LRT1: Falling

461 7 2
                                    

"Anak, umuwi ka sa Cavite ngayon."

"Bakit naman Ma, hassle umuwi eh. Nakakapagod."

"Sige na umuwi ka na. Ngayon  lang naman eh. Birthday ng kapatid mo."

"Sige po."

Pumayag na rin ako kasi minsan na lang akong makakain ng masarap na pagkain. Ngayong nagdodorm na ako laging tinapay at chichirya na lang ang kinakain ko. Magkakasakit na ata ako eh. Minsan hindi na ako kumakain kasi kapag kumain naman ako baka maubos ko yung pagkain sa dorm.

"Lara, uwi muna akong Cavite ah."

"Uuwi ka? Wednesday palang ah?"

"Oo eh. Si Mama kasi pinapauwi ako."

"Uhm. Sige, pasalubong ah."

"Pasalubong? As if naman tourist area yung lugar natin. Haha. Sige, try kong magdala ng cake."

"Yey!"

Sumakay na ako ng jeep papuntang Doroteo Jose Station. Teka. Saan ba mas magandang sumakay? Tayuman, Carriedo, D. Jose o Central? Napag-isipan ko na sa Doroteo Jose na lang talaga sumakay. Maglalakad pa ako kapag sa Central ako sumakay eh tapos naman kapag sa Tayuman mapapalayo pa ako.

Nandoon na ako sa station ng tren. Parang naririnig ko na yung tren ah.

Shocks! Yung tren nga andyan na!

Pinasok ko na kaagad yung card ko kasi nakabili na ako nung Stored Value Card last week noong pumunta kami ng Araneta. Mas okay kasi kung yung sa LRT-1 yung bibilhin ko eh.

Wag niyo nang alamin kung ano yung ginawa ko sa Araneta.

Kabaliwan ko lang.

"Wait lang po! Wait lang!"

Sayang kasi hindi puno yung tren.

Tapos itinapon ko yung sarili ko papunta sa loob.

Toot Toot

Sumara na yung pinto. Whew! Success!

Pagtingin ko sa harapan ko....

Nakita ko ang langit...

Ang gwapo nung lalaking nasa harapan ko ngayon. Sa UST ata siya nag-aaral. Ganyan yung uniform ng mga Eng Students sa UST eh. Alam? Haha. Si Lara kasi taga Eng. Tiningnan ko lang yung lalaki. Wala lang. Lagi lang akong nakatingin sa kanya.

Medyo nagkasalubong pa nga yung tingin namin kanina kaso bigla siyang umiwas.

Love Rail TransitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon