Two

103 5 5
                                    



A/N: This chapter is dedicated to MauRagrag28. Thank you for reading my story and also for voting (^_^) Arigatou Gusaimasu!

Ayesha

Nagulat si lola at nahampas pa ako sa balikat ko dahil sa sigaw ko. Napa aray naman ako dahil sa lakas ng hampas niya. Bakit ganito si lola kapag nagugulat, nanghahampas?

"Ikaw talagang bata ka. Wag kang nanggugulat," sapo pa ni lola ang dibdib niya at nakatingin sa akin ng masama. Nag peace sign nalang ako at napailing nalang si lola.

"Sorry naman lola pero seryoso? Kailangan ko talagang magpanggap na lalake? Lola naman wala nabang ibang option. Hindi ba pedeng dukutin nalang ang bruhildang yun tapos ipatapon sa ilog pasig ng matapos ang problema?" mahabang tanong ko kay lola. Napailing nalang ito at huli ko na marealize kung anong katangahan ang sinabi ko. Kapag ginawa namin ang naisip ko baka mas kampihan talaga ni papa yung bruhildang yun. Tangengot mo talaga, Ayesha.

"Wala na tayong ibang choice kundi magpanggap ka na lalake," sabi ni lola. Nako naman parang inisip ko palang bagsak na ako sa pagpapanggap ko.

"Lola, baka hindi ko kayanin. Alam mo naman ako, isang akong kikay hindi maton," may bahid na ng inis ang boses ko. Napataas naman ng kilay si lola dahil sa sinabi ko.

"Bakit nasubukan mo naba? Hindi pa diba? Trust me, iha makakaya mong magpanggap at saka para narin sa papa mo at sa mga kuya mo. Baka sa huli magsisi ka."

Huminga ako ng malalim. Galing talaga mangonsensya ni lola pero tama si lola kung hindi ko gagawin to baka mawala si papa sa amin tapos ang pinaghirapan ni papa at mama mapunta lang sa babaeng yun at hindi ako makakapayag na mangyari yon. I need to do this.

"Fine, lola. Magpapanggap na akong lalake para kay papa, kela kuya at sa kompanya. Ayokong mapunta lang sa bruhildang yun ang pinaghirapan ni mama at papa," determinado kong sabi.

"Hay, salamat naman at pumayag kana. Aalis na ako para maayos kona ang paglipat mo at sa identity mo na gagamitin. Siya nga pala wag na kayong pumasok," sabi ni lola pero bago pa siya makalabas ay bigla siyang huminto sa pintuan at humarap uli sa akin.

"You need to buy a new clothes and new hair style para mapagkamalan ka talagang lalake, iha. O siya aalis na ako," at umalis na si lola. Hindi pa rin mag sink in sa akin ang mga sinabi ni lola. Lallna yung last part.

"New hair style para mapagkamalan ka talagang lalake"

"New hair style para mapagkamalan ka talagang lalake"

"New hair style para mapagkamalan ka talagang lalake"

Parang sirang plaka na paulit ulit sa akin yung sinabi ni lola. I need a new clothes and new hair style. What the? Ang hirap hirap magpahaba ng buhok tapos tapos...Nakakainis, hindi ba pedeng mag wig nalang ako?

Pagkatpos noon ay pinauwi muna ako ni kuya Drake kasama si Autumn. Grabe,ang araw na ito parang diko kakayanin yung pinapagawa ni lola. Buwisit ng bruhildang yun kasi mas mapapadali ang trabaho kung papatapon nalang sa south pole o kaya papatay nalang tapos itatapon sa ilog pasig yung katawan niya na walang buhay at maki---

"Ayesha, earth to hindi mars. Naririnig mo ba ako?"

Napahinto ako sa pagpatay sa step mother ko nung biglang sumigaw si Autumn.

From Girl To BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon