Eleven

45 2 0
                                    

Yohan

Kasalukuyan kong dinadial yung number ni Mr. Principal. Kanina ko pa ito tinatawagan pero hindi sumasagot. Nagsisimula na akong mainis pero buti sa ika limang ring ay sinagot na niya.

"Yes, Ms. Park? What can I help you?" Tanong nito sa akin.

"Mr. Principal, can we go outside of the school? We need to do something very important." Sabi ko sa kanya tapos nakatingin na ako ngayon kay Autumn na nakabihis pambabae na. Buti may wig kami rito kaya nakikita ko na ngayon ang dating Autumn.

"Okay, pero bumalik agad kayo. I'll give you until midnight." Sabi ni Mr. Principal.

"Thank you and sorry for disturbing you, Sir." Sabi ko sa kanya na ngayon ay nakangiti na ako.

"It's okay." Sabi niya tapos pinatay na nya yung tawag. Nakangiti akong sinuot ko ang jacket ko tapos biglang nag ring yung cellphone ko. Sinagot ko naman agad yung tawag.

"Hello." Sabi ko.

"Napadala ko na yung kotse. Saan mo ba iyon gagamitin?" Tanong sa akin ni kuya Drake.

"Basta. May pupuntahan lang kaming importante." Sabi ko tapos habang kausap ko si kuya Drake ay binigay ko kay Autumn yung malaking jacket.

"Ayan ka na naman sa basta mo. Tsk... By the way may naghihintay sa inyo dun at ibibigay sa iyo yung susi." Sabi niya tapos pinatay na yung tawag. Nak ng?! Daming bastos ngayon ah...

"Anong sabi ni kuya Drake?" Nagulat ako nung biglang magsalita si Autumn sa tabi ko.

"Kaloka ka! Ginulat mo ako. Wala, nangungulit nanaman ang kuya mo kung saan tayo pupunta." Sabi ko tapos hinawakan ko kamay niya tapos dahan dahan kaming lumabas. Naks! Parang nasa teleserye kami na hinawakan nung lalake yung kamay ng babae tapos aalis sila sa building para mailigtas si girl.

Tumatakbo kami ngayon at salamat naman dahil walang tao. Pumunta kami ng parking lot tapos nakita ko yung sasakyan na pinadala ni kuya Drake tsaka may tao rin. Siguro sya yung magbibigay ng car keys.

"Sir, eto na po yung susi ng kotse." Sabi sa akin nung lalake. Hindi ako nag suot ng damit pambabae ngayon dahil may plano ako.

"Salamat, pre. Paki sabi sa amo diko naman pababayaan ang prinsesa niya." Sabi ko. Tumango naman siya tapos umalis na. Pumasok na kami ni Autumn sa sasakyan.

"Sandali, marunong kang magmaneho?!" Nanlalaking matang sabi ni Autumn. Napangisi naman ako sa reaksyon niya.

"Oo naman, duhh." Sabi ko the I start the engine.

Third Person

Sa kabilang banda naman ay naghihintay sa ilalim ng puno sa playground si King. Umupo muna siya at tiningnan ang bituin sa langit.

Napangiti siya ng mapakla ng maalala niya ang pag uusap ng babaeng minahal niya noon pero ngayon ay kinamumuhian na niya.

It's been 2 years simula ng iwan siya nito ng walang pasabi. Hindi niya alam ang rason nito at masakit para sa kaniya na iwan siya. He was miserable that time plus umalis ang kakambal niya papuntang Germany.

Buong akala niya ay hindi katulad si Autumn na ibang babae na iiwan sya pero akala lang pala yun. Hindi niya alam kung bakit pumayag pa siya na makipag kita rito. Napabuntong hininga siya at may narinig siyang mga yapak ng paa.

Hinanap niya iyon at nakita niya si Autumn. Wearing the white dress he gave to her. Tumayo siya at wala kang makikitang kahit na anong emosyon sa mukha ni King. Tiningnan ni King si Autumn. Katulad pa rin ito ng dati.

"Mark..." Rinig na sabi ni Autumn sa kanya habang si Autumn naman ay kinakabahan.

"Mark? Mark na pala ang tawag mo sa akin?" Mapait na sabi ni King.

Hindi nakaimik si Autumn at napayuko nalang dahil ramdam niya ang pagkamuhi sa kanya ng lalakeng mahal niya. Sino nga ba ang matutuwa kung makita mo ang taong nang iwan sayo.

Bumalot sa kanilang dalawa ang katahimikan. Maririnig mo lang ang tunog ng mga kuliglig at paghinga nilang dalawa.

"Ano ang kailangan mo?" Pagbabasag ng katahimikan ni King. Nakayuko pa rin si Autumn at pinipigilan na may makawalang luha sa kanyang mata.

"I want a closure." Mahinang sabi ni Autumn. Parang biglang sinaksak ng maraming punyal ang puso ni King. Oo nagagalit siya sa pag alis nito pero masakit pa rin sa kanya na umalis na nga ito ng walang pasabi pagkatapos ay nanghihingi naman ito ng closure.

"What? Give me a reasonable reason to let you go." Masakit man pero titiisin ni King ang sakit para sa taong mahal niya. Hindi nakaimik si Autumn dahil maski siya ay hindi niya kayang palawalan si King pero sa nangyari 2 years ago ay yun ang nag pupush sa kanya para gawin ito.

"Because..." Hindi na natapos ni Autumn ang sasabihin ng biglang may sumingit sa kanilang pag uusap.

"Because you're a Jerk." Sabi ni Yohan. Napakunot ang noo ni King at papalit palit ang kanyang tingin sa lalakeng nasa harapan niya at sa babaeng mahal niya.

"Who are you?" Masamang tingin ang ginawad ni King sa lalakeng nasa harapan niya. Ngumisi ito at hinila papalapit si Autumn sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

"I'm her boyfriend, Yohan Chance Richard. Nice to meet you." Sabi nito at naglahad ng kamay. Imbis na tanggapin ay sinamaan ito ng tingin.

"Huh? Boyfriend? Kaya kaba nakikipagclosure sa akin? Tsk... Wag mo nang hingin ang closure ko dahil dati pa kita pinakawalan at wala na akong pake sa iyo." Sabi ni King at umalis na. Mabibigat ang hakbang niya habang paalis dahil nang nilisan niya ang lugar na iyon ay iniwan niya narin ang pagmamahal niya.

Samantala, umiiyak ng umiiyak si Autumn habang inaalo ito ni Yohan. Masakit para kay Yohan na makita ang bestfriend niya na umiiyak dahil sa unggok niyang kuya.

Napangiti siya ng makita niya sa mata ng kuya niya ang matinding sakit at pagseselos nang magpakilala siyang boyfriend siya ni Autumn. Success ang plano niya pero may parte na sinisisi niya ang sarili dahil umiiyak ang bestfriend niya.

"Sorry, Autumn." Sabi ni Yohan habang pinapatahan ito.

"O-okay lang... Inaasahan ko na ito eh." Sabi ni Autumn habang pinupunasan niya ang luha sa mata niya.

"Sabihin mo nga, ano ba talaga kayo ni kuya?" Tanong ni Yohan.

"I don't know too." Mahinang sabi ni Autumn at napayuko. Napabuntong hininga nalang siya at yinakap ang kaibigan.

"Wag ka nang umiyak. Someday makikita mo ang taong para sayo." Sabi ni Yohan. Tumayo ito tapos ay nilahaf niya ang kanyang kamay. Tinanggap naman ito ni Autumn at saka tinayo siya ni Yohan.

"We have 1 hour bago mag midnight. So... Anong gustong mong gawin?" Tanong ni Yohan kay Autumn.

"Bili tayo ng maiinom. Gusto kong makalimot. Gusto ko munang mawaglit sa isip ko yang peste mong kuya." Sabi ni Autumn. Kung sa normal na sitwasyon ay matatawa si Yohan sa kagagahan ng kaibigan ngunit nakikita niya ang pagiging miserable nito dahil sa kuya niya.

Bumuntong hininga si Yohan at tumango. "Sige, hanap tayo ng mabibilhan na alak." Sabi ni Yohan. Marunong silang uminom dahil sa mga parties na dinadaluhan nila.

"Salamat, Ayesha." Sabi ni Autumn tapos nauna na itong nag lakad. Napatingala nalang siya sa langit na puno ng bituin.

"Mama, please guide us to the right pathway. I miss you, mama." Sabi ni Yohan at sinundan ang kaibigan.

From Girl To BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon