"Bye James." Matigas na salita ko at pigil ng luha ko. Ayokong umalis na nakikita niyang umiiyak. Ilang buwan na rin naman akong umiiyak mag-isa at nagpapanggap na kayo ko ang nagiging takbo ng buhay namin bilang mag-asawa pero ngayon na ang sukdulan. Hindi ko na kayang umaktong hindi alam ang mga panloloko niya. Mahal ko si James pero sa palagay ko ay hindi ako sapat para sa kanya. Hindi na sapat ang sarili ko at pagmamahal ko.
"Leah!" Hawak pa nito sa braso ko. Tiningnan ko ang pagkakahawak niya sa braso ko bago ko siya tiningnan. "I told you I am not seeing her anymore."
Huminga ako ng malalim. Hanggang sa pinakahuling pagkakataon ay niloloko pa rin niya ako. Pero atleast ngayon inamin niya na may babae nga siya na pilit niyang tinatanggi sa akin noon.
"Tama na, James." Tingin ko sa mga mata ng lalakeng minahal ko at minamahal ko pa rin hanggang ngayon. Pero alam kong dapat ko ng itigil.
"Leah...nagsasabi ako sa'yo ng totoo. Hindi na kami nagkikita ni Eve. Babe please." Niyakap pa ako nito. Nagpayakap na lang ako sa kanya sa huling pagkakataon. "Pag-usapan natin ito Leah. Ikaw lang ang...ikaw lang." Huminga ako ng malalim. Ni hindi niya nga masabi na mahal niya ako at alam kong hindi niya ako mahal. Sa simula palang ay alam ko na. Marahan kumawala ako sa pagkakayakap niya at kusa na rin niya akong pinakawalan. Sinapo ko ang pisngi niya at hinilig niya naman ang mukha niya sa palad ko. "Huwag mo akong iwan, Leah...babe...." Pagmamakaawa pa nito. "I will change...please huwag kang umalis...babe."
"James, kailangan mo talagang magbago." Haplos ko ng pisngi niya. "Kailangan mong magbago para sa sarili mo and trust me hindi ka magbabago habang nandito ako. Babalik ka pa rin kay Eve, sasaktan mo ulit ako dahil hindi naman ako naging sapat sa'yo. I never will. Magsimula ka na ng bago. At sa pagbabagong buhay mo..." Pigil na pigil ako sa luha ko pero kumawala pa rin. "Hindi na ako kasama. Ayoko na. Sobrang sakit na..." Lumayo na ako kay James at aakto pa itong lalapit sa akin. "Bye James. Sana maging masaya ka na."
Tuloy-tuloy na ang luha na kumawala sa mata ko at tumakbo ako papalayo. Nakaabang na sa labas ang taxi na tinawag ko at sumakay roon. Sinarado ko agad ang pinto at humabol si James at pinagpapalo ang salamin ng kotse.
"Leah! Buksan mo 'to! Leah! Please, bumaba ka diyan!"
"Umalis na po tayo." Salita ko sa driver at tumingin lang ito sa akin at tumango. Humarurot na ang kotse. Sinulyapan ko sa may rear view mirror si James at tumatakbo ito para habulin ako pero tumigil na rin ito dahil alam niyang hindi na nito mahahabol ang kotse.
"Bye James."
BINABASA MO ANG
Love On Canvas
RomanceLife is a series of choices we make and love is a big part of it. Like a new canvas that is ready to be painted-- the people that we've met that loved, hurt us and touched our lives brought strokes of different light and shade colors that decorated...