin sa orihinal na manunulat.
10) Lahat ay pwedeng sumali, member man o hindi. ^_^
PAMANTAYAN (Criteria):
Pamagat: 10% - Minsan, gaya ng sa isang kuwento, sa pamagat pa lang ay umaakit na sa mambabasa.
Katawan ng Tula: 30% - Ito ang kabuuan ng tula na magpapakilala ayon sa pamagat.
Mga salitang ginamit: 30% - Bokabularyo ang pangunahing makikita. Maraming salitang hindi umuulit, mas malaking puntos ang makakamit.
Indayog at Ritmo: 20% - Mga kumbinasyon ng salita, sa pagkakasunud-sunod, at may mga puntong tila duyan na umuugoy.
Akit ng Tula: 10% - Sa pambungad pa lamang ay mahahatak ka na ituloy na basahin ito at hindi mangingiming tapusin.
PREMYO:
First Prize - 100 pesos load + 20 chapters flood votes
Second Prize - 60 pesos load + 20 chapters flood votes
Third Prize - 30 pesos load + 20 chapters flood votesMGA ESPESYAL NA GANTIMPALA
Tangi ng Isponsor - 30 pesos load + flood votes (10 chapters)
Tangi ng mga Huwes - 30 pesos load +flood votes (10 chapters)
Tangi ng mga Admins - 30 pesos load +flood votes (10 chapters)
BINABASA MO ANG
The Critique Society Book II ( BC Open)
AcakWELCOME TO "THE CRITIQUE'S SOCIETY BOOK II" Interested in being a member? all you have to do is to fill up the form and help the writers to discover their story.