All are set. Isa na lang ang kulang. Siya. Nangisda ito ng gabi at madaling araw ang balik nito. Mga tanghali ito magigising para kaumain at nagluto ako ng spaghetti. Balak ko siyang yayain kumain ngayon sa bahay at para na rin magpaturo sa kanya ng adobo. Naalala ko naman ang tinapong adobo noon isang linggo. Sayang talaga iyon. At iyon araw na rin na iyon ang huli kong pagkakita kay Jared. Sabi ni Chris ay baka bumalik na ito sa pangingisda ng gabi sa buong isang linggo. Hindi kasi palagian ang pangingisda ni Jared kaya nakakapagtakang nangingisda ito ng gabi-gabi ngayon.
It is already twelve noon but there is no Jared in sight. Normally, it would be at eleven forty five that he will go out and buy his food but still no Jared.
It is already two and there is still no Jared. Wala akong nadatnan ni anino niya at kumain na lang ako ng spaghetti na mag-isa. Mas masarap na at al dente na ang pasta ko at mas improved na rin ang sauce. Kaso wala para rin siya.
I waited for another hour and then another hour busying myself painting. Matatapos ko na ang sunset na pinipinta ko pero kahit maganda na ang kulay nito pero pakiramdam ko ay may kulang. There is something missing in this art. Something. Lumayo ako ng kaunti para tingnan sa ibang perspective ang ginawa ko. The lighting and shading are all in their supposed to places. The sun's color as well as the sea has it's beautiful color spectrum but something is a amiss. Napatingin naman ako sa bangka. Sa bangka na nasa pampang. Meroon talagang kulang.
...
Dapit-hapon na ng magpunta akong dalampasigan. Naupo ako sa dating pwesto na inuupuan ko malayo sa tubig ng dagat pero malapit para matanaw ang kagandahan nito.Ilang minuto na lang ay sasapit na uli ang paglubog ng araw. This is the exact scene in my painting. The moment when the sun touches the sea and the sea reflects different colors of the dying sun. The scene is very beautiful. And to one man, this scene is a reminder of heartache. Just like now. Jared.
Hindi ko alam kung saan siya galing pero pansin ko ang paglapit ng bangka niya sa pampang. Imposibleng nangisda ito dahil kagabi ay lumabas siya. Pero hindi ko na dapat pinapakaialaman iyon. Hinila na niya ang bangka niya papunta kung saan niya iyon nilalagay iyon at may ilang kalalakihan pa ng tinulungan siya sa pagbuhat matapos ay umalis din ang mga ito. May binitbit si Jared na kung ano sa likod. Malaki ito at nasa isang lagayan itim. Maya-maya pa ay tumalikod na ito at humarap naman sa may araw. He is always looking at the sunset. Then it struck me. I know now what is missing in my painting. Napangiti naman ako sa realization.
I followed him as he walked the familiar steps going to the wooden wharf. He stopped at the end of the wharf. Nakatayo lang ito doon at binaba ang buhat niya sa likod na malaki sa may kahoy. Ano naman kaya ang gagawin ni Jared ngayon? Akala ko ay uupo na ito pero tumalikod na ulit ito sa araw at iniwan ang dala-dala niya at naglakad palayo sa wharf. I thought he was heading to his boat but I was wrong. He is heading into my direction! Naalarma naman ako. Kaagad akong tumayo at hindi alam ang gagawin. Nagmadali kong inayos ang sketchpad at ang lapis ko at magsisimula na sana akong humakbang paalis ng marinig ko ang boses niya.
"Leah!" He called. Tumigil ako in a split second. Nag-isip ako kung magpapanggap na lang ako kunwari na hindi ko siya narinig. But why will I do that? Actually kanina ko pa nga siya hinihintay at ngayon nakita ko na siya ay aalis ako? With all that reasons in mind, humarap na ako sa kanya bago pa man ako makapag-isip ng nonsense na bagay. He is getting nearer. And I waited for him to reach me as I looked at him looking at me with his undeniably intense gaze. He smiled or so I imagined? Hindi ko alam kung ngiti nga iyon because his eyes were not smiling.
"Kuya."Tawag ko ng tumigil na siya malapit sa akin. "Ka-kamusta? Any-anything?"
"Sabi ko na nga ba ikaw iyan. Natanaw na kita mula sa malayo." At kanina pa pala niya ako nakita. "Anong ginagawa--oh..." Tingin naman nito sa sketch pad na hawak ko. "The artist at work?" Tumango na lang ako. "Nainspire ka ba sa sunset?" Tumango ako. "Maganda nga ang paglubog ng araw sa lugar na ito." Lumingon naman siya at tumingin sa paglubog ng araw. "This is my favorite place looking at the sunset."
BINABASA MO ANG
Love On Canvas
RomanceLife is a series of choices we make and love is a big part of it. Like a new canvas that is ready to be painted-- the people that we've met that loved, hurt us and touched our lives brought strokes of different light and shade colors that decorated...