"Good Morning." Lumingon naman ako at nakita ko si Jared. Bagong ligo ito at palagay ko ang dala niya ay basura. Kakatapon ko lang ng mga basura sa basurahan, ang amin basurahan dahil kami lang ang nagtatapon rito at palagay ko ay especially made ito ng landlord ko dahil kami lang sa neighborhood ang meroon ganito.
"Good morning kuya." Bati ko. Ngumiti siya sa akin. His eyes say his happy. Halata ko iyon. Palagay ko naman ay so much has changed to our everyday interaction after he had recovered from his sickness. Hindi ko rin alam kung bakit. Inalis ko na lang din sa isip ko kung anong nangyari noong umaga na magkatabi na pala kami sa kama dahil kung hindi ay hindi ko siya makakausap ng ayos. Sa palagay ko naman kasi ay wala itong kaalam-alam. He was sleeping and all those things that he did was because of the dream.
"Bago na ang morning routine mo?" Tanong naman nito.
"Routine?" Pagtataka ko.
"Yup, usually kasi gabi ka nagtatapon ng basura di ba?"
"Ah...nagtapon na ako kagabi. Marami kasi akong kalat." Marami akong tinapon na discarded na canvas at mga tubes ng paint. Hinayaan ko na lang na nakabukas ang basurahan. "Hahakutin mo na?"
"Oo." Sinama na niya ang basura niya at hinila at inayos niya ang itim na plastik sa drum at binuhol iyon. "Wala naman ibang hahakot."
"Pu-pwede tayong magtake turns." Suhestiyon ko. Tinaasan lang ako nito ng kilay.
"Sure ka mahal na prinsesa? Baka di mo kayanin. Bukod sa basura ito at considered na 'madumi' ay mabigat pa."
"Mabigat? Isang araw lang naman lagi ang basura natin. Tsaka, tayo na ata ang may pinakamalinis na basura at basurahan." Komento ko at tumango ito bilang pagsang-ayon. But no joke, our trash bin is as hygienic as it can be. "Sige na. Schedule na natin." Tiningnan lang ako ni Jared na nakangiti. Tapos maya-maya ay umiling.
"Hindi na. Kaya ko na."
"Hindi sa ganoon, kuya. Kailangan din siyempre akong tumulong." Tiningnan lang ulit ako nito ng mabuti bago nagpasilay ito ngiti.
"Samahan mo na lang akong magtapon ng basura tuwing umaga."
"Ayoko ng ganoon. Parang wala rin ang ang salitan natin. Para makatulog ka rin ng mas mahaba sa mga araw na ako ang maghahakot."
"Ang pilit mo rin ano?" Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Umiling lang ito. "Pag-iisipan ko."
"Sure." Salita ko. "Pero dapat makapagdecide ka na agad bago magbukas kasi simula na ng shift ko bukas pagnagkataon." Tumawa naman ito.
"Ang kulit." Salita nito. "Samahan mo na akong magtapon para alam mo kung saan." Ngumiti ako ng malaki. The argument is won!
Dinala niya ang plastic ng basura habang magkapantay kaming naglalakad. Maaga palang at wala pang masyadong taong gising. Pero nakita ko naman ang bata na nagpapastol ng baka sa may damuhan. Laging maaga ang batang ito. Lumapit naman ito sa akin.
"Hi Ate Ganda. Mas maganda ka pa sa umaga." Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Magandang umaga rin." Ngiti ko.
"Hoy David, masyado ka pang bata para mambola." Binatukan naman ni Jared ang dahon na sumbrero nito. "Magtapos ka muna." At pinagalitan pa nito ang bata.
"Hindi po ako nambobola Kuya Red. Maganda naman po talaga si Ate Ganda. Usap-usapan nga po siya nila kuya doon sa vanua. Sabi nila na siya raw ang pinakamagandang babaeng dumaong sa isla."
"Kuya Totoy mo?" Tanong ni Jared na nakakunot pa ang noo.
"Opo."
"Mga kabataan nga naman talaga ngayon." Umiling pa ito.
BINABASA MO ANG
Love On Canvas
RomanceLife is a series of choices we make and love is a big part of it. Like a new canvas that is ready to be painted-- the people that we've met that loved, hurt us and touched our lives brought strokes of different light and shade colors that decorated...