Nagising ako sa pagkatok sa labas. Tiningnan ko ang relos ko at nakita ko na alas-siete na ng umaga. Gusto ko pa sanang matulog dahil napuyat ako kaka-sketch kagabi pero mukhang hindi ako hahayaan ng tao sa labas kung paano ito makakatok na matulog pa ng mas mahaba.
Hindi ko naman inaasahan ang tao sa may pinto. Si Jared at mukha itong galit. Teka, huwag mo naman sabihin nagsisigaw na naman ako kagabi? Pero wala naman akong maalalang masamang panaginip.
Inayos ko muna ang buhok ko bago binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang nakakunot na noo nito.
"Anong oras na?! Di ba ang usapan alas-siete. Alas siete na nandito ka pa rin?" Napausod ako palayo rito dahil sa inis nito.
"Ano bang sinasabi mo?" Umiling ito.
"Iyon lakad ngayon araw. Ano ba? Nasaan ba ang utak mo?" Jared and his rude words. A very good morning indeed.
"Lakad?" Naalala ko na. Biyernes ngayon at iyon sinabi ni Chris. "Hindi ako sasama." Salita ko at halata ko ang lalong pagkainis nito.
"Pinabalik-balik ako ni Chris dito for nothing?" Inis na anas nito. "Hindi." Halukipkip pa nito ng braso sa dibdib. "Mag-ayos ka. Sasama ka sa akin."
"Ayoko nga. I slept late last night. I don't have the energy today." Paliwanag ko.
"Energy? Mag-ayos ka, kukuha kita ng energy."
"Kuya ayo--"
"Mag-ayos ka kung ayaw mong kaladkarin kita. Hindi ako nagpunta rito para sa wala."
"You are rude you know." Naiinis ako dahil ganito kaaga ay ganito ito. Okay naman ito paminsan-minsan pero ewan ko ba at may pagkamoody siya.
"Sorry po mahal na prinsesa." Sarcastic na salita nito. "Sige na Leah, please. Mainipin akong tao at ayokong pinaghihintay ako ng matagal. So please."
"Ayoko nga." Matigas na salita ko.
"Sumang-ayon ka kay Chris tapos ngayon ay aatras ka. Tama ba iyon?" Natigilan naman ako sa sinabi nito. Hindi ito sarcastic o condescending. Para naman itong si Daddy na sinasabihan ako. Ngayon ko lang narinig sa kanya ang ganitong tono ng pananalita. "Pinaasa mo lang pala si Chris."
"Hindi sa ganoon..."
"Eh ano? Sa nakikita ko ngayon ay ganoon." Napabuntong hininga na lang ako. Naisip ko naman si Chris at ang pagkadismaya niya sa akin kung di ako pupunta. Bakit nga ba ako sumang-ayon? Dahil nga pala sa pabor na hindi niya sabihin na ako ang pumasok sa bahay ni Jared. Pero in the end natuklasan rin naman ni Jared na ako ang culprit.
"Okay... give me fifteen minutes."
Nagmadali akong naligo at nag-ayos at nagsuot ng shorts at shirt. Pinusod ko nalang ang basang buhok ko. Madalian pag-aayos dahil si Jared ay nasa labas ng bahay at naghihintay. Tumingin ako sa relo ko at eksaktong fifteen minutes ng lumabas ako ng pinto. Hindi na ako nakapagkape man lang.
"I'm done. Let's go." Bungad ko sa kanya at tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa. Nakamaong shorts lang ako, while sleeveless top, tsinelas at backpack para sa mga drawing materials ko at kung anu-anong abubot. "Hindi ba appropriate? Gusto mo bang magpalit ako?" Hindi naman kasi sinabi ni Chris kung ano bang dapat na suot. Tiningnan ko naman ang suot ni Jared at nakashorts, t-shirt at tsinelas lang din naman siya.
"Bakasyunitang-bakasyonista ha." Salita pa nito at umiling-iling pa. "Energy as requested by the princess." May inabot naman ito sa akin dalawang Snickers bar. Napangiti ako.
"Thank you." Hindi na ito nagsalita at kumain na lang din ako ng binigay niyang tsokolate.
Narating na namin ang pampang and I was looking for Chris and the other people he told that were coming but noone was there except for a few kids that were playing.
BINABASA MO ANG
Love On Canvas
RomansLife is a series of choices we make and love is a big part of it. Like a new canvas that is ready to be painted-- the people that we've met that loved, hurt us and touched our lives brought strokes of different light and shade colors that decorated...