LRT5: Testing

285 5 2
                                    

“Ui. Bakit ka umiiyak?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Umiiyak na siya. Shit. Anong gagawin ko? Baka nahihirapan siyang maglakad?

Kaya ang ginawa ko eh binuhat ko siya.

“Ibaba mo na ako! Nakakahiya!”

Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dito. Eh kung titigil kaya siya sa kakasigaw baka di kami tingnan dito.

“Medyo magaan ka naman.”

Magaan naman talaga siya. Saka I’m go to the gym kaya fit ako.

“Sige na! Ibaba mo na ako!”

Aray ko naman. Ang sakit na talaga ng tenga ko kaya binaba ko na siya. Tutal naman eh nakababa na kami ng hagdan.

“Dito na lang muna tayo.”

Dinala ko na lang siya sa may Mcdo. Napagod ako sa pagbuhat sa kanya. Haha. Saka malamig kasi doon saka kung nandito naman kami sa labas eh mahahamugan lang naman kami.

“Bakit tayo nandito?”

“Mukhang kailangan mong kumain ng ice cream eh.”

Ganun yung mga palabas sa tv di ba? Binibilhan ng ice cream yung mga umiiyak? Saka kapag malungkot yung mga babae kumakain lang daw sila ng ice cream sumasaya na sila. Malay ko ba kung lahat ng babae ganun talaga.

“Ano ako bata?”

“Hindi ba?”

Ang cute niya talaga.

Naglakad na kami papasok sa McDo. Hindi ko nga alam kung ano yung problema niya at nakayuko lang siya palagi. Ganun ba ako ka-scary at natatakot na siya sa akin? Hindi naman ako pangit para mahiya siya na katabi niya ako eh.

Pumunta na ako sa counter para umorder ng ice cream tapos siya naman ay naghanap ng table para sa amin. Nakakaawa naman. Umiika-ika pa siya. Tsk3. Pero napakaswerte ko talaga ngayong araw. Di ko akalain na makikita ko siya uli. At kasama ko pa siya ngayon! Totoo ba ito?

After kong umorder eh pumunta na ako sa table namin. Iniabot ko na sa kanya yung ice cream niya.

“Ito na sundae mo.”

“Thanks.” Tapos nag-smile siya sa akin.

LOL

“Pfffffftt…”

Hindi ko napigilan matawa.

“Anong nakakatawa?”

Yung mata niya kasi namamaga tapos parang nalusaw na yung eyeliner niya. Mukha na tuloy siyang panda! Cute na nakakatakot. Haha

“Wala naman. Medyo may naalala kasi ako kanina sa school. Nakakatawa kasi yung mga blockmates ko. Kainin mo na yang sundae mo para guminhawa na yung pakiramdam mo.” Sinimulan niya naman nang kainin yung sundae niya.

Tiningnan ko lang siya. Hindi ako bumili ng akin eh. Wala ako sa mood kumain ng malamig sa malamig na gabi.

“Masakit pa ba ankle mo?” tanong ko.

“Di na masyado. Thank you pala sa pagbuhat sa akin ah. Nakakahiya talaga.”

“Okay lang.”

Nilabas ko na lang yung cellphone ko tapos kunwari may katext ako. Actually, pipicturan ko lang siya. Haha. Tiningnan ko muna kung naka-off yung sound nung shutter baka mahuli ka unggoy ako dito. Nakakahiya naman. Baka matakot na talaga siya sa akin at akalain niya na stalker ako. Kunwari nagta-type ako sa keypad. Hahaha.

Click!

Natawa na naman ako. Natatawa ako sa itura niya ngayon. Bad! Dapat nga naaawa ako eh kaso nakakatawa talaga itsura niya. Mukha talaga siyang panda.  Ewan ko ba kung anong meron sa kanya. Parang matagal ko na siyang kilala.

Love Rail TransitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon