Canvas 4 - Third Coat: Purple for Suffering

2.1K 98 18
                                    

"I want to Daddy, don't worry." Tumingin ako kay Daddy at tumingin ito kay Mommy. Papunta kami sa lugar kung saan ibibigay ko ang statement ko at kung saan papanuorin ko ang mga pinagsusupetshan.

"Pwede naman kasing papuntahin na lang natin ang imbestigador para sa statement mo anak."

"It's okay, Dad. Gusto ko rin mapanuod ang imbestigasyon. Baka may maalala ako kapag nangyari iyon." Iyon lang naman kasi ang nakikita kong paraan para makaaalala ako.

Tumahimik si Daddy sa sinabi ko samantalang kanina pa hindi nagsasalita ang Mommy ko. I can see the worriness in her eyes. Bago umalis ng bahay ay halata ko ang pagiging aligaga ni Mommy na seldom kong makita. Mommy is always prim and proper, a true lady of class where you cannot see her emotions controlling her but right now I can say that she is a mess and it is all because of me.

Hinawakan ko ang kamay ni Mommy at tiningnan ako nitong mabuti.

"Mommy, I am going to be okay. Gusto ko na pong matapos ang lahat ng ito at gusto ko pong first hand na may malaman dito. Hindi ko man maalala ang talagang nangyari pero ang iilang detalye na pwede kong ipagbigay alam ay kailangan kong sabihin, Mommy. Don't worry, Mommy." Pinisil ni Mommy ang kamay ko at hindi nagsalita. Alam kong nag-aalala itong mabuti kaya ganito siya.

The chauffeur opened the door and there were media surrounding us. Hindi ako sikat na tao pero kabilang ang Mommy ko sa mga kilalang tao, bilang isang Lopez, at isa sa nagmamay-ari ng sikat na istasyon sa telebisyon. At dahil doon hindi ko akalain na magiging high profile ang kaso ko.

May mga nag-usher sa amin sa loob ng lugar kung saan kukuhanan ako ng statement. Buti na lang na hindi pinapasok ang media doon. Kaagad kaming pinapunta sa isang kwarto at may isang babae na nandoon. Hindi ito nakauniporme pero halata mo ang tikas nito na isa itong officer na may kataasan ang ranggo. Naupo ako sa tapat ng mesa na kinaroroonan niya samantalang si Mommy ay nasa tabi ko at si Daddy ay nasa kabilang upuan katapat ko.

"Good Morning Ms Leah Robles. Senior Inspector Lily Villahermosa po. Maari na po ba tayong magsimula?" Tumango ako.

"Pwede niyo po bang isalaysay ang nangyari sa inyo sa buong araw noon ika-anim ng Pebrero." Tumango ako matapos ay tumingin kay Daddy. Tumango rin ito sa akin.

"Isa pong karaniwang araw iyon...Karaniwan araw ng trabaho at nagmaneho ako patungong gallery kung saan ako nagtatrabaho." Panimula ko.

"And this Aedan Reyes was stalking him." Natigilan naman ako ng sumingit si Daddy. Tumingin ako sa babaeng imbestigador at ngumiti ito ng maliit.

"Mr. Robles, pasensiya na po pero mas mabuti po na manggaling kay Ms Leah ang statement na ito. Dahil pipirmahan niya po ito gaya po ng magbigay kayo ng statement sa amin." Tumango si Daddy sa sinabi ng babae.

Nagpatuloy ako sa pagsalaysay sa nangyari noon araw na iyon simula umaga pagpasok ko at ang encounter ko kay Aedan, ang pagmamall namin ni Tina at ang pagkakita namin kina Eve at ang pinsan niya hanggang sa pag-uwi ko noon gabi.

"Ano nga pong kulay ng kotse ulit?" Tanong ng babaeng imbestigador sa akin.

"Kulay itim po." Pagkumpirma ko pa.

"Naalala niyo ba kung anung tatak o modelo ito?" Umiling ako. Ang tanging naalala ko lang ay ang itim na kotse. "At nasabi niyo na sinira ang painting niyong na binigay ng iyong ama na si Mr Robles. Ano pong klaseng painting ito?"

"Painting po ito ng dalawang magkasintahan na nakaupo sa buhanginan at nakatingin sa sunset." Tumango lang ang babae.

"And then what happened?"

"Noon nakita ko po iyon naalarma ako. Kaagad ko pong kinuha ang phone na nasa side table ng sofa ko at ng nasa akto na ako ng pagdial ng phone number ni Daddy may humigit sa akin mula sa likod at tinakpan ang ilong ko. Then everything went black."

Love On CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon