Six

58 6 6
                                    



Yohan

Nagising ako dahil may ingay na naririnig ako sa paligid ko. Minulat ko ang mata ko tapos napapikit rin. Arghh inaantok pa ako.

"Yohan! Gumising kana. First day natin ngayon. Saka baka malate tayo." Narinig oong sabi ni August sa akin. Minulat ko uli mata ko saka umupo. Kinukusot kusot ko pa mata ko nung makita ko siyang nag bibihis. Pagkatapos niyang magbihis ay humarap siya sa akin.

"Okay lang ba?" Sabi niya sa akin. Napatango naman ako. Ang ganda nung uniform namin. All black siya at may lining na kulay puti sa gilid. Long sleeve at sa loob ay puting long sleeve din.

May binigay siyang isang box na malaki na pinagtaka ko naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May binigay siyang isang box na malaki na pinagtaka ko naman. Hindi ko naman birthday ngayon.

"Nandyan yung uniform mo, sapatos saka nandiyan rin yung locker keys natin." Sabi niya. Tumango nalang ako at pumunta na ng banyo. Kung tatanungin niyo kung ano gagawin ko abe malamang maliligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagpatuyo muna ako ng katawan at buhok. Pagkatapos ay may nilagay ako sa dibdib ko para di mahalata yung dibdib ko (-.-) pagkatapos ay nagbihis na ako.

Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Hmm... Not bad. Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko ay lumabas na ako sa banyo.

Nakita ko si August na nakaupo habang hinihintay ako. Nangmakita niya ako ay napangisi siya.

"Ganda talaga ng lahi natin." Nakangising sabi niya. Napangisi rin ako at nag suot na ako ng sapatos. Pagkatapos ay bumaba na daw kami dahil pumunta si Rain rito para sabay sabay ng kumain.

Habang pababa ay naamoy ko na yung mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Sino kaya yung nag luluto? Ambango naman saka nakakagutom yung amoy. Biglang tumunog yung tiyan namin ni August kaya napatawa kami ng mahina.

Pagkarating namin sa lamesa ay nadatnan naming nagkukiwentuhan si Rain at Sev. Tiningnan ko ang mga suot nila at si Sev palang ang nakauniporme pero si Rain. Di pa ata pero nakaligo na siya siguro dahil basa ang buhok niya.

"Kanina pa kayo dyan? Lika kayo kain na tayo. Masarap linuto ni Kuya Sev." Sabi ni Rain. Umupo na kami pagkatapos ay kukuha na sana ng pagkain si Rain nung biglang tinampal ni August at ni Sev yung kamay ni Rain.

"Yah! Ano ba problema niyo? Tapos sabay pa kayo. Bully ka talaga kuya Sev ikaw rin August kala ko magkakaroon na ako ng kakampi yun pala hindi." Madramang sabi ni Rain. Natawa naman ako at napailing. Yung dalawa naman pinangaralan siya. Ang cute nilang tingnan parang matagal na silang magkakilala.

"So sino ang magdadasal?" Tanong ko. Nagkatinginan yung tatlo tapos tumingin sa ibang direksyon. Seriously?

"Hays ako na nga lang." Sabi ko sa kanila. Nag sign of the cross na ako tapos nagdasal. Pagkatapos ng dasal ay kukuha na sana uli si Rain ng pagkain nung tinampal uli siya nung dalawa.

From Girl To BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon