LRT6: Waiting

310 9 11
                                    

“Okay na ba yung project natin sa Econ Eng?”

“Oo! Pare naman wag kang masyadong ma-stress.”

Paano naman ako hindi ma-stressed out sa buhay ko ngayon? Ang daming projects! Ang daming kailangang gawin! Halos sa dorm na nga ako ng mga classmate ko nakikitulog. Ang daming ginagawa! Naasar na ako.

Tiningnan ko na lang yung phone ko.

Napa-smile tuloy ako.

“Pre, ang pangit naman niyang wallpaper mo. Sino ba yan?”

“Gago. Mas pangit ka! Ulol!”

“Future girlfriend niya daw yan kaso nung tinanong yung pangalan niya siya daw si Christian!” tapos nagtawanan sila

“Christian? Pucha, dre ang corny mo! Ano ka ngayon? Nasaan na si Mara mo?”

One month na after nung makilala ko yung girl sa LRT. Araw-araw kong pinagsisisihan yung kabaliwan ko. Gago. Christian? Ikaw? Tanga. Sinong niloko mo? Anong gusto mong patunayan? Mas lalo tuloy nagiging stressful ang bawat araw. Bakit ba kasi hindi ko tinanong yung tunay niyang pangalan? Pwede ko namang sabihin na Christian talaga ang name ko. Takte.

"Hindi niyo naman kailangang ipaalala sa akin kung gaano ako ka-tanga. Alam ko na yun!"

"Ano na ang gagawin mo ngayon? Paano mo hahanapin yang future girlfriend mo?"

Hindi ko alam! Hindi ko alam kung saan magsisimula. Kaya nga nagfo-focus na lang ako sa studies ko dahil baka mabaliw ako sa kakaisip kung paano hahanapin yung babaeng yun. May shortcut naman pero mas pinili ko yung long way na sobrang long kaya hindi ko alam kung kelan ako makakarating doon sa crossroads. Yung point kung saan magkakasalubong ulit yung landas namin.

"Talagang future girlfriend? Eh paano kung may boyfriend na siya ngayon?"

Ouch.

"Walang ganyanan! Wag niyong ipanalangin yan baka gusto niyong masapak!"

"Pre, hindi naman malayong mangyari yun. Sa tingin mo ba eh nagkagusto yung babaeng yun sayo? Paano kung wala ka lang. Isang lalaking nanlibre sa kanya ng ice cream. Pwede naman yun di ba? Mas makatotohanan pa nga na nakalimutan ka na niya."

Ewan ko ba. Kaibigan ko ba talaga itong mga hayop na ito? Kitang brokenhearted na nga yung kaibigan nila eh sige lang sige sa pagpapasama pala lalo ng loob ko. Walang masama sa pangangarap. Eh di kung hindi talaga siya yung babeng para sa akin eh di hindi. Malamang may darating namang bago. Pero ngayon alam kong siya yung babaeng para sa akin.

"Nararamdaman ko na kami talaga, okay?"

"Takte. Nababakla ka na, pre!" tapos nagtawanan na naman sila

"Paano kung yung second day na nagkita kayo eh yung once in a life time chance mo? Kung baga sa mga dating sims eh yung tanong na "Anong pangalan mo?" at yung sagot mo ang magiging basehan kung kayo talaga sa dulo. Pwede ngang magkita ulit kayo pero yung path niyo eh hindi na "path of love" baka kakilala na lang."

"Ah, Glenn okay naman yang mga sinabi mo kaso parang mas okay pa nga yung makita mo yung babaeng gusto mo sa may LRT kaysa yung maglaro lang ng mga dating sims. " sabi ni Klein

"Hindi ako naglalaro ng mga ganun! Dati lang!"

"Kung makaasar kayo diyan sa akin akala niyo naman may mga lovelife kayo! Pare-parehas lang naman tayo."

"Pare, single kami dahil gusto namin. It's not just girls who want to have fun! Syempre tayo ring mga boys! Saka pre lovelife mo na lang ang problemahin mo. Sasakit lang ulo mo kapag prinoblema mo pa pati yung amin."

Love Rail TransitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon