One

153 7 3
                                    


Ayesha

"SUNOG," nagulat ako nang makarinig akong sumigaw na may sunog. Sa sobrang pagkabigla ko ay napagulong ako sa kama at nahulog ng tuluyan.

"Ouch," daing ko at sinapo ko ang masakit kong balakang. Shems, ang sakit ng balakang ko. Mali pa ata ang pagkakabagsak ko. Nakarinig ako ng tawa. Nainis ako dahil kilala ko kung sino yun at bakit may sumisigaw ng sunog.

"Good morning, Ayesha," natatawa pa nitong sabi. Naiinis ako dahil ginamit nanaman niya ang salitang 'Sunog' para lang magising ako.

"I hate you. Bad ang morning ko kaya wag mokong tawanan," mataray kong sabi sa kanya. Yeah... Kahit na sino yan tatarayan ko pa rin yan. Walang exemption ang katarayan ko.

"I love you too, Ayesha," nakangising sabi nito. Kinuha ko ang katabi kong unan at binato ko sa kanya pero malas lang at nakatakbo na pala siya paalis ng kuwarto ko. Humiga uli ako sa kama at pumikit nagbabakasakaling makatulog uli but hell. Di na ako makatulog. Sa sobrang frustration ko ay tumayo na ako at ginawa ang morning routine ko kahit maaga pa.

- After 1 hour -

Natapos na ako. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na para makapag almusal at masapak ang babaitang yon.

By the way my name is Ayesha Chancery R. Park. Mabait ako, slight lang. Mataray at higit sa lahat maganda ako.

Pagkababa ko ay nakita ko siyang kumakain. Tiningnan ko ang ulam. Bigla akong natakam dahil favorite ko ang ulam namin ngayon at siyempre walang iba kundi ang kaldereta.

"Good morning uli. Halika kain kana. Malalate na tayo niyan sa klase natin," sabi ni Autumn. She is Autumn Brooks, my best friend since childhood. Hindi halata dahil parang aso't pusa kami pero loves ko yan. Maganda siya kaso lang napaka childish. Akalain niyo yun nakatagal ako dito kay Autumn at sobrang opposite ng ugali namin. Nakatira kami sa isang condo na pagmamay ari ni Autumn dito sa Germany.

"Sandali, sino nagluto nitong kaldereta? Ang alam ko hindi ka marunong magluto at kapag nagluto ka aasahan ko nang masusunog ang buong kitchen sayo," nakangisi kong sabi. Hard ba? Ganyan lang talaga ako kapag bad mood ako.

"Hindi mo na ba ako mapapatawad?" and here we go again nagpapacute nanaman. Napailing nalang ako at kumain na.

"Hey, hindi kita titigilan hangga't dimo ko napapatawad," parang bata nitong sabi. Hay buhay parang ilog ng nile sa ehipto!

"Oo na, basta bilisin mo na sa pagkain at malalate na tayo sa klase. Buti at si kuya Drake ang teacher natin ngayon kundi nako."

Pagkasbi ko nun ay binilisan na niya ang kain pati na rin ako siyempre at pagkatapos namin kumain ay umalis na kami.

- After 30 minutes -

Nandito na kami sa school at kasalukuyang tumatakbo nung biglang may sumulpot sa harapan namin ni Autumn. At ang kinalabasan...

*Booggsshh*

"Aray!/Ouch!" sabay na sabi namin. Ang sakit ng noo ko. Nagkauntugan pa kami. April fools ba ngayon at kung oo bakit di ako na inform?

"Ayesha, okay kalang?" tanong niya sa akin na may pag aalala. Nainis ako lalo dahil sa tanong niya. Ikaw kaya makipag untugan sinong magiging okay?

From Girl To BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon