Canvas 11 - Green buds of friendship

1.6K 78 20
                                    

I woke earlier than as usual. Nagpainit na agad ako ng tubig at gumawa ng sarili kong instant coffee. Dalawa ang ginawa ko at nilagay ko sa mesa at pinagmasdan mabuti iyon.

Kakatukin ko ba si Jared? Baka natutulog pa ito dahil kagabi. Ang kanina pang tumatakbo sa utak ko habang pinagmamadan ko ang mug ng kape. Humigop na lang ulit ako ng kape at napansin ko naman sa may bintana si Chris na parating. Kaagad akong nagpuntang pinto at binuksan iyon. Tila gulat ito ng makita ako.

"Leah." Salita nito pero kahit gulat ay ngumiti pa rin ito. "Magandang umaga."

"Magandang umaga rin." Bati ko.

"Gising na ba ang higante?" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Hindi ko rin alam. Hindi ko naman siya nakitang lumabas." Sagot ko at tumango naman si Chris. "Pupuntahan mo siya?"

"Oo, kakamustahin. Mukhang may problema ang kaibigan natin." Pinagmasdan ko lang mabuti si Chris dahil sa sinabi niya at sa amount ng concern meroon ito kay Jared.

"Gusto mong maghintay sa loob." Tanong ko at umiling lang ito.

"Dito na lang ako sa labas." Tumango na lang ako.

"Coffee?" Tumingin muna ito ng ilang sandali bago nagpamalas ng maganda niyang ngiti. Pumasok na ako sa bahay at kinuha ang kape na dapat ay kay Jared.

"Maraming salamat. Ang ganda nga naman ng umaga ko." Inirapan ko na lang ito sa komento niya pero ngumiti rin ako. Tumawa naman ito.

Bumalik ako sa loob ng bahay at kumuha ng plastic na upuan sa loob. Nagulat naman si Chris sa ginawa ko.

"Samahan kita." Salita ko at sinuklian ako nito ng ngiti. Naupo na kami sa tapat ng bahay at uminom ng kape ng may dumaan naglalako ng pandesal at bumili si Chris.

"Ang sarap nga pala talaga ng ganito sa umaga." Napatingin naman ako habang ngumunguya sa sinabi niya.

"Ang alin?" Inubos ko muna ang nginunguya ko bago ako nagsalita.

"Iyon may kasabay mag-almusal." Napatitig naman ako sa sinabi niya. Mornings with James were crazy. Ang hirap niyang gisingin. Napailing na naman ako. Not again Leah. Not again please!

"Then look for someone that you can share breakfast with every morning." Sagot ko sa kanya. Tiningnan ko lang si Chris at hindi na ito nakatingin sa akin. Kumakain lang ito ng tinapay at nakatingin sa malayo.

Palagay ko naman ay mas matanda sa akin ng ilang taon si Chris at nakakapagtaka na wala pa itong pamilya hanggang ngayon. Lalo naman si Jared. He is ten years older than me but then he is still single. What's wrong with men on this island? Commitment issue?

"I already found her." Nagising naman ako sa iniisip ko dahil nagsalita si Chris. Lumingon ito sa akin at ngumiti.

"Then?" He was smiling but I found a glint of sadness in his eyes. Kung lungkot nga ba ang nakita ko.

"They're gone. Nandoon na sila sa paraiso." Nakatingin lang sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman inaasahan iyon. At 'they're gone'? Anong ibig sabihin noon?

"I'm sorry." Pahayag ko. Hindi ko lubos maisip na may ganoon karanasan si Chris.

"It's okay. You don't have to be sorry." Ngumiti ulit ito pero ngayon ay wala ng bakas ng lungkot sa mga mata niya. He is now again the same happy and goofy Chris who can become a toothpaste model. "My wife and my baby are sure happy now in paradise and we will meet again. I'm sure of it." Ngumiti pa ito ng mas malaki at nakita ko naman ang biloy sa pisngi niya na ngayon ko lang napansin. I was looking for bitterness and pain but I can't find any. His wife and baby were taken from him too early. My goodness!

Love On CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon