LRT3: Finding

348 4 6
                                    

After 3 months

“Hanggang ngayon ba naman Jessica eh iniisip mo pa rin yang si Christian mo?” tanong ni Lara sa akin.

“Hindi ko na siya iniisip noh! Twice ko lang siyang nakita. Ano ako baliw? Nakalimutan ko na nga yung itsura niya eh.”

I lied. Kabisadong-kabisado ko pa rin ang mukha niya. Malinaw ko pa ring naaaninag sa isip ko ang mukha niya. Pati yung boses niyang nakapanlulumo ng tuhod eh naririnig ko pa rin. Too bad. Too bad at mukhang hindi ko na ulit siya makikita.

Sana tinanong ko na lang yung tunay niyang name! Sana hiningi ko yung number niya! Eh di sana mas nadalian ako sa paghahanap sa kanya! Ipapahanap ko na lang siya kay Lara sa Eng building. Pero ewan ko ba kung bakit ang selfish ko. Hindi ko ma-describe si Christian kay Lara. Parang gusto ko na kahit sa pangarap lang eh sa akin lang si Christian.

Actually na-describe ko naman na. Hindi niya daw ma-imagine yung itsura.

“Sabihin mo na kasi kung ano yung itsura niya! Mamaya isa siya sa mga sikat sa amin!”

Sa gwapo ba naman nung lalaking yun malamang sikat yun sa UST!

“Sinabi ko na nga sayo di ba? Gwapo, matangkad at maputi!”

“Maraming ganun sa amin, ano ka ba!”

“Yung pinakagwapo!” sabi ko naman.

“I give up! Bahala ka na nga diyan! Tinutulungan ka na ngang hanapin yung Christian Torralba mo eh. Siguro fan din yun ng Mara Clara kaya yun yung ginamit niyang name. Eeeewwww. Malamang bading yun!”

Tapos tumahimik siya bigla at sumigaw.

“O baka may syota na yun, Jessica!” may pahabol pa nga!

Eh ano naman? Hindi naman ako umaasa!

Siguro slight lang.

“Wala akong paki! Nakalimutan ko na nga yun Lara! Dapat pala hindi ko na kinwento sayo!”

“Nakalimutan? Kakabasted mo lang kay Raniel kahapon! Ano ba Sica!? Gumising ka na nga diyan sa panaginip mo!”

“Lara! Walang kinalaman si Christian doon! I’m not yet ready to be in a relationship.”

“Mare, you’re not ready kasi may hinihintay ka. Gusto mong magkapit-bisig ang universe at gumawa ng paraan para magkita ulit kayo ni Christian! Hindi na yun mangyayari! It’s been three months! Three months!”

Ano ba naman yan. The more na ipinapamukha sa akin na naghihintay ako eh the more na narerealize ko na baka nga yun ang dahilan. Baka na-in love na ako sa isang total stranger na twice ko lang nakita at once ko lang nakausap.

Baka nga nababaliw na ako.

“Lara naman…ayoko lang talaga kay Raniel. He’s a good guy but…”

“He’s not your Christian.”

Yeah

“No! Wag mong ipagpilitan yan! Ay basta! Makauwi na nga muna!”

“Magbu-bus ka?”

“Oo! Anamang mag-LRT ako eh ang laki nitong bag ko tapos naghihingalo pa.”

“Siguraduhin mo lang na magbu-bus ka.”

“Oo nga! Dyahe kapag nag-LRT ako noh. Saka tingnan mo naman ang itsura ko. Oversized sweater, leggings, nerdy glasses at buhok na di man lang nasusuklay. Paano kung ngayon ko ulit makita si Christian eh ang panget ko naman! Kakahiya noh!”

“Yan din yung itsura mo nung nakita mo siya! Asa ka namang ang ganda-ganda mo nung araw na yun!”

“Che! Kbye!”

Love Rail TransitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon