Canvas 28 - Monochromatic Affection

1.9K 104 27
                                    

Bumangon ako sa kama at bumaling sa air ticket na nasa bedside table ko. An open ticket back to Manila. Napabuntong hininga na lamang ako.

I dreamt of Jared last night. I dreamt of him leaving. Hindi ko alam bakit siya umalis pero sa panaginip ko ay magkasama kami ng magpaalam siya at iniwan akong mag-isa. Hindi ko maintindihan ang sakit sa dibdib ko paggising at ng mga mata ko. Huwag mong sabibin umiyak talaga ako sa panaginip?

Tumayo ako at kaagad nagpuntang toilet at nakita ko ang sarili ko sa salamin. Maga nga ang mga mata ko at palagay ko ay dahil ito sa pag-iyak. Sa panaginip kasi ay ramdam ko ang sakit na iniwan niya ako. And I can still feel the feeling now. Parang ito lang iyon pakiramdam noon nawala siya...hindi, palagay ko ay worse ito. Pero panaginip lang iyon. Kahit panaginip ay ganito ako kaapektado?

I showered but thoughts of him still lingered in my head. I remember our conversation last night. Time. Iyon ang hiling ko kay Jared sa proposal niya. Nagdadalawang isip pa rin ako sa pananatili ko sa isla na ito at bukod pa doon ay ang gusto niyang mangyari. Mahirap sa akin pumayag na makasama siya. It will surely bring back memories of my cohabitation with James. And it scares me. It scares me to let go of myself and let me freely feel something for him. Aminado naman akong may nararamdaman ako kay Jared pero binigyan ko ng boundary ang sarili ko. Nakakatakot na may magustuhan ka ng sobra, pero mas nakakatakot ang magmamahal, nakakatakot na malunod sa pagmamahal. Kaya as much as possible gusto kong manatili lamang sa may boundary na iyon. Pero hindi ganoon kadali lalo na at nakikita ko ang sincerity ni Jared. Hindi ko maitatanggi ang sinseridad ng nararamdanan niya at ng mga ginagawa niya. Kung manhid at bulag lang sana ako ay hindi ako magdadalawang-isip ng ganito.

Lumabas na ako ng bahay pagkaayos ko at sinarhan ang pinto. Maaga pa at malamig ang simoy ng hangin dahil tag-ulan na at ilang araw ng nag-uulan ngayon. Huminga ako ng malalim ng marinig ko naman ang pagbukas ng pintuan ni Jared.

Bagong ligo rin ito. Tumingin siya sa akin at alangan ngingiti ito o sisimangot. Alam kong maaring masama ang loob niya o nagtatampo siya sa hiningi kong panahon na pag-iisip. Gusto kasi nito ay magdesisyon ako instantly at hindi ko kayang ibigay sa kanya ang sagot ko ng madalian.

Kagabi nga noon inihatid niya ako sa bahay ay pinipilit niyang pumasok sa bahay at matulog. Hindi naman raw niya ako tatabihan at sa sofa siya matutulog. Ang gusto niya raw ay magkasama kami at na protektahan ako. Pero hindi ko siya pinayagan. Alam kong wala naman gagawin si Jared sa akin na hindi ko gusto. He is in a way sweet. Pero hindi kasi ako pwedeng magpadala ng ganun-ganun lang. From the experiences that I've been through, I should know better.

"Good Morning." Bati nito sa akin habang naglalakad. Nilagpasan na niya ako at sinundan ko na lang siya ng tingin. Napabuntong hininga ako. Mabigat sa dibdib na makita kong malamig siya sa akin.

Hinintay ko muna ang ilang minuto bago maglakad ulit. Baka kasi maabutan ko siya sa daan at makita ko na naman ang hindi niya maipintang mukha. Mas nalulungkot ako kapag nakikita ko siyang malungkot pero wala akong magawa. I really need time to think.

...

Dumaan ako sa damuhan kung saan nandoon ang mga baka ni David. Nandoon pa rin ang mga baka niya at napangiti ako. Kahit kailan talaga ay hindi ako magsasawa sa sight na ito. A country life. Hindi ko ito pinangarap noon pero sa pagtira ko rito at pakikihalubilo ko sa mga tao ay nagustuhan ko ito. There is so much beauty in the simplicity of life here.

Namataan ko naman si David sa di kalayuan. Tatawagin ko sana ito ng mapansin kong may kasama ito. Si Jared. Mukhang nagkukwento si David rito at animated ito na nag-aaksyon sa harapan ni Jared. Tumawa si Jared kahit hindi ko rinig ang halakhak niya pero bakas ko iyon sa kinaroroonan ko. Maya-maya pa ay ginulo ni Jared ang buhok ni David.

Love On CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon