Five

61 5 1
                                    



Yohan

"Yohan" biglang tawag sa akin ni August. Napalingon naman ako sa kaniya at nakita ko siyang pinagpapawisan. Eh? Anyare dito?

"Oh? Anyare sayo? Natatae kaba?" Takang tanong ko sa kanya. Seryoso guys mukha siyang natatae na ewan.

"Gaga hindi! Kinakabahan ako. Paano kung malaman nilang babae tayo? Paano kung di natin masabi sa apat mong kuya? Paano kung--" di na niya natuloy sinasabi niya nung tinakpan ko yung bibig niya. Daldal talaga netong babaeng ito.

"Negga mo talaga! Think positive dapat saka wag mong iisipin yun." Sabi ko sa kaniya. Hihirit pa sana siya nung biglang huminto yung sinasakyan namin sasakyan.

"Wahh!! Yohan andito na tayo. Anong gagawin natin niyan?" Naghehesterikal na sabi ni August. Natatawa akong lumabas sa sasakyan at sumunod naman siya. Kinuha namin ang mga maleta namin sa likod. Pagkatapos ay agad umalis ang sasakyan at ako naman ay nag simula nang maglakad papasok sa bago naming school.

"Hoy! Wag mokong tawanan, Yohan. Anong gagawin natin? Okay lang ba yung boses ko? Lalakihin ko pa ba boses ko para mukhang barako talaga? Huy pansinin mo muna ako." Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Kung tutuusin di naman talaga kami halatang mga babae, panira lang talaga mga boses namin kaya ang plano namin tahimik lang kami.

"Okay lang talaga. Saka mag relax ka lang, so halika na?" Tiningnan niya muna ako bago tumango at nagpatuloy uli sa paglalakad. Kaloka naman anlayo pa pala pero hayaan na nga nangyari na saka exercise na rin ito.

"Yohan, pagod na ako." pagrereklamo nitong kasama ko. Napailing na lang ako at diko na lang siya pinansin.

Pagkatapos ng mahaba habang pagpalakad ay sa wakas nandito na kami sa may lobby ng school. Napatigil ako dahil grabe yung mga tingin na pinupukol nila sa amin. Sheyt! Bigla akong kinabahan pero nagpatuloy nalang ako sa pag lalakad.

"Yohan, alam mo ba kung saan ang principal's office?" Tanong niya sa akin. Nilingon ko siya tapos napakamot ako ng batok.

"Hindi eh" sabi ko. Napa facepalm naman siya at napailing dahil na rin sa katangahan ko. Ikaw ba naman derederetcho maglakad tapos dimo pala ala kung saan ka pupunta.

"Lika subukan natin mag tanong" pabulong na sabi niya. Tumango naman ako bilang pagsang ayon sa sinabi niya. Lumapit siya sa isang lalake tapos magtatanong na sana siya kaso di siya pinansin. Ay! Snobber si kuya. Famous siguro. Ako naman sinubukan kong mag tanong at buti nalang may nakuha akong sagot sa napagtanungan ko.

"Deretcho lang kayo tapos kaliwa kayo tapos may maikita kayong malaking pintuan at yun na yung principal's office saka may naka lagay naman sa pintuan niya na Principal's office kaya di kayo malilito." Sabi nung napagtanungan ko. Tiningan ko ang kabuuan niya. Cute siya. He have a chinito looks tapos nakadagdag pa ng cuteness niya ang messy hair niya. Grabe meron palang nabubuhay na lalake dito sa mundong ibabaw at makikita lang pala sila dito sa school na ito.

"Ahm... Thank you!" Sabi ko nalang tapos kinuha ko na yung maleta ko at saka hinila na si August na trying hard pa ring magtanong kung nasaan ang principal's office.

Naglalakad na kami ngayon at hawak hawak pa rin namin ang mga maleta namin. And thank God nakita na namin yung principal's office. Kumatok muna si August bago kami pumasok.

Sumalubong sa amin ang classic na music na tumutugtug sa kung saan. Pinagmasdan ko ang kuwarto at masasabi kong ang ganda plus nakakarelax dahil sa ambiance nito. May nakaupong lalake na sa palagay ko ay nasa 40 plus siguro kaedad ni papa.

From Girl To BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon