Naranasan mo na ba yung love at first sight?
Yung unang tingin palang alam mong SIYA na talaga.
Pero dahil conservative ka eh wala kang magawa hanggat wala siyang ginagawa.
Kahit isang hint hindi mo maibigay.
Pwede din namang isa kang hopeless, talagang hopeless romantic na gustong naaayon sa tadhana ang lahat ng mangyayari sa buhay mo.
He's the one.
She's the one.
Ito na ang sign na hinihintay mo.
Dahil hindi madalas mangyari ang ganitong mga bagay sa totoong buhay. Once in a blue moon lang ang ganitong love story.
Minsanan lang na sa unang pagkikita palang eh alam mong siya na.
Minsanan lang yung mga ganitong pagkakataon.
Kaso ang masaklap eh paano na lang kung yung last chance mo eh matagal na palang lumipas.
Wala ka nang magagawa diyan.
Maghanap ka na lang ng taong maibibigay ang needs mo dahil kung hindi rin lang naman siya.
Hindi ka rin magiging tunay na masaya.
Wala atang connect yung sinasabi ko ngayon sa kwento ko.
Basta ang alam ko maswerte ako...
...dahil nahanap ko ang pag-ibig sa loob ng tren.
[A/N: Hi! New short story ulit dahil na-ddrain na ang utak ko sa mga on-going kong stories. Hihi. Ewan ko ba kung bakit ko naisip itong kwento na ito. Haha. Nakakakilig sa utak ko. Joke. Hahaha. Ang corny lang talaga nung title! Pagpasensyahan.]