Nine

37 4 1
                                    


Yohan

Nakita kong sila kuya Aver ang magiging kalaban namin. Napangisi ako ng wala sa oras.

"Oh damn! Magandang laro ito..."sabi ko sa isip ko habang nakangisi.

Tiningnan ko si kuya Aver. Ganun pa rin siya pero pokerface na siya ngayon. Hindi tulad dati na mahahawa ka sa ngiti niya. Ano ba kasi nangyari sa kanila?

Bigla kaming tinawag ni sir at nakita kong nakahilera na sila dun. Napahinga muna ako ng malalim bago pumunta duon. Humilera rin kami katulad nila at sakto pang nakatapat ko si kuya Aver. Nakapoker face lang siyang nakatingin sa akin and for return nginitian ko siya. Nakapoker face pa rin siya pero makikita mo sa mata niya yung pagtataka.

"Okay. Ang mechanics ng game ay kung sino ang unang maka 5 puntos ay siya ang panalo. Is that clear?" sabi ni sir. Napangisi ako dun. Nice...

"Yes, sir." Sabi namin at nagsimula na ang laro...

Rain

Nakuha ng kabilang team yung bola. Sh*t paano ba maglaro nito? Ginawa ko nalang ng parang basketball. Sorry hindi ko alam talaga maglaro nito. Nakita ko pang natatawa si sir Fred. Nyeta naman kaya ayoko nag lalaro ng ibang sports eh.

Nakita kong na kay kuya Aver ang bola. The pak men! Talo na kami neto. Isa sa magaling na mag soccer si kuya Aver kaya panigurado talo kami at isa siyang ace player ng soccer team.

Nagulat nalang ako nung nakuha ni Yohan yung bola kay kuya Aver. Oh sheyt! Perstaym to!

Ang bilis gumalaw ni Yohan na parang professional siya kung gumalaw. Nakita ko naman si August na tumakbo papunta roon kay Yohan and in just a blink na kay August na ang bola. Woah! Ang galing nila pati na ang team work nila. Pasa pasa lang sila ng bola. Sa sobrang pagkamangha ko ay nagulat ako kay sir Fred.

"Rain! Maglaro ka. Hindi kita pinasok para manuod lang." Sabi ni sir. Nyems eh sa mas maganda manuod eh. At saka diko ito forte!

Nakita kong sisipain na sana ni August yung bola sa may net pero nagulat nalang ako nung sipain niya ito papunta kay Yohan. Tumigil yung bola sa harap ni Yohan. Papunta na si kuya Aver sa kanya pero siya nakatigil lang dun. Ano pa hinihintay niya? Bakit di niya pa sipain?

"Sipain mo na, Yohan!" Sigaw ko dahil nasa kabilang parte siya ng field. Ngumisi muna siya bago sipain yung bola. Napanganga ako nung sobrang lakas nung pagkakasipa niya. Kinabahan ako dahil yung goal keeper naka handa pero tawang tawa ako sa nangyari.

"The eff? Hahahaha." Tawa ko habang tinitingnan ang sinapit ng goal keeper.

Nagtataka kayo siguro kung ano nangyari. Nakahanda na yung goal keeper pero nung nakita niyang sakto sa mukha niya papunta yung bola bigla siyang nag dive sa lupa at ang ending may puntos kami plus nakakatawa pa nangyari.

"Nice one, Yohan!" Sigaw ko sa kaniya. Nagthumb up naman siya at ngumiti. Pagkatapos ay nagkatinginan si Yohan at August tapos bigla silang ngumisi. Ibang klase... Kung titingnan mala inosente at walang alam sila pero malahalimaw pala sa sobrang galing.

"Nice team work, Richard and Williams." Sabi ni sir Fred na nakathumbs up pa. Ngumiti naman si August saka si Yohan tapos balik sa pagiging seryoso sa paglalaro.

From Girl To BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon