Thirteen

46 2 6
                                    

I dedicate this chapter to MaVs_08 . Hi girl, thank you for your support. I appreciate it a lot :). Hope you like it, guys.

-A

Yohan

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng araw na iyon at nagsimula na rin ang pang bubully ni kuya King sa akin. Hinahayaan ko na lang dahil nag eenjoy din naman ako. Basta ako sasakyan ko lang ang trip ng mokong kong kuya.

Kasalukuyan kaming papunta ngayon ni August sa faculty para ipakita kay Ms. Cheska ang ginawa naming reviewer para sa itututor namin.


*tok tok*

"Ma'am can I excuse Ms. Cheska for awhile?" Tanong ko sa teacher na nasa unahan noong dumungaw ako sa pinto ng faculty. Ang hirap dito sa faculty namin bawal pumasok ang estudyante para daw may privacy ang mga teachers. Tss, nek-nek nila. Dami nilang alam.

Tumango naman yung teacher tapos hinintay na lang namin sa labas si Ms. Cheska. Tiningnan ko si August at ang tahimik niya. Hindi naman siya usually na ganyan, maingay siya kapag kaming dalawa lang pero ngayon may nag bago na. Gabi-gabi ko rin siyang naririnig na umiiyak kaya nalulungkot ako dahil nasasaktan ang bestfriend ko.

"Ayos lang ba sayo na magtutor?" Tanong ko sa kanya. Marahan lang siyang tumango tapos tumingin na siya sa ibanh direksyon. Ganyan na lang siya lagi, tango at iling na lang lagi. Nakakahalata na rin si Rain at kuya Sev pero sabi ko sa kanila hayaan na lang dahil may nangyaring masama. Kapag talaga ako nainis neto babatukan ko ng pagkalakas-lakas ng magka amnesia para mawala na sa isip niya si kuya King.

Napalingon naman ako ng narinig kong bumakas ang pinto ng faculty, akala ko si Ms. Cheska na iyon pero mali ako. Si kuya Aver ang lumabas, tiningnan niya ako pati si August tapos kasunod niyanh lumabas ay si Ms. Cheska. Napakunot-noo tuloy ako, bakit magkasabau silang lumabas? Sila ba? Diba bawal yun? O baka ako lang itong paranoid at nag iisip ng kung ano-ano?

"Oh, nandito na pala kayo. Nasaan ang mga reviewer na ginawa niyo?" Nairap naman ako sa isip ko. Tss, buti na lang talaga marunong kami ni August sa Math kung hindi baka naubusan na kami nh dugo sa sobrang dami at hirap ng math nila kuya. Kaya siguro hindi kinakaya ng brain cells nila.

Sabay naming inabot ni August ang mga papel na hawak namin. Kinuha naman niya yon at tiningnan. Seryoso lang kaming nakatingin sa kanya. Maghapon naming pinag aralan ni August yan, baka kapag sinabi niyanh ulitin namin yan masasapak ko siya ng wala sa oras.

Nakita namin ang pag-tango-tango jiya at binigay na sa amin ang papel. "Very good, you're beyond in my expectation," nakangiting sabi nito tapos binalingan niya ang katabi niya.

"At ikaw, bumalik kana sa classroom mo," sabi niya. Akala ko aalis na siya pero nagkakamali kami. Nanlaki ang mata ko ng bigla niyanh halikan si kuya Aver sa pisngi tapos tinulak-tulak niya para makaalis na. Parang wala lang sa kanila kung may makakita o wala. Binalingan niya kami tapos kumindat siya sa amin at nagsign na wag kaming maingay. Sa sobrang gulat ko napatango na lang ako at pumasok na siya sa faculty.

Tumingin ako kay August at ganun din siya. Nagkatitigan kami at napalingon sa pintuan ng faculty.

Wtf? What was that?


Rain

"It's raining men! Hallelujah! It's raining men! Amen! I'm gonna go out to--" bigla akong natigil sa pagkanta ng bigla akong batukan ni kuya Sev. Pinukulan ko siya ng masamang tingin at binato ko sa kanya ang sapatos ko. Boom sapul. Tawa lang ako ng tawa habang siya pinapatay na ako sa pagtitig niya.

From Girl To BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon