“Ui, bakit ka umiiyak?”
Ngayon lang nag-sink in sa akin na na-sprain pala yung ankle ko. Kalandian ko kasi eh kaya hindi ko namalayan. Ang pangit ko pa naman umiyak!
Nagulat na lang ako nung bigla akong umangat sa lupa. Binuhat niya pala ako.
Prinsesa style
Gooooooooooossssssssssshhh. Feeling ko tuloy ay bagong kasal kami!
Tententenen! Tententenen… tententenen tenenen tenen
“Ibaba mo na ako! Nakakahiya!” pero nakatakip pa rin yung kamay ko sa mukha ko.
Mas nakakahiya yung mukha ko!
“Medyo magaan ka naman.”
MEDYO?
“Sige na! Ibaba mo na ako!”
Binaba niya naman ako tapos inalalayan niya na lang ako. Lagi lang akong nakayuko kasi nga nahihiya ako sa itsura ko! Siguro nahiya na rin siya sa mga taong nandoon. Ang lakas kong sumigaw eh. Feeling niya siguro galing ako sa ibang planeta- sa planeta ng mga Amazona.
“Dito na lang muna tayo.”
Tiningnan ko naman yung paligid namin. Hindi ko alam kung nasaan kami. Ay teka asan na nga kami?
McDo?
Akala ko ba gagamutin niya itong gasgas ko?
“Bakit tayo nandito?”
“Mukhang kailangan mong kumain ng ice cream eh.”
Aaawww. Na-touch naman ako at kinilig ng bonggang-bongga. Tumango na lang ako habang nakayuko. Eh kasi naman eh! Baka kung anong magawa ko dahil sa sobrang kilig!
“Ano ako bata?”
Syempre may pa-epeks pa muna. Ayoko naman magmukhang easy to get. Har har. Umaambisyon lang naman na baka type din ako nitong si pogi. Type din? Bakit? Type ko ba siya.
“Hindi ba?”
Type
"Ano?"
Nasabi ko ba yun ng malakas? Baliw. Baliw. Baliw.
"Oo na! Type ko na mag-ice cream!"
Muntikan na yun ah. Haha
Tss. Ako na talaga ang kinikilig! Ako na talaga!
So naglakad na kami papasok ng McDo. Basta ako nakayuko lang palagi dahil nga ang pangit ko umiyak! Teka, punta kaya muna ako sa CR? Kaso nakakahiya naman kung bigla akong mag-disappear. Ay. Hayaan na nga! Hindi naman siguro ganun kapangit yung itsura ko.
Pumunta na siya sa counter tapos ako naman eh naghanap ng table para upuan namin. Medyo iika-ika pa nga ako pero nawala ng kaunti yung sakit. Hehe. Ang saya ko kasi ngayong gabi. Hindi ko talaga akalain na makikita ko siya uli. Mas lalong hindi ko inakala na makakausap ko siya at makakasama. Sana pang-habang buhay na ito. Chos.
Paano ba naman kasi kulang sa excitement ang buhay ko. Oo nga, maraming boys ang nakapaligid sa akin. Marami din ang may gusto sa akin pero ni minsan hindi ko naramdaman yung naramdaman nung nakita ko siya sa may LRT. Yung need na makita siya ulit at makilala. Ewan ko ba. Siguro bampira itong si kuya at malapit ng magsimula ang Twilight love story namin.
Ew.
After niyang umorder eh pumunta siya sa table namin.
“Ito na sundae mo.”
“Thanks.” Tapos nag-smile ako sa kanya.
“Pfffffftt…” Anong nangyari?
“Anong nakakatawa?”
