Seven

49 6 2
                                    



Yohan

Nakaupo pa rin ako sa sahig ng banyo pero tumigil na ako sa pag iyak. Tumayo ako at tumingin sa salamin para makita ko ang mukha ko. Napangiwi ako nung makita ko ang mukha ko. I'm look like a mess. Namumula ang mukha ko lalu na ang ilong pero hindi naman mugto ang mata ko.

Nagulat ako nung biglang may kumatok sa banyo. Bigla akong ginapangan ng kaba sa aking dibdib na baka may makakita sa akin na ganito ang kalagayan.

"Yohan, si August ito. Lumabas kana dyan. Hinahanap kana ni Rain saka sabi niya malapit na daw dumating ang buong MSYNX." Aniya. Naghilamos muna ako at inayos ang uniporme ko. Tumingin uli ako sa salamin bago lumabas ng tuluyan.

"Ayos lang ba mukha ko? Namumula paba?" Agad na bungad kong tanong kay August pagkalabas ko. Tiningnan naman niya ang mukha ko at may nakita akosa mata niya. Parang naawa siya sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin.

"Okay lang naman. Hindi naman nila panigurado mahahalata yan. Saka kung tanungin ka gawan mo nalang ng palusot. Magaling ka naman dun." Nakangising sabi niya. Napangiti naman ako dun.

"Loko loko ka talaga. Lika na nga drama mo." Sabi ko sa kanya. Napasimangot naman siya tapos binatukan ako. Aba't!

"Anong madrama? Ikaw kaya madrama dyan. Iyakin ka na pala ngayon." Pang-aasar niya sa akin. Inirapan ko naman siya at hindi ko na pinansin ang pagtawa niya. Tsk... FYI sa aming dalawa siya ang iyakin. Simpleng panonood lang ng horror iiyak na iyan eh.

Habang pababa ay may naamoy akong parang nasusunog. Nanlaki ang mata ko at dali daling pumunta ng kusina. Nadatnan ko si Rain na nagpapanic na at hindi na alam ang gagawin.

Agad akong pumunta dun at pinatay ang gas stove. Tiningnan ko yung sinangag na kanin. Oo, sinangag. Mahilig kasi ako dun pati si kuya King kaya nagluto ako. Buti hindi naman nasunog.

"Buti hindi nasunog ng tuluyan ang kusina." Sabi ni Rain na parang nabunuan ng tinik. Natawa naman kami ni August sa kanya. Umupo si August sa tabi niya at ako naman ay inihahanda ko na yung mga pagkain.

"Puwede ka nang mag-asawa, Yohan." Out of the blue na sabi ni Rain. Nagkatinginan kami ni August at napa iling. Di pa uy! Bata pa ako at mas priority ko ang pamilya at kompanya.

"Paano mo naman nasabi, Rain." Tanong ni August. Pinanlakihan ko nga ng mata pero ang loka di natinag.

"Kasi marunong siyang mag luto tapos kagabi nakita ko siyang nag aayos at nilinis yung kuwarto niyo kahit na malinis naman." Sabi ni Rain. Napatango tango naman si August at tumingin sa akin na may ngisi sa labi niya. Ako naman patuloy lang sa paghahanda.

"Puwede nabang kumain? Nagugutom na ako." Tanong ni Rain. Napatawa naman kami tapos bigla siyang sumimangot. Sasabihin ko sana na puwede na kaso may narinig kaming ingay na nag mumula sa sala.

Bigla akong kinabahan saka ayaw ko munang maka encounter si kuya. Nagkatinginan kami ni August at bigla na siyang tumayo.

"Ahm... Rain meron bang back door itong bahay?" Tanong ni August. Nagtaka naman si Rain tapos hinarap kami.

"Meron. Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"Ano kasi... Pupunta kami kay principal kasi may sasabihin daw siya." Palusot ko. Tiningnan ako ni August tapos ako naman kumindat.

From Girl To BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon